Higit Sa Salita - Part 3

"Good Morning SeƱorita" bati sakin ng mga katulong binalikan ko naman sila ng ngiti. "Nana Vic asan po si lola?" Tanong ko kay nana sela na napadaan na may hawak na trey. "Naku Alcie may pinuntahan daw siya pinapasabi nya sayo na mamaya pa syang gabi uuwi bukas nalang daw ikaw ipapakilala sa mga trabahador dito at wag ka daw gumala muna dito ka lang muna sa bahay" "Ah sige po nana" tumango ako at nagpatuloy na nang lakad. "Ah nana" tawag ko sa kanya at humarap sa kanya. "Ano yon alcie?" "Uhm sino po ba yong lalaki dito na matangkad?" Napaisip naman si nana "hmm si jax ba kamo?" "Opo right jax" saad ko. "Ah dito lang yon natulog kagabi dahil may ipinaayos na kotse ang lola mo ayon nagabihan" " mekaniko? Po natin sya?" Tanong ko. "Hindi tumutulong lang sya dito sa Hacienda at nagpapaturo noon ng gawaing agrikultura dahil sya ang may ari ng mga buko don sa malapit sa dulo ng lupain nyo" saad nya. Napatango lamang ako "ah" " bakit alcie?" "Wala po nakita ko lang sya kagabi I'll go ahead punta lang po ako sa garden sige po salamat" sambit ko at umalis na ng bahay. Marami akong nakikitang nagtatatrabaho sa paligid nagdidilig ng mga halaman sa unahan ng mansyon nang medyo nakakalayo ako ay naalala ko ang pamilyar na kwadra kaya tumungo ako doon may mga nakahilirang kabayo na nasa kanyang kanyang kulungan napahinto ako don sa pamilyar na puting kabayo. "Alanzo" sinuklay suklay ko ang kanyang buhok natatandaan ko dati ito yong parati kong dinadala pag naglilibot kami ni mommy gusto ko sanag subukan sumakay sa kanya kaso di ko alam kong marunong pa nga ba ako mangabayo o hindi humanap ako ng saddle sa paligid nang may mahagilap ako kinuha ko ito at ipinatong kay alanzo. "What are you doing?" "Trying to ride a horse" sambit ko habang inaayos ang pag p-pwesto ng saddle. "Bawal ka dito" saad nya I knew that manly voice a guy from last night. "Its my horse I can do whatever I want" sabay tingin sa kanya na nakasandal sa gilid ng pintuan na may hawak na lubid unti unti syang lumapit papunta sakin. "Move" sambit nya sabay kuha nang saddle sa kabayo. "Hey anong problema mo ha" angal ko. "Bilin ng lola mo wag ka munang gumala" "Dito lang naman ako sa hacienda maglilibot isa pa mamaya pa yong gabi uuwi" "Wag na" tipid nyang sabi. "Sungit" mahina kong sabi. "Ano yon?" Napatingin sya sakin. "Wala wala" Pagkatapos non ay lumabas sya at may inaayos. "Ano naman gagawin ko dito ?" Saad ko bored na bored na talaga ako dito I should be on the club right now enjoying. Sinundan ko si jax kong saan sya patungo. " hey wait up" pagtawag ko sa kanya pero hindi parin sya lumilingon masungit talaga sumakay sya sa isang wrangler jeep sinabayan ko sya at sumakay na rin sa shotgun seat.

No comments:

Post a Comment

Ang Textmate - Part 4: Care

Medyo masakit pa din ang ulo ko, kasi naman kanina kasabay pagkagulat ko kay grey ay ang pagkahulog ko sa lapag at nauntog pa ulo ko sa pade...