Ang Textmate - Part 4: Care

Medyo masakit pa din ang ulo ko, kasi naman kanina kasabay pagkagulat ko kay grey ay ang pagkahulog ko sa lapag at nauntog pa ulo ko sa pader, sumakit tuloy ng husto ang ulo ko at biglang nahimatay. Pero ang lubos kong ikinagulat ay ang biglang pagkakita ko ng mga bagay bagay habang walang malay, medyo blur ang mga nakikita ko pero parang may ibig sabihin yung mga yun. Hinatid ako ni Grey dito sa bahay, hindi ko nga siya napasalamatan dahil nagmamadali na siyang umuwi. Nandito ako ngayon sa kwarto ko, nakahiga habang nag muni muni ng mga kaganapan. "TooT...TooT...TooT"may nagtext.Pag tingin ko ng phone binuksan ko kaagad. Unknown number ay si Grey pala ito. Grey: hindi kita mamadaliin josh, maaalala mo din ako, mahal kita hindi lang bilang ka fubu, mahal kita kasi mahal kita. I will win you back. goodnight joshiepot ko ;) napangiti naman ako sa text. Naalala ko bigla, naikwento sa akin ni mama na kasama ako ni papa sa car accident. maswerte na lang daw noong nabuhay pa ako dahil 1 taon akong walang malay. Kailangan pa tuloy nila akong dalhin sa america para doon ipagamot. Nang nagising naman na ako, ay nagka amnesia naman ako, pero hindi naman lahat nawala. Parang nagkaroon lang daw ako ng lost memories ayon sa doctor. Babalik din naman daw yun in the right time. Nireplayan ko si Grey para makapagpasalamat na rin. me: salamat pala Grey sa paghatid at pagsama sa akin kanina. Huwag kang mag alala, babalik din ang lahat sa dati. may tanong lang ako.Totoo bang naging mag fubu tayo at magtextmate?alam ba ito ni bes ko? sorry at hindi ko kasi talaga maalala pa lahat ehh. hehehe. Grey: totoo yun noh!. bakit naman ako gagawa ng kwento joshiepot ko. ikaw pa nga nagbigay ng call sign natin ehh.. gawa mo na ba nyan?, bakit hindi ka pa magpahinga? 9pm na ohh. You should take some rest na dapat. me: ahhh, ganun ba? heheh, sorry makulit ako, well. if fubu kita. anong role ko?, girl or boy?? maaga pa, wag kang o.a. dyan greyiepot ko? heheh Grey: ikaw ang girl noh!, hehehe miss na ba ako joshiepot ko? gusto mo puntahan kita dyan, labing labing tayo heheheh, ang saya naman!!. me: PERVERT!!!, hmfpt, bakit ka naman masaya? Grey: kasi tinawag mo ulit akong greyiepot!!. ;) hehehe, sige na josh. matulog ka na po. kita nalang tayo bukas ng umaga. me: okay, goodnight. :) Grey: same to you joshiepot ko. ;)

Ang Textmate - Part 3: Greyiepot and Joshiepot

Nandito na ako ngayon sa room, ewan ko ba parang ang saya saya ko kanina habang kausap ko siya. Ang cute niyang tignan pag namumula na yung mukha nya sabayan pa ng pautal utal nyang pananalita. Ang mga pilik mata niyang parang pang manika sa haba, yung mga mata niyang kumikinang na parang dyamante, ang makinis niyang mukha na parang pambabae at higit sa lahat ay yung labi niyang mamula mula. Kissable lips siguro sya. Hayyyy!! Ano ba itong iniisip ko!! Umandar na naman ang pagkapervert ko!, pero bakit sa kapwa ko lalaki?!, bakit kay Josh?! Arrrggghh!!!!!Ayaw ko nang mag isip!! Para siyang nakakita ng multo kanina ng makita niya ang napakagwapo kong mukha. Ganun talaga, eh sa ipinanganak akong gwapo eh, pero never pa ako nagka girlfriend. study first ang motto ko!.. " Mr. Devastian, please pay attention sa klase ko, marami ka pang dapat habulin na lectures since na nasa star section ka" sabi ni si Mr. Lim na nagpabalik sa katinuan ko. " Yes sir, sorry po ulit" mahinang sagot ko. ------------------------------------- "What the he--.." hindi na natuloy pa ang sasabihin ko ng bigla niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. "miss me joshiepot ko?" sabi ng lalaking nasa harapan ko ngayon, dahilan para mahulog ako sa kinauupuan ko sa sobrang taranta at gulat. "B--L--A--G!!!!!!!" "Aarrraayyy" pasigaw kong sabi. Agad akong pinagtinginan ng mga kaklase ko at yung iba ay pinagtawanan ako. "What's that Mr. Aldrinidad" tanong ni Ms. Kim "Mukhang nahulog ata mam sa sobrang gwapo ng katabi nya." sabi ng isa kong kaklaseng bakla. " Tumigil nga kayo!. Nakaidlip lang ako sabay nahulog. Y-yun lang yun!" despensa ko kaagad sa kanilang lahat. Agad akong bumangon at umayos na kinakaupuan ko. Nilungon ko lang yung lalaking nasa likod ko para bigyan siya ng masamang tingin ngunit iba ang ibinalik niya sa akin. Ngumiti lang ito at kinindatan ako sabay ikinaway niya yung phone niya na parang may pinapahiwatig. Agad kong tinignan ang phone ko, at may text akong nakita... Unknown number: wag ka naman masyadong pahalata, ikaw naman ehh. let's do it again some other time if you want? ;) -Grey Agad ko siyang nireplayan. me: sino ka ba? bakit kilala mo ako? hindi naman kita kilala, saka anong sinasabi mong fubu eh virgin pa ako and straight ako dude. Grey: straight?, yung ari mo straight!, pero ikaw,ako, we always make love my joshiepot. me: huh? sorry dude baka nagkakamali ka lang. baka kamukha ko lang yun!, Grey: so ganun nalang yun? eh bakit ka sumunod sa cr? bakit mo ako tinext? isa lang ibig sabihin nun, you miss me also. ang hirap mo kayang hanapin joshiepot!! me: sorry dude, hindi talaga kita matandaan. Maybe it's because I had an amnesia due sa car accident na ikinamatay din ng papa ko. sorry, pero kung totoo man ang sinasabi mo, maaalala din kita. sory dude.

Ang Textmate - Part 1: The Bar

Paano mo masasabi sa isang tao na siya na talaga ang mamahalin mo habang buhay kung sa text lang kayo laging nagkakausap ng matino?? Kung sa bawat pagkikita nyo ay puno lagi ng takot na baka hindi naman pala siya ang taong nararapat sa pagmamahal mo. Kaya bang panindigan ng puso ang ayaw sabihin ng utak mo? Kung sa bawat pintig nito ay nagtatalo ang isip at puso mo kung mahal mo rin ba siya at wala nang iba pa??? Kilalanin natin si Josh at Grey. Kahit na maraming pinagdaanan sa nakaraan at may hinaharap sa kasalukuyan ay nananatili pa ring nagmamahalan. Magkaiba man ang kinalakihan at kultura pero naging isa sa paniniwalang mahal ko si Textmate!! . . . . . Sabado na naman, at gaya ng dati maglililinis na naman ako ng buong bahay. Syempre, good boy ako kaya tuwing sabado, general cleaning day!! " Josh anak, nagawa mo na ba ang mga assignment mo?"- sabi ni mama ng biglang sulpot sa kwarto ko. " Ah.. opo ma!, tinapos ko na po kagabi pa para wala na akong gagawin ngayon". -magalang na sagot ko naman kay mama. Dalawa nalang kami ni buhay ni mama mula ng mamatay si papa sa isang car accident na kasama ako, buti nalang daw at nakaligtas ako, ang kaso nagka amnesia naman ako. 2nd year college ako that time. I was in coma for 6 months at pag gising ko, wala na akong maalala. Pero may mga bagay akong hindi ko maexplain eh, parang bumabalik na kasi ang mga alala ko sa nakaraan. Palagi sa panaginip ko. May isang lalake. No!,Dalawa sila. Pero blur, maybe they're just a part of my life before and the thing is, hindi ko sila maalala. "R---I---N---G" "Oh, bakit?" sabi ko sa tumawag. " Ano na? Sasama ka ba o hindi? 5pm na!!Juiced colored ka naman Josh!" bulyaw sa akin ni Lyth, ang bestfriend kong ubod ng ganda pero mala-amazona. " Ay, oo nga pala, sige wait lang bes,ligo lang ako tapos daanan niyo na ako dito sa bahay. Alam mo na,. hehehe". sabi ko kanya. Para payagan ako ni mama na umalis ng bahay, malakas kasi si Lyth kay mama at gabi na kasi kami gagala, ayaw ni mama na nagpapagabi ako sa daan kahit ng 4th year na ako. Iba na daw kasi ang panahon ngayon. Habang nag aayos na ako ng buhok ko ay may marinig na akong bumusina mula sa labas. "Sila na siguro yan"., bulong ko sa sarili ko sabay labas papuntang gate ng makita ko si mama at Lyth na nag uusap. " Naku Tita Fler, ako na pong bahala dyan kay Josh and dun na siya mag sleep over sa bahay po, baka po kasi magpakala--." hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Lyth at hinatak ko na siya papasok ng kotse. " Bye ma! Love you!" ang nasabi ko nalang kay mama habang pasakay ng kotse. " Oh mag ingat kayo mga anak!. Josh Yung wallet mo ah!" sabi ni mama na may kaunting paalala. Madalas kasi akong mawalan ng pera tuwing nag jajamming kami at nalalasing ako. " So san tayo? same place? "- sabi ni Thyme habang nagmamaneho siya. " Sure, basta this time sagot mo mr. nonsense" banat ni Lyth from nowhere. hahaha, kung hindi lang talaga kami magkakaibigan, matagal na akong nagsuspetsa sa dalawang ito. Nang makarating na kami sa bar na lagi naming pinupuntahan ay naghanap kaagad kami ng pwesto at umorder. "Ako gusto ko nito, ito, tsaka ito, at ito pa., salamat miss, ay wait, ice pa pala. thank you!" sunod sunod na order ni Lyth. "Ubusin mo lahat ng inorder mo ahh!" pikon na sabi naman ni Thyme. Syempre, siya lahat magbabayad ng inorder ni bes. "hahah, syempre, masarap kaya pag libre diba Josh?" tanong niya sa akin. Wala naman ako sa sarili ko dahil sa nakita kong isang lalakeng kumindat sa akin sabay pasok sa cr. "Nanunukso ba yun?" tanong ko sa sarili ko nang biglang hampasin ni Lyth ang braso ko. "ARAY!" sigaw ko sa kanya. " Uy ano ba Josh, kanina pa ako nagsasalita dito parang wala kang naririnig, nag general cleaning ka lang nabungol ka na!?" sabi ni Lyth habang tumatawa, natawa din si Thyme sa mga sinabi nito kaya natawa na din ako. " Loko. , wait lang cr lang ako Lyth",sabi ko sa kanila sabay punta sa cr. Napaisip ako kung bakit ako sumunod sa cr at parang nahypnotise ako ng lalaking kaninang kumindat sa akin. Pag pasok ko ng cr. ay wala ng tao?,dumiretso ako sa cubicle at umihi. "Nakapagtataka naman, ambilis naman nun?!" sabi ko sa sarili ko. Iniangat ko ang ulo ko at humarap sa pader. Nagulat nalang ako ng may nakita akong number na nakasulat sa pader at may pangalan sa ibaba na nakalagay na BOY KINDAT!!!!Nanlaki ang mga mata ko, walang ano anu'y kinuha ko ang number at sinave sa cp ko. Pag balik ko sa table namin ay nagsimula na kaming uminom. Well, every weekend naman namin itong ginagawang tatlo since malapit na kami grumaduate eh sinusulit lang namin ang mga panahon magkakasama pa kami. " Shetttt!, lashing na akooo"- sabi ni Thyme na halatang pulang pula na sa kalasingan. " Hahahahaha , ang panget mo bugok!!." pang aasar ni Lyth sabay hampas ng malakas sa akin habang tumatawa siya. " Naku umuwi na nga tayo, at nakarami na din tayo saka 3am na ,ako na magdadrive"- pag aalok ko sa kanila. Sa aming tatlo, ako lang ang hindi gaanong lasing dahil panay ang text ko sa number na kanina ko pa tinitext pero ni isang hi/ hello man lang ay walang pagkarelpy. Umalis na kami sa bar, una naming hinatid si Thyme , sa iisang subdivision lang sila nakatira nitong besfriend kong si Lyth. Nang makarating na kami sa bahay nila Lyth, ay tinulungan na ako ni kuya Bong i-park yung kotse ni bes at ako naman ang nagdala sa kanya sa kwarto niya.Nang nakita kong okay na siya ay pumunta na din ako sa kwarto ko. Yes, may sarili akong kwarto dito, pinagawa nila tito at tita, unica ija lang kasi si Lyth at bilang bestfriend nya since elementary days pa namin, tito and tita decided to make another room for me since they treat me like their own son na rin. Napakaswerte ko sa kanila, kami ni mama. "TooT .... TooT .... TooT" nagvibrate ang phone ko, hindi ko muna pinansin ito. Nang makarating na ako sa kwarto ko at humiga sa kama, binuksan ko na ang phone ko. "Unknown number? sino kaya to?" tanong ko sa sarili ko, binuksan ko kaagad ito na nagulat ako sa nabasa ko. Unknown number: miss me, my FUBU?;) Bigla akong nanlamig,para akong binuhusan ng malamig na tubig na kinawala ng lasing ko.. Shetttt!!!! Paano??Arrrggghh!!!!

Miss Man hater Meets Mister Cassanova - Part 15

"okay class... dismiss..." "thankyou maam!" sabay naming sabing lahat.. saka lumabas ang teacher namin... nag impake na ako ng mga gamit ko para ready nang umuwi dahil wala naman na akong gagawin... at isa pa wala din si gerald.. hindi ko alam kung bakit absent ang isang yun... pero hindi ko sya hinahanap ah? pero asan na kaya sya? ano kayang ginagawa nya ngayon? hmmm... palabas na ako ng classroom nang biglang may tumayo nalang sa harapan ko... pagtingin ko si kevin... at hinihingal.. halatang tumakbo pa talaga sya papunta rito... "janice... pwede ba kitang ayaing lumabas ngayon...? (sabay rub ng kamay) mukha din kasing wala kang gagawin... " sabi nito sa akin.. nag-alangan pa akong sumagot ng oo pero naisip ko ring wala naman akong gagawin.. at isa pa.. bakit naman hindi diba? "uhh.. o-oo sige.." sabi ko.. na halatang hindi sigurado sa naisagot ko.. hindi ko alam.. pero parang natural nalang sa aking feeling kapag si kevin ang nag-aya sa akin ng gala.. to think na crush ko naman sya.. alam nyo naman yun diba? pero diba dapat kikiligin ka? ehh bakit ako hindi ako nakakaramdam ng kilig ngayon..? kikiligin lang ako kapag ang uamaya sa akin ay si.....-- nevermind na nga lang...? dinala na nya ang bag ko at hinawakan nya ang kamay ko... naging awkward tuloy ang feeling ko nang hinawakan nya kamay ko... at dahil hindi ako komportable ay pasimple kong kinalas ang kamay ko sa pagkakahawak nya at gumawa ng topic... "wala pala kayong gagawin ngayon..?" varisty player kasi ito at ang tinutukoy ko ehh kung wala silang practice ngayon... "meron.. pero mas pipiliin kita... dahil mas mahalaga ka kesa sa practice namin.." sabi nito na nakangiting nakatingin sa akin.. ngumiti nalang ako ng pabalang... at sumakay na kami sa motor nya.. kumain kami sa isang restaurant... at pagkatapos.. naglakad-lakad muna kami papuntang park... malakad lang kasi mula sa restaurant... nagkkwentuhan lang kami... pero kahit sya ang kasama ko.. may tao pa ring nasa isip ko... but right now... nalilito pa ako sa feelings ko kaya ayoko munang mag conclude na may mahal na ako sa isa sa kanila.... pagkatapos naming mag gala.. ay naisipan ko nang sabihan si kevin na gusto ko nang umuwi... "okay sige..." sabi nito.. gabi na rin kasi... ************** naglalakad kami sa madilim na kalye.. nang nagsalita si kevin... "dito ka muna janice ah? kukunin ko lang ang motor..." sabi nito... tumango nalang ako... kaya naghintay ako ng ilang sandali nang bigla nalang may mga grupo ng mga lalaki ang lumibot sa akin... at ang sa sa kanila ay may kutsilyo... alam ko na ang mangyayare kaya nagsimula na akong hilakbutan dahil sa mga posibleng mangyari sa akin.. to think na ako lang mag-isa... "miss.. baka naman pwedeng ibigay mo sa amin ang pera mo dyan nang hindi kana masaktan.." sabi ng isa na may hawak na kutsilyo at nakangiti ng nakakaloko sa akin... "p--po? wa--wala po.." mautal-utal kong sabi rito.. "sige na.. tol! tignan ang bag nya.." utos nya sa kasamahan nya... kaya agad naman itong kumilos pero dahil matigas ang ulo ko ay nakipag tug war ako sa bag... "ayoko nga.!!" sabi ko at sinipa ito sa pagitan ng hita nya kaya namilipit ito sa sakit... at kinuha ko ang isang kahoy at yung mga lalaking lumapit sa akin ay pinagpapalo ko kaya hindi sila nakalapit talaga sa akin... at nabigla nalang ako nang sinasagasaan ang isa sa kanila... pagtingin ko sa motor ay si kevin pala.... "sakay na.!!" sabi nito kaya sumakay na ako... makaraan lang ng ilang minuto ay nasa harapan na kami ng bahay... bumaba na ako sa motor... "salamt kevin ah?" sabi ko rito.. "hah! alam mo ba kung anong posibleng mangyare kanina?" galit na saad nito sa akin... nagulat naman ako sa tono ng pananalita nito... "a--anong ibig mong sabihin?" takang tanong ko rito... "ang tigas naman kasi ng ulo mo..!! kung binigay mo nalang bag mo edi sana hindi kana nasaktan.!!!" sabi pa nito.... nagulat naman ako sa mga sinabi nito sa akin ngayon... imbes na kamustahin nya ako sa nangyare ay mas pinili pa nya akong sumbatan sa nangyare... to think na halos wala naman syang naitulong.... "kevin naman... natakot na nga ako pinapagalitan mo pa ako?" sabi ko rito... "sana maintindihan mo rin ako janice.... sige na aalis na ako... ingat ka nalang.." pagkasabi nito ay saka nya pinaandar ang motor saka umalis.... kaya pumasok na rin ako ng bahay... pagkapasok ko ay agad na rin akong umakyat sa kwarto ko... habang nanginginig ang tuhod dahil sa nangyare..... napaiyak ako dahil sa nangyare.... nang biglang tumunog ang cellphone ko... pagtingin ko may nagtext... || hon... sorry absent ako.. sumakit kasi ulo ko... ikaw musta kana? i miss you :( || sabi ni gerald sa text... mas lalo lang akong naiyak sa sinabi nito... pinunasan ko naman agad ang luha ko.. buti pa si gerald kinamusta ako... || okay lang ako.. || maikling text ko rito... napangiti nalang ako... hindi ko alam kung bakit... pero bigla nalang akong sumaya.. at lahat ng takot na naramdaman ko kanina ay napalitan ng saya... ganito ako noon kay kevin... pero bakit ngayon kay gerald kona ito nararamdaman...? confused isn't it? haha... team kevin? o team gerald ? :)

Miss Man hater Meets Mister Cassanova - Part 14

bwesit na kevin na yun!! gusto ba namang makipag kompetensya sa akin kay janice ? hah! kung akala nya panalo na sya sa pambbwesit sa akin.. pwes.!! may the best man win.. gagawin ko lahat makuha lang ang matamis na oo ni janice... kaya ako nandito sa bahay ni janice para bisitahin sya.. nandito na nga ako sa harapan ng bahay nila... pinindot kona ang doorbell... isa.... dalawa... tatlong beses na akong nag doorbell pero wala paring lumalabas na tao kaya naisipan ko nang buksan ang gate dahil nakabukas naman na ito... pagpasok ko sakto namang lumabas ng pinto ng bahay si janice at ang mama nya... at si kevin ? bakit nandito tong hinayupak na toh? si mama hezel naman ay parang nagulat nang makita ako.. (mama hezel-nanay ni janice) "ohh hijo? bakit ka nandito ?" "gusto ko lang pong bisitahin SANA si janice pero mukhang....? (sabay tingin kay kevin) may nauna nang bumisita sa kanya..." sabi ko habang matalim na nakatingin kay janice at kevin... "oo pare... akalain mo din nuh? pati dito paeho tayo ng ginagawa kay janice ? pero ako.. i have my own personality na hindi ko ginagaya ang mga gawain ng mga tao dyan..!!" makahulugang sabi nito sa akin na alam ko naman kung anong ibig nyang sabihin... so ano gusto nyang palabasin? ginagaya ko sya ? haha.. i have my own personality than you asshole.!!! "teka lang ah? ikawn hijo kevin? nanliligaw ka rin sa anak ko?" nalilitong sabi nito sa aming dalawa... "opo tita.. at gagawin ko ang lahat para mapasa akin si janice..." sabi agad nito kay mama hezel.. hinawakan ko naman ang braso ni janice papalapit sa akin.. "yeah... but right now...? may pupuntahan lang kami ng anak nyo... so janice? halikana?" sabi ko at lumabas kami ng gate at pinasakay ko sya sa kotse ko... pagka seatbelt nya ay saka pa sya nagtanong.... "saan ba tayo pupunta hon ?" sabi nito... "sa lugar na hindi mo pa napupuntahan..." sabi ko rito... "saan ?" ************** "wow! hindi ko akalaing may ganito pa palng lugar? parang nasa langit kana sa presko ng hangin rito.. tas makikita mona ang buong syudad mula dito.. haha" manghang bulalas ni janice.. dinala ko sya sa isang lugar kung saan tambayan ko ito kung gusto ko ng sariwang hangin o kung may mga problema ako.. " oh diba ang ganda?" sabi ko rito.. "salamat gerald at dinala mo ako rito..." sabi nya.. lumapit naman ako sakanya... "gusto ko kasi na mas angat ako sa puso mo... dahil alam kong may karibal na ako sayo.. kaya gusto kong galingan pa ang panliligaw ko sayo... pero kahit wala pa akong karibal... gagawin ko parin ito... para mapasaya ka.. co'z i love you... and i will do evrything to make you mine.. i love you janice..." ohh? sino bet nyo? si kevin? o si gerald? just feel free to comment and vote.. even message me.. its free.. :)

Miss Man hater Meets Mister Cassanova - Part 13

"Pumasok kana agad sa room mo bunso ah? Baka kung saan saan ka nanaman pupunta.." Paalala ni kuya dexter sa akin... " at saan naman sa tingin mo kuya na pupuntahan ko?" Sabi ko dito na nakataas ang kilay. Alam ko kasing may ibig sabihin ang sinasabi ni kuya... " ehh malay ko ba kung saan ka nagpupunta..baka sa crush mo..?" Walang kasiguraduhan na sabi ni kuya. " crush ka dyan!? Kung maka imbento ka naman!?" Sabi ko dito... " oo nga pala! Wala nga naman!? Dahil nanliligaw na pala sya.." Makahulugang sabi nito. " sino?" " edi sino pa!? Yung HON mo.!" Pag emphasize nya ng hon ay tumalikod na ako. Alam ko kasing aasarin lang ako nun kay gerald. May sinabi pa sya pero hindi kona pinakinggan pa. At naglakad na ng mabilis.... Pinaalala pa talaga yung kumag na yun... Oo nga pala.... Hindi si gerald ang sumundo sa akin dahil nag- away kami.... Ganito kasi yun... *flashbacks* Magkatext kami kagabi... "

Miss Man hater Meets Mister Cassanova - Part 12

"oh? kain lang ng kain ah? sulitin mona ang araw na toh dahil bukas iba nanaman ang lilibrehin ko.." binatukan ko naman ito. "anong sabi mo??" sabay pingot sa tenga nya.. "joke lang naman hon e..kaw talaga.." sabay bawi naman nya sa sinabi nya kanina.. oo nga pala.. pagkatapos nga ng nangyari noong JS prom ng pagtanong nya sa akin kung pwede ba daw bang ligawan ako e.. pinayagan kona eto.. kaya heto.. 3 days na syang nanliligaw.. although si kevin pa rin ang gusto ko hanggang ngayon. pero mahirap na kasing umasa sa taong walang kasiguraduhan kung mahal ka rin ba.. "subukan mo lang gerald montes at talagang pagsisisihan mong niligawan mo ako..." banta ko rito.. "eto naman.. masyadong serious ehh.. oh heto pa..kain pa ng kain ah?" sabay abot naman nya sa akin ng crab.. " at talagang gusto mo akong patabain ha?" "wag kang mag-alala hon.. kahit tumaba ka man.. ikaw pa rin ang mamahalin ko.." sabi nito.. "teka lang ah? kanina pa ako nakakahalata.. panay ang tawag mo sa akin ng hon e hindi pa naman tayo.. tandaan mo.. 3 dyas ka palang na nanliligaw tandaan mo yan.." sabi ko rito sabay kain ng lomi ko.. "ehh.. doon din naman ang bagsak natin.. kaya masanay ka ng tinatawag kitang hon.. at tsaka hon.. ikaw lang ang tinatawag kong honey.. e yung ibang ka fling ko nga darling ang tawag ko ehh... kaya maging proud ka naman.." pagsusumamo nito sa huling sinabi. "paano naman ako magiging proud e isang katulad mong cassanova ang nagsabi ng katagang iyon sa akin..?" tanong na mapang-asar kong sabi sa kanya.. pero mukhang nasobrahan yata dahil mukhang nasaktan sya dahil umuna ng tumayo at maglakad npalabas ng restaurant.. hinabol ko naman ito.. tutal bayad na naman ang mga bills namin at pwede na iwan ang mga pagkain.. "hoi ano ba? hintayin mo nga ako??" sigaw ko rito mula sa kanyang likuran.. pero wala pa rin syang imik.. kaya ginawa ko na ang lahat para mahabol sya at sa wakas ay nagawa ko naman.. "hoii..*sundot sa tagiliran* ano ba? pansinin mo naman ako.. sorry na oh?" paglalambing ko rito.. "hindi nakakatuwa ang sinabi mo kanina.." pagsasalita nito.. "oo na po.. pinagsisihan kona ang sinabi ko.. kaya nga nag sosorry diba?" sabi ko rito.. niyakap ko naman ito sabay sabing: "kahit cassanova ka.. tanggap kita.." sabi ko rito ng malambing. niyakap na rin ako nito.. "psh. talaga?" paglalambing rin nya.. "uhmm.. oo naman.. kaya nga binigyan kita ng chance para ligawan ako diba?" sabi ko rito.. napangiti nalang sya sa sinabi ko.. "psh. kung hindi lang kita mahal ehh.." sabi nito pero dinugtungan ko naman ang sinabi nya.. "kung hindi moko mahal..? ano? ano gagawin mo sa akin..?" sabi ko rito pero mas lalong hinigpitan lang nito ang yakap sa akin.. "wala.. tara na? iuuwi na kita sa inyo.. gabi na rin kasi at baka mapatay pa ako ng mga kuya mo.." sabi nito.. kaya wala na rin akong nagawa at umangkas na rin sa motor nya para ihatid na ako sa amin.. at pagdating sa bahay ay bumaba na agad ako sa motor... "oh? paano ba yan? bukas ulit tayo magkikita..?" sabi nito ng makahulugan. "so..?" "yung kiss ko?" agad nyang sabi.. babatukan kona sana pero nahwkan nya kamay ko. "oh? ayan ka nanaman ehh..sadista ka talaga.. ayan kasi laging nanunuod ng wrestling.." sabi nito.. "psh. in your face..*sabay kuha sa kamay* pasok na ako" sabi ko rito at akma na sanang papasok sa gate ng may pahabol pa syang sinabi. "pasok ka bukas ah? love you.." sabi nito at nag flying kiss pa saka umalis na.. pagpasok ko naman ng bahay ay nandon agad ang mga kuya ko sa sala at nanunod ng tv.. pero hindi kona sila pinansin at pumasok na ng kwarto at nagpalit na ng suot pantulog..saka humiga na sa kama. may bigla namang nagtext sa phone ko.. pagtingin ko si gerald pala.. || hi honey.. :) || text nya sa akin.. kaya nereplyan ko naman.. || oh? bakit? || text ko.. agad naman may nagtext.. pagtingin ko.. si kevin pala.. agad naman akong napangiti.. si kevin na kasi ang nagttext.. alam nyo na.. :) || hi janice || text nito sakin.. rreplyan kona sana pero nag text nanaman si gerald.. pero binalewala ko lang at nereplyan na si kevin.. || hi din.. musta? hindi kita nakita sa prom ah? || nagreply agad sya.. || ok naman.. oo nga e.. pero uy.. sumali kaya ako.. ikaw nga din di ko nakita || reply nito. || so sino ang isinayaw mo nun? || || ikaw sana gusto ko maisayaw nun kaso nga lang ayun nga di kita nakita.. kaya yung nag-aya sa akin nalang ang isinayaw ko ikaw? sino ang kasayaw mo? || patay.! sasabihin ko bang si gerald ang kasayaw ko nun? || uyy.! bakit di kana nagttext dyan? || nagtext nanaman si gerald pero balewala pa rin.. || uhh.. wala e.. sana nga lang di nalang ako sumali sa prom || half truth kong sabi.. || uhh.. ok bukas pasok ka ah? || reply nito nireplyan ko din ito. || oo naman || || goodnight || "goodnight din || reply ko.. saka ako nagreply kay gerald. || sorry naligo kasi ako..ngayon lang ako natapos || pagsisinungaling ko. || uhh ok.. basta bukas pasok ka ah? love you goodnight na.. magkikita pa kasi tayo sa panaginip ko. || sabi nito.. hindi kona nireplyan pa ang text nya kaya doon na natapos ang pag-uusap namin... saka lang ako nakapag-isip sa sarili ko.. tama pa ba ang ginagawa ko? nagpapaligaw ako kay gerald samantalang si kevin naman ang gusto ko??

Ang Textmate - Part 4: Care

Medyo masakit pa din ang ulo ko, kasi naman kanina kasabay pagkagulat ko kay grey ay ang pagkahulog ko sa lapag at nauntog pa ulo ko sa pade...