Showing posts with label Man Hater. Show all posts
Showing posts with label Man Hater. Show all posts

Miss Man hater Meets Mister Cassanova - Part 15

"okay class... dismiss..." "thankyou maam!" sabay naming sabing lahat.. saka lumabas ang teacher namin... nag impake na ako ng mga gamit ko para ready nang umuwi dahil wala naman na akong gagawin... at isa pa wala din si gerald.. hindi ko alam kung bakit absent ang isang yun... pero hindi ko sya hinahanap ah? pero asan na kaya sya? ano kayang ginagawa nya ngayon? hmmm... palabas na ako ng classroom nang biglang may tumayo nalang sa harapan ko... pagtingin ko si kevin... at hinihingal.. halatang tumakbo pa talaga sya papunta rito... "janice... pwede ba kitang ayaing lumabas ngayon...? (sabay rub ng kamay) mukha din kasing wala kang gagawin... " sabi nito sa akin.. nag-alangan pa akong sumagot ng oo pero naisip ko ring wala naman akong gagawin.. at isa pa.. bakit naman hindi diba? "uhh.. o-oo sige.." sabi ko.. na halatang hindi sigurado sa naisagot ko.. hindi ko alam.. pero parang natural nalang sa aking feeling kapag si kevin ang nag-aya sa akin ng gala.. to think na crush ko naman sya.. alam nyo naman yun diba? pero diba dapat kikiligin ka? ehh bakit ako hindi ako nakakaramdam ng kilig ngayon..? kikiligin lang ako kapag ang uamaya sa akin ay si.....-- nevermind na nga lang...? dinala na nya ang bag ko at hinawakan nya ang kamay ko... naging awkward tuloy ang feeling ko nang hinawakan nya kamay ko... at dahil hindi ako komportable ay pasimple kong kinalas ang kamay ko sa pagkakahawak nya at gumawa ng topic... "wala pala kayong gagawin ngayon..?" varisty player kasi ito at ang tinutukoy ko ehh kung wala silang practice ngayon... "meron.. pero mas pipiliin kita... dahil mas mahalaga ka kesa sa practice namin.." sabi nito na nakangiting nakatingin sa akin.. ngumiti nalang ako ng pabalang... at sumakay na kami sa motor nya.. kumain kami sa isang restaurant... at pagkatapos.. naglakad-lakad muna kami papuntang park... malakad lang kasi mula sa restaurant... nagkkwentuhan lang kami... pero kahit sya ang kasama ko.. may tao pa ring nasa isip ko... but right now... nalilito pa ako sa feelings ko kaya ayoko munang mag conclude na may mahal na ako sa isa sa kanila.... pagkatapos naming mag gala.. ay naisipan ko nang sabihan si kevin na gusto ko nang umuwi... "okay sige..." sabi nito.. gabi na rin kasi... ************** naglalakad kami sa madilim na kalye.. nang nagsalita si kevin... "dito ka muna janice ah? kukunin ko lang ang motor..." sabi nito... tumango nalang ako... kaya naghintay ako ng ilang sandali nang bigla nalang may mga grupo ng mga lalaki ang lumibot sa akin... at ang sa sa kanila ay may kutsilyo... alam ko na ang mangyayare kaya nagsimula na akong hilakbutan dahil sa mga posibleng mangyari sa akin.. to think na ako lang mag-isa... "miss.. baka naman pwedeng ibigay mo sa amin ang pera mo dyan nang hindi kana masaktan.." sabi ng isa na may hawak na kutsilyo at nakangiti ng nakakaloko sa akin... "p--po? wa--wala po.." mautal-utal kong sabi rito.. "sige na.. tol! tignan ang bag nya.." utos nya sa kasamahan nya... kaya agad naman itong kumilos pero dahil matigas ang ulo ko ay nakipag tug war ako sa bag... "ayoko nga.!!" sabi ko at sinipa ito sa pagitan ng hita nya kaya namilipit ito sa sakit... at kinuha ko ang isang kahoy at yung mga lalaking lumapit sa akin ay pinagpapalo ko kaya hindi sila nakalapit talaga sa akin... at nabigla nalang ako nang sinasagasaan ang isa sa kanila... pagtingin ko sa motor ay si kevin pala.... "sakay na.!!" sabi nito kaya sumakay na ako... makaraan lang ng ilang minuto ay nasa harapan na kami ng bahay... bumaba na ako sa motor... "salamt kevin ah?" sabi ko rito.. "hah! alam mo ba kung anong posibleng mangyare kanina?" galit na saad nito sa akin... nagulat naman ako sa tono ng pananalita nito... "a--anong ibig mong sabihin?" takang tanong ko rito... "ang tigas naman kasi ng ulo mo..!! kung binigay mo nalang bag mo edi sana hindi kana nasaktan.!!!" sabi pa nito.... nagulat naman ako sa mga sinabi nito sa akin ngayon... imbes na kamustahin nya ako sa nangyare ay mas pinili pa nya akong sumbatan sa nangyare... to think na halos wala naman syang naitulong.... "kevin naman... natakot na nga ako pinapagalitan mo pa ako?" sabi ko rito... "sana maintindihan mo rin ako janice.... sige na aalis na ako... ingat ka nalang.." pagkasabi nito ay saka nya pinaandar ang motor saka umalis.... kaya pumasok na rin ako ng bahay... pagkapasok ko ay agad na rin akong umakyat sa kwarto ko... habang nanginginig ang tuhod dahil sa nangyare..... napaiyak ako dahil sa nangyare.... nang biglang tumunog ang cellphone ko... pagtingin ko may nagtext... || hon... sorry absent ako.. sumakit kasi ulo ko... ikaw musta kana? i miss you :( || sabi ni gerald sa text... mas lalo lang akong naiyak sa sinabi nito... pinunasan ko naman agad ang luha ko.. buti pa si gerald kinamusta ako... || okay lang ako.. || maikling text ko rito... napangiti nalang ako... hindi ko alam kung bakit... pero bigla nalang akong sumaya.. at lahat ng takot na naramdaman ko kanina ay napalitan ng saya... ganito ako noon kay kevin... pero bakit ngayon kay gerald kona ito nararamdaman...? confused isn't it? haha... team kevin? o team gerald ? :)

Miss Man hater Meets Mister Cassanova - Part 14

bwesit na kevin na yun!! gusto ba namang makipag kompetensya sa akin kay janice ? hah! kung akala nya panalo na sya sa pambbwesit sa akin.. pwes.!! may the best man win.. gagawin ko lahat makuha lang ang matamis na oo ni janice... kaya ako nandito sa bahay ni janice para bisitahin sya.. nandito na nga ako sa harapan ng bahay nila... pinindot kona ang doorbell... isa.... dalawa... tatlong beses na akong nag doorbell pero wala paring lumalabas na tao kaya naisipan ko nang buksan ang gate dahil nakabukas naman na ito... pagpasok ko sakto namang lumabas ng pinto ng bahay si janice at ang mama nya... at si kevin ? bakit nandito tong hinayupak na toh? si mama hezel naman ay parang nagulat nang makita ako.. (mama hezel-nanay ni janice) "ohh hijo? bakit ka nandito ?" "gusto ko lang pong bisitahin SANA si janice pero mukhang....? (sabay tingin kay kevin) may nauna nang bumisita sa kanya..." sabi ko habang matalim na nakatingin kay janice at kevin... "oo pare... akalain mo din nuh? pati dito paeho tayo ng ginagawa kay janice ? pero ako.. i have my own personality na hindi ko ginagaya ang mga gawain ng mga tao dyan..!!" makahulugang sabi nito sa akin na alam ko naman kung anong ibig nyang sabihin... so ano gusto nyang palabasin? ginagaya ko sya ? haha.. i have my own personality than you asshole.!!! "teka lang ah? ikawn hijo kevin? nanliligaw ka rin sa anak ko?" nalilitong sabi nito sa aming dalawa... "opo tita.. at gagawin ko ang lahat para mapasa akin si janice..." sabi agad nito kay mama hezel.. hinawakan ko naman ang braso ni janice papalapit sa akin.. "yeah... but right now...? may pupuntahan lang kami ng anak nyo... so janice? halikana?" sabi ko at lumabas kami ng gate at pinasakay ko sya sa kotse ko... pagka seatbelt nya ay saka pa sya nagtanong.... "saan ba tayo pupunta hon ?" sabi nito... "sa lugar na hindi mo pa napupuntahan..." sabi ko rito... "saan ?" ************** "wow! hindi ko akalaing may ganito pa palng lugar? parang nasa langit kana sa presko ng hangin rito.. tas makikita mona ang buong syudad mula dito.. haha" manghang bulalas ni janice.. dinala ko sya sa isang lugar kung saan tambayan ko ito kung gusto ko ng sariwang hangin o kung may mga problema ako.. " oh diba ang ganda?" sabi ko rito.. "salamat gerald at dinala mo ako rito..." sabi nya.. lumapit naman ako sakanya... "gusto ko kasi na mas angat ako sa puso mo... dahil alam kong may karibal na ako sayo.. kaya gusto kong galingan pa ang panliligaw ko sayo... pero kahit wala pa akong karibal... gagawin ko parin ito... para mapasaya ka.. co'z i love you... and i will do evrything to make you mine.. i love you janice..." ohh? sino bet nyo? si kevin? o si gerald? just feel free to comment and vote.. even message me.. its free.. :)

Miss Man hater Meets Mister Cassanova - Part 13

"Pumasok kana agad sa room mo bunso ah? Baka kung saan saan ka nanaman pupunta.." Paalala ni kuya dexter sa akin... " at saan naman sa tingin mo kuya na pupuntahan ko?" Sabi ko dito na nakataas ang kilay. Alam ko kasing may ibig sabihin ang sinasabi ni kuya... " ehh malay ko ba kung saan ka nagpupunta..baka sa crush mo..?" Walang kasiguraduhan na sabi ni kuya. " crush ka dyan!? Kung maka imbento ka naman!?" Sabi ko dito... " oo nga pala! Wala nga naman!? Dahil nanliligaw na pala sya.." Makahulugang sabi nito. " sino?" " edi sino pa!? Yung HON mo.!" Pag emphasize nya ng hon ay tumalikod na ako. Alam ko kasing aasarin lang ako nun kay gerald. May sinabi pa sya pero hindi kona pinakinggan pa. At naglakad na ng mabilis.... Pinaalala pa talaga yung kumag na yun... Oo nga pala.... Hindi si gerald ang sumundo sa akin dahil nag- away kami.... Ganito kasi yun... *flashbacks* Magkatext kami kagabi... "

Miss Man hater Meets Mister Cassanova - Part 12

"oh? kain lang ng kain ah? sulitin mona ang araw na toh dahil bukas iba nanaman ang lilibrehin ko.." binatukan ko naman ito. "anong sabi mo??" sabay pingot sa tenga nya.. "joke lang naman hon e..kaw talaga.." sabay bawi naman nya sa sinabi nya kanina.. oo nga pala.. pagkatapos nga ng nangyari noong JS prom ng pagtanong nya sa akin kung pwede ba daw bang ligawan ako e.. pinayagan kona eto.. kaya heto.. 3 days na syang nanliligaw.. although si kevin pa rin ang gusto ko hanggang ngayon. pero mahirap na kasing umasa sa taong walang kasiguraduhan kung mahal ka rin ba.. "subukan mo lang gerald montes at talagang pagsisisihan mong niligawan mo ako..." banta ko rito.. "eto naman.. masyadong serious ehh.. oh heto pa..kain pa ng kain ah?" sabay abot naman nya sa akin ng crab.. " at talagang gusto mo akong patabain ha?" "wag kang mag-alala hon.. kahit tumaba ka man.. ikaw pa rin ang mamahalin ko.." sabi nito.. "teka lang ah? kanina pa ako nakakahalata.. panay ang tawag mo sa akin ng hon e hindi pa naman tayo.. tandaan mo.. 3 dyas ka palang na nanliligaw tandaan mo yan.." sabi ko rito sabay kain ng lomi ko.. "ehh.. doon din naman ang bagsak natin.. kaya masanay ka ng tinatawag kitang hon.. at tsaka hon.. ikaw lang ang tinatawag kong honey.. e yung ibang ka fling ko nga darling ang tawag ko ehh... kaya maging proud ka naman.." pagsusumamo nito sa huling sinabi. "paano naman ako magiging proud e isang katulad mong cassanova ang nagsabi ng katagang iyon sa akin..?" tanong na mapang-asar kong sabi sa kanya.. pero mukhang nasobrahan yata dahil mukhang nasaktan sya dahil umuna ng tumayo at maglakad npalabas ng restaurant.. hinabol ko naman ito.. tutal bayad na naman ang mga bills namin at pwede na iwan ang mga pagkain.. "hoi ano ba? hintayin mo nga ako??" sigaw ko rito mula sa kanyang likuran.. pero wala pa rin syang imik.. kaya ginawa ko na ang lahat para mahabol sya at sa wakas ay nagawa ko naman.. "hoii..*sundot sa tagiliran* ano ba? pansinin mo naman ako.. sorry na oh?" paglalambing ko rito.. "hindi nakakatuwa ang sinabi mo kanina.." pagsasalita nito.. "oo na po.. pinagsisihan kona ang sinabi ko.. kaya nga nag sosorry diba?" sabi ko rito.. niyakap ko naman ito sabay sabing: "kahit cassanova ka.. tanggap kita.." sabi ko rito ng malambing. niyakap na rin ako nito.. "psh. talaga?" paglalambing rin nya.. "uhmm.. oo naman.. kaya nga binigyan kita ng chance para ligawan ako diba?" sabi ko rito.. napangiti nalang sya sa sinabi ko.. "psh. kung hindi lang kita mahal ehh.." sabi nito pero dinugtungan ko naman ang sinabi nya.. "kung hindi moko mahal..? ano? ano gagawin mo sa akin..?" sabi ko rito pero mas lalong hinigpitan lang nito ang yakap sa akin.. "wala.. tara na? iuuwi na kita sa inyo.. gabi na rin kasi at baka mapatay pa ako ng mga kuya mo.." sabi nito.. kaya wala na rin akong nagawa at umangkas na rin sa motor nya para ihatid na ako sa amin.. at pagdating sa bahay ay bumaba na agad ako sa motor... "oh? paano ba yan? bukas ulit tayo magkikita..?" sabi nito ng makahulugan. "so..?" "yung kiss ko?" agad nyang sabi.. babatukan kona sana pero nahwkan nya kamay ko. "oh? ayan ka nanaman ehh..sadista ka talaga.. ayan kasi laging nanunuod ng wrestling.." sabi nito.. "psh. in your face..*sabay kuha sa kamay* pasok na ako" sabi ko rito at akma na sanang papasok sa gate ng may pahabol pa syang sinabi. "pasok ka bukas ah? love you.." sabi nito at nag flying kiss pa saka umalis na.. pagpasok ko naman ng bahay ay nandon agad ang mga kuya ko sa sala at nanunod ng tv.. pero hindi kona sila pinansin at pumasok na ng kwarto at nagpalit na ng suot pantulog..saka humiga na sa kama. may bigla namang nagtext sa phone ko.. pagtingin ko si gerald pala.. || hi honey.. :) || text nya sa akin.. kaya nereplyan ko naman.. || oh? bakit? || text ko.. agad naman may nagtext.. pagtingin ko.. si kevin pala.. agad naman akong napangiti.. si kevin na kasi ang nagttext.. alam nyo na.. :) || hi janice || text nito sakin.. rreplyan kona sana pero nag text nanaman si gerald.. pero binalewala ko lang at nereplyan na si kevin.. || hi din.. musta? hindi kita nakita sa prom ah? || nagreply agad sya.. || ok naman.. oo nga e.. pero uy.. sumali kaya ako.. ikaw nga din di ko nakita || reply nito. || so sino ang isinayaw mo nun? || || ikaw sana gusto ko maisayaw nun kaso nga lang ayun nga di kita nakita.. kaya yung nag-aya sa akin nalang ang isinayaw ko ikaw? sino ang kasayaw mo? || patay.! sasabihin ko bang si gerald ang kasayaw ko nun? || uyy.! bakit di kana nagttext dyan? || nagtext nanaman si gerald pero balewala pa rin.. || uhh.. wala e.. sana nga lang di nalang ako sumali sa prom || half truth kong sabi.. || uhh.. ok bukas pasok ka ah? || reply nito nireplyan ko din ito. || oo naman || || goodnight || "goodnight din || reply ko.. saka ako nagreply kay gerald. || sorry naligo kasi ako..ngayon lang ako natapos || pagsisinungaling ko. || uhh ok.. basta bukas pasok ka ah? love you goodnight na.. magkikita pa kasi tayo sa panaginip ko. || sabi nito.. hindi kona nireplyan pa ang text nya kaya doon na natapos ang pag-uusap namin... saka lang ako nakapag-isip sa sarili ko.. tama pa ba ang ginagawa ko? nagpapaligaw ako kay gerald samantalang si kevin naman ang gusto ko??

Miss Man hater Meets Mister Cassanova - Part 11

"god... malapit na ang prom natin ... gusto ko sana yung crush ko mula sa section 1 ang mag-aya sa akin na sayawin ako.." "oo nga ehh... sigurado.. masaya ang prom sa taong ito.." "yiiihh.!" kanina pa ako naririndi sa mga tili ng mga kilay kong classmates.. malapit na kasi ang prom.. next week na.. at kung tatanungin nyo ako kung may nagyaya na ba.. ang sagot ko ay WALA.!! oo. wala pa.. kahit si kevin ay hindi pa ako niyaya sa prom. sya na nga lang ang hinihintay ko ehh... si gerald 'the chickboy' naman ay tinanong ako kaninang umaga kung pede ba ako.. syempre tumanggi ako nuh? if i know marami na rin yung babae na niyaya.. sasali pa ba ako? at tsaka kanina din pala... may ipinakita sa akin si gerald na isang picture kung saan ay may kasamang babae si kevin sa larawan. yung tipong nag-uusap lang naman. pero ang nakatawag sa pansin ko ay pareho silang nakatawa... medyo nasaktan ako kasi alam nyo naman sigurong crush ko si kevin right? at ito pang si gerald parang may pino-prove sya na babae si kevin.. ehh gawain din naman nya yun ehh.. kainis lang. =____= gabi na ngayon at nakahiga lang ako sa kama..STILL hindi makatulog. pero 7:30 pa naman. medyo maaaga pa para matulog. sila mama at papa at mga kapatid ko ehh nanunod pa sa sala ng tv. at dahil wala naman akong magawa ay bumaba na rin ako sa sala para makisali sa pinapanuod nila.. kaso pagbaba ko si mama nalang pala ang naiwang nanunuod ng tv. nagulat pa ito ng makita ako. "oh? janice?" sabi nito.. "uhh.. wala kasi akong magawa ma ehh..kaya manunuod nalang ako." sabi ko rito. "ilang araw nalang at JS PROM na ninyo ah? may balak ka bang sumali?" tanong nito.. "uhh.. kailangan ma ehh.. ang attendance kasi." sabi ko ng mahinahon rito.. "uhh.. ganun? ehh si gerald ba niyaya ka ng isayaw?" "uhmm.. opo." "at ano? ehh pumayag ka ba naman?" "hindi po.. kasi alam kong marami din yung inaayang babae ehh.." "anak naman. dapat pumayag ka.!!" sabi nito na ikinagulat ko... at paano naman kaya nakuha ni gerald ang loob ng nanay ko? ehh halos mahirap nga makuha ang tiwala nyan ehh.. "at bakit naman po?" "ehh paano kung wala ng mag-aya sayo? ehh halos mapagkamalan ka na ngang lalaki. pasalamat ka nalang at may gerald pang handang unawain ka.!!" *pak* joke lang... hindi ko sinapak ang nanay ko. kung hindi ko nga lang nanay ehh matagal ko nang binatukan.. =__=v. "maaa!?" angal ko.. "just kidding!? pero nakikita ko din kasi anak na bagay kayo.. at may nakikita akong something sa inyong dalawa... pero anak.. may gusto ka ba kay gerald?" "huh? nay naman. nagpapatawa po ba kayo? ako? magkakagusto sa isang cassanova?? hahaha it will never gonna happen." sabi ko ng mataray. "char. tinatanong lang ehh may it will never gonna happen kana agad na nalalaman!? pero uyy.. wag magsalita ng tapos.. malay mo? kayo pala ang meant to be.." napaatras nalang ang kilay ko at napatingin kay mama.. "alam nyo? yan na ang sakit nyo sa kakanuod ng Mr.Cassanova meet Ms.Manhater ehh.. tulog na nga lang ako?" sabi ko at umakyat na sa kwarto. *fastforward* and THE DAY come.. JS PROM na namin.. "oh ayan.! tignan mo na sa salamain ang sarili mo hija.." sabi ng isang baklitang nag make-up sa akin.. kumuha pa kasi ng make-up artist si mama para lang mapaganda ako sa araw na toh. ang arte nuh? ayoko naman talaga pero sya lang ang mapilit... at unti-unti akong tumayo mula sa pagkakaupo at hinarap ang salamin... at nagulat ako sa nakita kong reflection sa salamin. kulang ang salitang alien para di ko makilala ang sarili ko.. "ang ganda ko..." wala sa loob na sabi ko.. bigla namang sumingit sila mama at ang bading na si reneta sa salamin. "like us...?" napatawa nalang ako sa inasta nila.. "oh? tama na yan.. baka mas lalong gumanda yan pag tumagal pa kayo dyan.. nasa baba na si dexter para ihatid ka sa garden palace..." sabi ni papa na sumilip lang sa pinto habang nakangiti kaya napatawa nalang din sila mama at si reneta.. kaya bumaba na ako at sumakay na sa.... motor ni kuya.. "oh? kapit bunso ah? baka mahulog ka.. wala pa tayong kotse kaya mag tiis-tiis ka.." sabi nito pero sinimangutan ko lang ito.. at tinahak na namin ang daan patungo sa garden palace.. dun kasi ihe-held ang prom namin. oh diba sosyal..? ^___^ wala lang 15 bminutes ay nakarating na kami. agad naman akong bumaba sa motor.. "oh ingat bunso ah?" yun lang at pumaharurot na si kuya dexter... at napaharap na ako sa garden palace. at pumasok na... rinig na rinig kona ang mga kantang pini-play at mga taong nag-uusap. umupo muna ako at tinitignan ang mga tao ko sa paligid.. hinahanap naman ng mata ko si kevin. baka kasi makita ko sya rito. pero wala sya.. haayy..! at bigla nalang nagsalita ang emcee na magsisimula na daw ang program namin... kaya yung mga lalaki ay nagsimula nang mag-aya ng mga gusto nilang babae... pero wala sa akin. nasan na ba si kevin....? may inaya ba syang iba? bigla naman daw akong nalungkot sa isiping yun.. ibig sabihin walang sasayaw sa akin sa dance floor..? hah! sana pala hindi nalang ako pumunta sa prom na tuh.! alam ko kasing ganito din ang--- napatigil ako sa iniisip ko nang tumili ang mga tao. at bigla nalang silang umalis sa daan.. at doon ko nakita kung bakit sila nagkaganun... i saw him walking like a prince.... nakasuot sya ng tuxedong puti na may rosas sa bulsa nito... at maganda ang pagkakaayos ng buhok nito.. at mas lalong bumagay ang suot nya dahil mestiso syang tao.. hindi kona namalayan na nasa harapan kona pala sya... "pwede bang maisayaw ka?" sabi nito ng malumanay. at para naman akong na hypnotize sa sinabi nito at pumayag naman ako... i place my arms on his neck while his arms is on my waist... at habang sumasayaw kami ay nagsasalita sya... "janice.. you know me as a playboy.. but let me tell you something.... the cassanova has fallen..." sabi nito na ikinagulat mko. hindi ko alam kung bakit malaking impact sa akin ang sinabi nya... the cassanova has fallen..? "with whom?" ang tanging nasabi ko.. "with you..." nabingi ako sa sinagot nya sa akin at mas lalo akong nabingi sa sunod nyang sinabi.. "let me court you..."

Miss Man hater Meets Mister Cassanova - Part 10

bwesit.. bwesit..BWESIT.!! alam nyo ba kung bakit ako nabbwesit ngayon? ganito kasi yun.. after naming umuwi galing sa outing ehh syempre pasukan nanaman... akala ko doon ko lang sila makikita na magkasama, pero ang hindi ko alam.. classmate din pala namin ang ugok na yun.. and guest what? close na close sila... kaya nga ako nabbwesit ngayon kasi.... kasi nagseselos ako.. oo tama ang nabasa mo.!! sinabi ko nga ang salitang selos.. at ngayong araw na toh.! inamin kona sa sarili ko na nainlove ako sa manhater na yun.. hindi ko nga rin alam kung anong nagustuhan ko sa babaeng yun ehh... hindi naman sya ang typical na ideal girl ko... kasi ang gusto ko... yung sexy.. maganda... mayaman... ehh sya? amazona.. medyo chubby... boyish... pero kung magpapaganda sya.. lilitaw din naman ang ganda nun? at simple lang din sya... naalala ko nanaman ang prom namin.. malapit na pala.. september na kasi.. *flashback* pag announce ng teacher namin patungkol sa prom ay lumabas na ito.. kasabay ng pagdaldal ng mga kaklase ko patungkol sa prom.. ang iba sa kanila.. tumitili kasi daw baka ma partner nila ang mga crush nila.. napairap nalang ako ng pasimple.. pero agad akong napatingin sa direksyon kung asan si janice.. nakikipag tawanan ito kasama si kevin.. medyo nainis na nga ako ehh.. pero pinipigilan kong sumabog.. naisipan ko nalang na abangan ito sa corridor kaya nung nakita kong papasok na ng room si janice ay nilapitan ko agad ito.. "uhh.. hoy panget.!!" sabi ko nrito.. "ohh? ano nanaman?" mataray nitong sagot sa akin... "wala ka pa bang partner para sa prom?" diretsahan kong tanong rito... napataas naman ang kilay nya. "bakit ako ang tinatanong mo ng ganyan? marami ka namang babae dyan ah?" sabi nito sa akin. "psh. marami nga.!! alam ko yun." sabi ko dito.. " ohh.. yun naman pala ehh!??" sabi nito.. "ehh.. pwede namang ikaw diba?" halos pabulong ko nang sabi dahil sa hiya.. sabay himas ng buhok ko.. "uhh.. sorry.. kasi naganyaya na sa akin si kevin.. kaya sorry ka nalang.." sabi nito at akmang lalakad na ito palayo sa akin pero hinatak ko ulit sya sa braso paharap ulit sa akin. "ano ba??" atungal nito pero binigyan ko lang ito ng isang matalim na titig na kanina ko pa gustong ipakita sa kanya... puro nalang kasi kevin..kevin..KEVIN.!! wala ng ibang bukambibig nya kundi yung panget na lalaking yun... "sagutin mo nga ako? gusto mo ba sya??" sabi ko dito. nagulat naman sya sa tanong ko pero agad naman syang nakabawi.. lumilingon lingon muna sya sa paligid saka ako hinila sa walang tao at bumulong... "bakit ba ganyan ang tanong mo?" "sagutin mo nalang ako.." sabi ko dito.. "ehh.. hindi ko alam.. basta masaya ako pag kasama ko sya.. pero hindi ko alam kung ganun din ba sya sa akin.. ni hindi pa nga niya ako inaaya na ipartner sa prom ehh.." sabi nito. napa tutop nalang sya sa kanyang bibig dahil nadulas sya. napangiti naman ako.. pero patago.. saka ko kinuha ang cellphone ko at ipinakita sa kanya ang picture na kung saan may kasamang babae si kevin... marami akong galamay kaya madali lang akong makakakuha ng ganitong picture... gagawin ko ito hindi para siraan sya kundi para maging akin sya.. "oh? kita mo ito? may kasamang ibang babae si kevin..." sabi ko dito.. "hmm? oh e ano naman kung may kasama syang babae?" tanong pabalik nito.. " sa tingin mo bakit palaging magkakasama ang lalaki at babae?" tanong ko rito pero tumayo lang ito saka lumayo sa akin.. tila hindi makapaniwala sa nalaman.... haha i won. ^__^ *end of flasbacks* nandito ako ngayon sa kwarto at nakatingin sa ceiling.. naisipan kong bumaba at uminom ng tubig sa pitsel... nang walang anu-ano'y nagulat nalang ako sa pagdating ni daddy sa likuran ko at umakbay pa ito. tuloy ay muntik ko nang mabasag ito. "oh? relax lang son..? mukhang balisa ka yata? what's the matter?" "dad naman. can't you see? umiinom ako ng tubig. tapos bigla bigla kang sumusulpot. gusto mo bang mabilaukan ako??" naiinis kong sabi. "chillax.. ano ba kasing problema?" hinarap ko ito saka sya sinagot. " ano kasi.. parang nauunahan na ako sa babaeng mahal ko. mukhang may iba pa yatang gustong magpapansin sa kanya..." "oh edi bago ka maunahan dapat gumawa kana ng paraan na mapalapit sa kanya...." sabi nito saka ti-nap ang balikat ko at umalis sa harapan ko. "gumawa ng paraan para mapalapit sa kanya...?" and the idea struck me.. tama.!! yan ang gagawin ko. *evil grin*

Miss Man hater Meets Mister Cassanova - Part 9

"oh anak? nakahanda ka na ba dyan?" tanong ni mama sa akin.. " opo ma.!" sagot ko naman rito mula sa kusina.. alas singko palang kasi ng umaga pero gising na kami kasi ngayon daw kasi ako isusundo ni gerald kasi nga diba inimbita nya akong sumama sa outing ng mga kaibigan nya nung isang araw? nakapagpaalam din naman ito kay mama kaya ngayon nagluluto si mama para sa akin... naligo na ako saka nagbihis at kumain na... pagkatapos ng lahat ng preparation ko nanuod muna ako ng movies... para naman hindi ako mabobored maghintay kay gerald.. makailang sandali lang ay may bumusina na sa labas ng bahay namin... kaya inilabas na ng mga kuya ko ang bag pack ko na may nakalagay na mga damit ko in one week.. doon daw kasi kami magbabakasyon sa pampanga kaya ganitong oras talaga kami bbyahe.. "mag-iingat kayo bunso ah?" sabi ni kuya joseph.. "wag po kayong mag-alala hindi ko po pababayaan si janice.." sabi naman ni gerald... saka na ipinasok ang gamit ko sa van.. pagkapasok ko nandun na ang mga kaibigan 'siguro' ni gerald.. nagpakilala naman ako sa mga ito.. hindi naman ako nahirapan na pakisamahan sila dahil ang babait nila.. puro nga kami kwentuhan sa loob ng van e.. pero kalaunan din e natahimik ang van dahil nakatulog na kami.. kasi nga madaling araw pa naman kami nagbyahe.. talagang makakatulog ka talaga sa byahe.. naalimpungatan nalang ako kasi may nagyugyog sa akin at may bumulong sa tenga ko.. "nandito na tayo jazz.." pagtingin ko si gielo pala... isa syang bakla.. at jazz ang tawag nya sa akin para short daw sa janice... sumunod nalang ako sa pagbaba sa van at pumasok kami sa isang mansion.. dito daw kami magbabakasyon... sa paligid naman ng mansion ay makikita mo ang kabuoan ng dagat... ang ganda ng view at ang sarap pa langhapin ang hangin. tatayo nalang sana ako para pagmasdan ang dagat pero may pumukas sa atensyon ko.. "oyy girl.! kain daw ulit tayo.. halikana at baka mawalan pa tayo ng pagkain.." paanyaya ni nico. mataba ito kaya wag na kayong magtaka kung pagkain ang laman ng utak nito.. at dahil nagutom rin ako ay sumunod nalang ako sa kanila.. at hanggang sa kainan ay kwentuhan parin kami ng kwentuhan pero nang matapos na ay naisipan nilang magpahinga dahil pagod sila mula sa byahe.. pero dahil nakatulog na ako kanina ay hindi na ako inaatok ngayon kaya naisipan kong lumabas ng mansion at umupo sa isang puno.. at nagmumuni-muni... pero may bigla namang dumating mula sa likuran ko at umupo ito sa tabi ko.. walang iba kundi si gerald.. "bakit hindi ka pa nagpapahinga?" paunang tanong nito sa akin.. "hindi na kasi ako inaantok.. nakatulog na kasi ako kanina sa byahe.." paliwanag ko rito. "eh.. ikaw? bakit hindi ka magpahinga?" dugtong ko pa... "pareho lang tayo... nakatulog rin kasi ako kanina sa byahe..." explain nito.. "nakuhh!? ginagaya mo lang siguro ako e..." pang-aalaska ko rito.. akala ko aasarin nya rin ako gaya ng pag-asar ko sa kanya pero tumayo na ito at nagpaalam ng umalis.. "psh. dyan ka na nga!? hihiga nalang ako.." sabi nito saka umuna ng umalis.. psh. problema nun? at dahil ako ulit ang mag-isa rito ay napagpasyahan kong maglakad-lakad sa dalampasigan.. habang naglalakd ako may bigla nalang may nahulog sa akin na sobrang bigat kaya napatumba ako kasabay ng bagay na yun.. pareho pa kaming napa-aray...

Miss Man hater Meets Mister Cassanova - Part 8

nandito ako ngayon sa kwarto at nakatingin lang sa ceiling.. wala kasing pasok ngayon at wala din naman akong naiisip na gagawin ko ngayon kaya heto ako ngayon at nasa kwarto at nakahiga... nasa ganoong ayos ako nang may kumatok sa pintuan ko... kaya lumapit ako sa pinto at pinagbuksan ang kung sino man ang kumatok sa pinto ko.. pagkakita ko.. si kuya dexter pala.. "oh? kuya? anong kailangan mo?" tanong ko rito.. "hoy jan ha? hindi mo pala sinabing may manliligaw kana pala?" nakakalokong nakangiti si kuya sa akin. sino kayang sinasabi ni kuya na manliligaw ko? eh halos napagkakamalan na nga akong lalaki e. magkakaroon pa kaya? =__= tss. si kuya talaga nagpapatawa.. tinignan ko lang ito nang may pagtataka.. saka ulit sya nagsalita. " si gerald.. nasa baba.. hinihintay ka.. may lakad daw kayo ngayon... hmm? kayo ah?" sabi nito na nagkikilos bakla pa talaga.. "tumigil ka nga dyan kuya? baka matuluyan naka jan.hmp.!" sabi ko saka bumaba ng hagdan saka ko naman nakita si gerald na printeng naka-upo sa sofa namin.. nilapitan ko naman ito. "ano bang ginagawa mo dito ha?" masungit kong tanong rito... "samahan mo akong pumunta sa mall.. may bibilhin lang ako.." napataas naman ang kilay ko sa sinabi nya. " ano ako katulong mo..? at tsaka hindi mo ba kayang bumili ng mag-isa?" naasar kong sabi. " sige na..." sabay hila naman sa akin... "wag kang mag-alala.. ililibre naman kita eh.." sabi nito... "oo na.! sandali lang.! pabihisan mo muna ako.. ayokong ganito lang hitsura ko pag pumunta ng mall.. like hello..?" sabi ko rito. naka-panjama lang kasi ako at alam mona..t-shirt. kaya hayun. hinintay nya akong makatapos akong magbihis.. namili naman ako ng susuotin. at ang suot ko ay t-shirt na pink na may naka print na 'girl power'.. saka ako bumaba... at nang papaalis na kami ay nagbilin naman sa amin ang mga kuya ko. "oh? gerald? ingatan mo yang kapatid namin ah? at saka..... wag masyadong mapusok.." biro ni kuya joseph kay gerald.. ramdam ko namang namula ako. "kuya.!!?" suway ko rito. "oh sige na.!! alis na kayo.. ingat bunso.. at ikaw rin gerald.." sabi ng mga ito... habang naglalakad kami ay kinausap ko naman sya.. "pasensya kana sa mga kuya ko.. ganun lang talaga yung mga yun.. mga bangag." sabi ko sa kanya.. "psh.. okay nga e.. may sense of humor sila.. at magkaka sundo kami ng mga bayaw ko..haha." napa-taas naman ang kilay ko...saka napatigil sa paglalakad. "anong sabi mo?" pero instead na sagutin ako ay nauna pa itong lumakad kesa sa akin.. kaya wala na rin akong choice kundi sundan sya. *sa mall* ngayon naiintindihan kona kung bakit nya ako isinama. kasi yung mga bibilhin kasi nya e gamit pang-babae. ipang-reregalo daw nya sa pinsan nya.. uuwi daw kasi rito mula sa america. at nang matapos ngang mamili e gaya nga ng sabi nya ay nilibre nya ako..sa pizza hut. "hmm...bakit ka nga pala nagpapasama sa akin? ayaw mo dun sa mga babae mo?" tinignan muna nya ako ng mataman saka nagsalita... "nakuhh.. wag na nuh? puro kalandian din naman ang alam ng mga yun ehh.." sabi nito.. "edi gaya ka pala sa kanila..? ganun ka din diba?" pang-aasar ko rito... pero instead na sagutin ako e kinakagt nya ang pizza nya at tuluyan ng nag-focus sa pagkain... pagkatapos namin e pinuntahan namin bahay nya..pagpasok namin e nakita ko ang isang matanda na sa tingin ko ay tatay nya.. nag greet naman ako rito. "hi po.." sabi ko rito saka nag-bow. "anak.. girlfriend mo?" tingin ulit sa akin. "nukuhh ganda mo namang bata ka.. talagang bagay kayo ng anak ko." "pa!?" suway ni gerald sa ama nya.. natawa nalang ako sa nakikitang kulitan ng mag-ama.. "nakuhh hindi po.. magkaibigan lang kami" sabi ko ng totoo rito. iginiya naman ako nitong umupo sa upuan sa kanilang kusina.. "nakuh talaga? kung ganun pala e.... nakuhh hija.. alam mo bang ikaw palang ang naging kaibigan nyang babae? madalas kasi e finiflirt nyan ang mga babae.. nakuhh himala lang talaga at nagkaroon sya ng kaibigan na babae kagaya mo..haha" "ahh.." sabi ko rito.. "pero alam mo hija? kawawa rin yang anak ko." pahayag nito na dinugtungan ko naman ng tanong. "bakit po?" " 8 years old palang sya nun nang nag-abroad ang asawa ko... bago ito umalis nangako ito sa anak namin na babalikan nya si gerald.. na babalikan nya kami.. pero hanggang ngayon hindi na bumalik.. nalaman nalang namin 3 years ago may iba ng pamilya ang nanay nya.." napatahimik naman ako.. talagang nakakaawa nga. bigla namang sumulpot out of nowhere si gerald saka hinila naman ako ni gerald palayo sa ama nya... "pwede ba pa?" naasar ng sabi ni gerald pero natawa lang ito.. saka naman ako nito hinila palabas sa bahay nila.. at umupo kami sa isang puno and in fairness ang hangin rito... nabalot muna kami ng katahimikan nang naisipan kong tanungin ito tungkol sa nanay nya.. "gerald. kung hindi mo masasamain.. pwede bang magtanung tungkol sa nanay mo?" "kung tungkol kanina ang itatanung mo.. oo tama ang mga nalaman mo mula kay papa.." saka naman bumakas sa mukha nito ang sakit sa pag-iwan sa kanila ng ina nya... "sorry." tanging nasabi ko.. " ibahin na nga lang natin ang usapan..? may plano akong mag outing with friends.. with our classmates.. kasi diba? one week din tayong walang klase? gusto ko sanang andun ka.." nagulat naman ako sa paanyaya nya.. " g-gusto mong andun a-ako?" binatukan naman ako nito ng pabiro. "kasi klasmate kita.." sabi nito at pasimpleng umalis pero alam kong nahiya lang ito sa sinabi.. pero bakit ang dating sa akin e iba? alam nyo yun? basta iba? nakuhh ano ba tuh? talagang baliw na nga ako... =___=

Miss Man hater Meets Mister Cassanova - Part 7

anndito ako sa library kasama ang iba ko pang mga classmate na naging friends ko din.. pero hindi naman sila lahat.. syempre yung mga kinaibigan ko lang e yung simple at hindi maarte.. nandito kami sa library dahil doon naisipan ng english teacher namin na kami ay ipa-exam... mas mabuti na daw dito dahil matatahimik talaga kami...kung hindi mapapalabas ka talaga... kanina pa natapos ang exam namin at ngayon nga ay nagbabasa ako ng libro.. actually hindi naman talaga ako mahilig talaga sa pagbabasa.. pero tatambay muna ako rito dahil magpapa aircon muna ako... ang bait kong estudyante nuh? ^___^ hehe... "janice.! hindi ka ba sasabay sa amin? ililibre ka namin." sabi ni chris. isa syang yours.. hehe. kung alam mo ibig sabihin ng sinasabi ko... "nakuhh! mamaya muna ako bababa.. dito muna ako susunod nalang ako mamaya.." sabi ko sa mga ito.. "okay.ikaw bahala.." sabi nito at kumaway nalang sila bago lumabas ng library.. kaya natuon ulit sa libro ang atensyon ko nang may biglang sumulpot sa tabi ko. "woah.! himala. nagbabasa kana pala ngayon ng libro??" pang-aalaska sa akin ni gerald. " ang panget naman kung kinabukasan mo ang binabasa ko.." pang-aalaska ko ring pabalik rito.. "psh. ang taray mo talaga kahit kailan.." mahina nitong sabi sa akin... binaba ko naman ang binabasa kong libro saka hinarap sya.. "bakit ka ba nandito? alam mo namang nagbabasa ako rito diba? hindi ako maka concentrate kung andyan ka at dada ng dada.."naaasar ko nang sabi rito. "tsk. nandito lang ako para sabihin sayo na may laban kami mamaya sa basketball.. baka gusto mong suportahan ako.." tinignan ko sya at may pagmamakaawa sa mukha nya na gusto nya talagang suportahan ko sya... napabuntong hininga nalang ako saka nagsalita. "k.fine.anong oras ba?" sabi ko rito at ibinalik sa libro ang paningin ko. "mamayang 2pm. oh sige na alis na ako mag ppractice pa kasi kami.. aasahan kita ah?" sabi nito sa akin saka lumabas na ng library. ilang minuto pa akong tumambay sa library pero kalaunan nang ma bored na ako ay umalis na ako sa library saka pumunta sa cafeteria.. saka nag-order at kumain na... nang matapos na ay naisipan kong bumalik sa classroom pero napadaan ako sa coverd court.. at nagsimula na pala ang laban sa basketball... kaya pumunta ako sa may puno at aakyat na sana pero may mga babae naman na nakita ako... mukha ngang pamilyar ang mga mukha e... *lightbulb* oo nga pala.. sila yung mga babae ni gerald.. "look who's here.. ugly trashy girl!?" sabi ng isa na sinabayan pa ng tawa sa mga kasama nyang dalawa. "teka? tiunutukoy mo ba ang sarili mo? hah! kasi sa pagkakaalam ko.. hindi ako ugly at mas lalo nang hindi ako TRASHY.." sabi ko sa mga ito.. "aba't--" akma ana akong sasampalin nito pero pinakita ko naman sa kanya ang kamao ko.. "gusto mo makatikim nito?" sabi ko.. hinawakan naman sya sa braso ng kasamahan nya na tila pinipigilan ito sa pagplanong pagsampal sa akin. "girl.. wag mo nang patulan yan.. amazona yan ano ka ba? balita ko nga may nabugbog na yan e.." pabulong daw kuno'ng sabi nito sa kaibigan pero rinig ko naman.. "oo may nabugbog na ako kaya totoong amazona ako.. gusto mong isunod kita?" sabi ko sa nagsalita kaya tuluyan na silang umalis sa harapan ko... kaya umakyat na ako sa puno at nandoon talaga ako sa pinaka tuktok.. mas maganda kasi rito... dahil malakas ang hangin at mula sa malayo ay kitang-kita pa ang buong covered court ay wala akong problema para makita si gerald.. kitang-kita ko syang nakapasok ng bola and naka 3 points pa sya.. wow galing ah? akala ko nga hindi nya ako mapapansin pero napatingin sya sa direksyon ko... at kumindat pa sya.. hindi ko alam pero iba ang dating ko sa kindat nya na yun sa akin... feeling ko lang ba talaga or assuming ako?... baka naman kasi malisyosa lang ako... nakuhh diyos ko.. bakit ko din naman bibigyan yun ng malisya? grabe! baliw na yata ako... =_____=

Miss Man hater Meets Mister Cassanova - Part 6

kaya simula ng araw na yun... e naging magkaibigan na rin kami. hindi ko expect na dadating ang araw na magiging magkaibigan kami... dalawang linggo na rin ang nakaraan nung araw na tinulungan nya ako sa mga lalaki...at sa dalawang lingggo ring iyon ay doon ko talaga sya nakilala ng lubusan... mabait naman pala sya.. pero hindi lang halata dahil makulit sya.. pero ang pinaka nagustuhan ko sa kanya ay mahilig manlibre.. sa katunayan nga nyan ay nandito kami sa mercedes caFee.. at kasalukuyan kaming kumakain ng halu-halo na pinaresan ng chess pie. "so kamusta naman yung mga babae mo? hindi ba naman nagsasawa sayo?" paunang tanong ko sa kanya nang sa ganun may mapag-uusapan kami. "bakit naman sila magsasawa sa akin e nakakaadik ang halik ko e.." sabi nya ng pilyo. "psh. yabang mo ah? e kung ganun sino ang nakakatagal sayo..?" "bini-break ko agad sila nuh? nakakasawa na rin kung same girl parin ang magiging girlfriend ko kinabukasan." pagmamayabang nya.. "hmm... ganun ah? oh well.. hindi na ako magtataka.. e cassanova ka e.." sabi ko rito... at kinain ang huling chess pie ko.. saka tumayo.. "salamat sa libre ah? babalik na ako sa eskwelahan... ayokong mag cutting classes e.." sabi ko rito saka lumabas na ng store.. at pumara na nga ng taxi. CASSANOVA'S POV nang makaalis sya ay lumabas na rin ako at bumalik na rin ng eskwelahan... pero hindi para bumalik sa klase,kundi para hanapin ang mga barkada ko.. at nang makita ko ang mga ito na tumatambay lang e nilapitan kona agad ang mga ito. at nakipag kwentuhan na rin.. ang unang kinuwento ko sa kanila ay si janice.. kilala na rin nila ito dahil sya lagi ang bukambibig ko sa mga barkada ko. "hayy.buhay nga naman. hindi mo alam kung ano ang susunod na mangyayare.." kumento naman ni donald.. "oo nga.. akalain mo? naging mag aso't-pusa sa umpisa pero naging magkaibigan din naman?" sabi naman ni mike. "baka sa huli nyan ay kayo na ang magkatuluyan.." pang-aasar naman ni piter. ang pinaka mataba sa grupo namin. " nakuhh imposible.. alam nyo naman ang mga tipo ko diba? yung mga sexy... maganda at makinis ang legs... opposite naman sa kanya.." sabi ko na hinuhugis pa sa hangin ang built ng katawan ng babae...hehe parang tanga lang e... "nakuh.. hindi mo rin masasabi tol! naging magkaibigan nga kayo ng hindi mo inaasahan diba? so may possibility na mainlove ka rin sa kanya ng hindi inaasahan..."panunukso nya sakin. "ano ba naman kayo.. siguro nga hindi ko inasahan na magiging magkaibigan kami pero ibang usapan naman pagdating sa lovelife..." sabi ko sa mga ito na napapailing nalang... "bahala ka.. basta ba mag-ingat ka nalang.. este ingtan mo pala puso mo baka ma-fall sa hindi mo pa katalo.." sabi ni donald... napapailing nalang ako sa mga ito,sign na hindi ako kumbinsido.. psh. hindi nga kami talo ni janice.. sana lang hindi rin dumating ang panahon na ma-fall ako sa kanya... kasi sabi nga ni donald.. hindi kami talo..

Miss Man hater Meets Mister Cassanova - Part 5

papasok na sana ako sa kotse pero nakita ako ng isa kong girlfriend... nasa tapat lang kasi ng waiting shed ang kotse ko kaya nakita nya ako agad at lumapit... "hey baby... ang aga pa ah? gusto mong paligayahin muna kita..?" sabi nito na sini-seduce pa ako. at dahil dakila akong 'TUKSO' ay nagpadala nalang ako rito... doon kami pumwesto sa waiting shed na kung saan ay walang ilaw... wala rin masyadong dumadaan rito dahil nga madilim... nasa gitna kami ng pagmi-makeout nang may gumulat sa amin kaya napasigaw ang babae ko sa gulat.. at paglingon ko kung sino ito ay mas lalo akong nagulat.. "hey!? ikaw nanaman? diba ikaw yung malditang babae na naging classmate ni gerald? psh. hindi mo ba alam na may ginagawa kami dito? parang walang utak.." sabi ng babae ko sakanya. pero hindi na ako nagulat ng tinarayan nya ito ng sagot. "hoy! sino kayang walang utak? tinutukoy mo bang sarili mo?" "what do you meann??" naiirita ng sabi ng babae ko. " kung may utak kayong dalawa..*sabay turo sa amin* edi sana sa kwarto nyo yan ginagawa at hindi rito.!!" sigaw nya sa amin.. "you bitch.!!" akma ng sasabunutan ng babae ko si janice pero pinigilan ko at gumawa nalang ako ng paraan para mapunta sa ibang topic ang usapan. "hey girl..? chillax.. wag mo nalang yan pansinin.. you know..? nagseselos lang din sya kasi gaya mo girlfriend ko sya.."sabi ko na ikinagulat naman nya. psh walang utak talaga. amazona nga lang pero walang utak. ginawa ko ito para hindi sya saktan ng girlfriend ko. "hoy.!! anong..?" hindi kona sya hinintay na makapagsalita pa dahil alam kong aangal lang din ito kaya mabuti pang unahan kona toh. "if you excuse us.. ihahatid ko muna sya sa condo ko..*tinignan ko naman sya pero ganun parin ang mukha nya..gulat. pero sige na* lets go?" sabi ko at hahakbang na sana pero pinigilan ako ng babae ko sa braso. "wait.. papapasukin mo yang babaeng yan sa condo mo? e diba? wala pa namang nakapasok o pinapasok mo sa condo mo?" totoong wala pa akong pinapapasok sa condo ko hindi ang gusto ko ay sa babaeng mahal ko lang ang papapasukin ko. sasagot na sana ako pero naunahan ako ni janice. " yes... at AKO LANG ang ipapasok nya sa condo nya.. so if excuse me.. mauna na kami.." sabi nito at hinila na para pumasok ng kotse ko. pagkatapos kong mag seatbelt ay nagsalita itong katabi ko. "ihatid mona ako... total may kotse ka naman.." malamig na sabi nito sa akin.. at alam kong ang ibig nyang sabihin ay sa bahay nya pero dahil naalala kong sumang-ayon sya kanina na pumunta sa condo ko ay may naisip ako. "right away miss...?" sabi ko at ngumiti ng nakakaloko sa kanya. makalipas ang ilang minuto ay nandito na ako sa condo ko. "hey!? bakit nandito tayo??" naguguluhan nitong tanong sa akin. bumaba na ako ng kotse saka tuloy-tuloy na pumasok sa condo ko. naramdaman ko namang sumusunod ito. " diba sabi mo ihahatid kita?" sabi ko rito. " pero ang tinutukoy ko ay sa bahay namin.." "pero pumayag kana na dito ka sa condo ko diba?" "pero gusto ko lang naman pasuyain ang babae kanina... at akala ko pa naman nagbibiro ka lang kanina." sabi nito. " oh well..? nandito kana.. so wala kanang magagawa..pagtitimplahin nalang kita ng maiinom.. gusto mo ba ng hot chocolate?" tanong ko rito. tumango lang naman ito.

Miss Man hater Meets Mister Cassanova - Part 4

uwian na namin nun pero naisip ko munang tumambay sa eskwelahan. wala pa kasi akong ganang umuwi. wala namang dahilan pero tinatamad pa akong maglakad. malapit lang kasi rito ang bahay namin. malalakad lang. pero pwede din namang sumakay ng pedicab. pero ayoko nga!? mas gusto ko pang maglakad kesa sumakay. mshilig kasi akong magmuni-muni. kaya heto, nakahiga sa bermuda grass habang tinitignan nang langit... nang mapansin kong umaambon na ang langit ay dali-dali na akong tumayo... alam kona kasi ang mangyayari.. uulan! pero bago pa ako nakalabas ng eskwelahan ay nabasa na ako dahil umulan na.. buti nalang may nakita akong waiting shed kaya nakasilong agad ako... pero medyo madilim na.. gumagabi na kasi ehh.. medyo napatagal ang tambay ko sa eskwelahan kaya hindi agad ako nakauwi. "oh.. baby.. c'mon halikan mo pa ako..hmmm.." tumindig naman ang balahibo ko sa narinig.. may kasama ako rito sa waiting shed.. pero dahil medyo madilim at buwan lang ang nagsisilbing ilaw ay hindi ko pa nakikita ang mga ito. sa pagkakarinig ko ay babae yun at umuungol pa.. siguro hindi pa nila alam na may kasama na pala sila rito.. at dahil likas akong pilya ay may naisip ako.. *evil grin* unti-unti akong lumapit sa naririnig kong tinig at ini-on ang flashlight saka ako sumigaw.. "BAAA!.. hahaaha" panggugulat ko.. pero hindi ko inaasahan ang makikita ko... dahil si gerald lang naman ang kahalikan ng babaeng lintang ito.. may saplot pa naman sila pero nung nakita ko ay nag ttorrid kiss sila... oh talking about gross.. -___-' "hey!? ikaw nanaman? diba ikaw yung malditang babae na naging classmate ni gerald? psh. hindi mo ba alam na may ginagawa kami dito? parang walang utak.." bulong ng babae sa huli nitong sinabi pero narinig ko naman. "hoy! sino kayang walang utak? tinutukoy mo bang sarili mo?" sabi ko pa rito.. "what do you meann??" mukhang mananakmal ng tanong nito sa akin.. pero imbes na matakot ay mas lalo ko pa itong inasar. " kung may utak kayong dalawa..*sabay turo sa kanila* edi sana sa kwarto nyo yan ginagawa at hindi rito.!!" sigaw ko rito. "you bitch.!!" akma na ako nitong sasabunutan pero pinigilan ito ni gerald.. "hey girl..? chillax.. wag mo nalang yan pansinin.. you know..? nagseselos lang din sya kasi gaya mo girlfriend ko sya.." sabi nito na ikinagulat ko naman.. "hoy.!! anong..?" hindi na ako nakapagsalita pa dahil sumabat naman ito at lumapit sa akin....at? umakbay pa.. "if you excuse us.. ihahatid ko muna sya sa condo ko..*at tinignan ako ng nakangiti* lets go?" sabi nito pero pinigilan naman sya ng babae sa braso. "wait.. papapasukin mo yang babaeng yan sa condo mo? e diba? wala pa namang nakapasok o pinapasok mo sa condo mo?" hindi kona hinintay na si gerald pa ang sumagot dahil ako na ang nagsalita. " yes... at AKO LANG ang ipapasok nya sa condo nya.. so if excuse me.. mauna na kami.." sabi ko at hinila na si gerald papasok sa kotse nito.. nag seatbelt na ako saka ako nagsalita. "ihatid mona ako... total may kotse ka naman.." malamig kong sabi rito. "right away miss...?" sabi nitong pilyo sa akin. akala ko ay ihahatid na ako nito sa bahay pero huminto kami sa isang condominium. "hey!? bakit nandito tayo??" naguguluhan kong sabi. bumaba na ito sa kotse kaya bumaba na rin ako...

Miss Man hater Meets Mister Cassanova - Part 3

"three points by mandrigal!" sabi ng isang announcer nang makapasok ng isang three points si kuya kristoff.. habang kami naman nila kuya joseph at kuya dexter ay nakaupo lang habang sumisigaw kapag may maipasok na bola si kuya kristoff... "whooo! galing mo bunso.!" sigaw ni kuya dexter... at matapos ang 4rth quarter ay nanalo ang team nila kuya kristoff... sa score na 98-101. pagkatapos nitong maglaro ay lumapit na ito sa amin kung saan kami naka-upo. niyakap naman ito ni kuya dexter. " galing mo talaga.. nagmana ka talaga sa akin nuh?" pagbibiro ni kuya dexter saka ginulo ang buhok ni kuya kristoff.. " ano ba??" angal nito.. pero hindi iyon pinansin ni kuya dexter instead ay tinignan ako nito. " bunso.. bumili ka ng tatlong tubig para sa amin ng mga kuya mo... nakakapagod sumigaw ah?" " bakit ako? kayo kaya bumili ng tubig.. kayo naman ang nauuhaw dyan??" angal ko. "sige na.. sino ba dapat kong utusan ehh ikaw lang naman pinaka bunso dito.. oh eto.." may kinuha ito sa bulsa at iaabot sa akin...ang isang one hundred pesos... " sayo na ang sukli nyan.. para hindi kana umangal.. alam ko kasing dapat ka pang suhulan para umagree ka." sabi nito kaya wala na rin akong nagawa kundi bibili nalang ng mineral water... padabog ko naman itong kinuha sa kamay nya.. " sige na nga!?" sabi ko.. "yan ang bunso namin.." nakangiting sabi nito saka ginulo ang buhok ko kagaya ng paggulo nya ng buhok kay kuya kristoff... tsk! ang hirap talagang maging bunso... lalo pa't nag-iisa ka lang na babae sa inyong magkakapatid.. " ano ba??" angal ko.. " uyy! pag nakabili kana ha? punta ka sa seven eleven at kakain tayo doon.." sabi nito na ang tinutukoy ay ang seven eleven sa kaharap naming kalye. pagkasabi nito ay umalis na ako at nagsimula na akong maglakad sa isang convenience store para bumuili ng tatlong tubig.. pagkatapos kong makabili ng tatlong tubig para sa tatlo kong kuya ay bumili na rin ako ng akin.. isang piattos at chuckie.. at sweet corn... yeah right! mahilig ako sa chuckie.. hehe.. ^___^ nang makabili na ako sa lahat ng gusto kong bilhin ay pumunta na ako sa sinasabi nilang seven eleven para dun kumain... pagpasok ko ay kita ko agad ang mga kuya ko na may kausap na lalaki... parang familiar ang likod nito pero hindi ako sigurado kung sya ba talaga ito... nakuhh sana wag naman.. nang makalapit na ako ay saka lang ay napansin ng mga kuya ko.. "oh? andyan na pala si bunso..? halikana rito jan.." sabi ni kuya joseph... kaya napatingin na rin ang lalaki sa akin... at nagtama ang aming mga mata... nagulat ako kung bakit sya nandito... " heto nga pala si gerald janice... nag-aaral rin sya sa school kung asan ka nag-aaral... siguro naman kilala mo sya...?" "hindi lang basta magkakilala..." tumingin ito sa akin ng nakakaloko.. " close pa kami...at classmate pa" sabi nito at tumingin na rin sa mga kuya ko... ano daw..? close? CLOSE?? hah! in his dream!! it will never gonna happen... " talaga janice close kayo..? nakuhh mabuti kong ganun.. may umaaligid ba sa bunso namin gerald?" sabi nito.. bahagya syang tumingin sa akin pero tumingin na rin kay kuya kristoff... " hindi ko alam e... pero..." tumingin pa ito ng parang may pinaplanong di maganda... "pero..?" sabi ng mga kuya ko... napainom naman ako ng tubig na dala ko.. "pero... may nakahalik na sa kanya.." pagkasabi nyang yun ay agad kong naibuga ang iniinom ko kaya basa ang table namin... " ANO???" gulat na bulalas ng mga kuya ko... bwiset ka talagang cassanova ka! pati ako dinadamay mo sa miserable mong buhay.! =____= agad namang tumunog ang cellphone ko... pagtingin ko may nagtext.. and unkown number.... binasa ko ito. 'babawiin ko ang sinabi ko sa mga kuya mo kung papatawarin mona ako.. and..? magbati na tayo..' alam kong galing ito kay gerald kaya tumingin ako sa kanya ng matalim... at nereplyan din sya sa text.. 'k.fine.' reply ko.. at napatingin naman sya sa cellphone nya at napangiti.. "joke lang yun... masyado naman kayong seryuso..." bawi nito sa sinabi kanina... ang kaninang mukhang makapatay na ang reaction ay naging mahinahon na ang reaction ng mga kuya ko.... "naku ikaw talaga gerald. mahilig ka talagang mag joke.. pero wag mo nang ulitin ang ganung klaseng joke ha? nagulat kasi kami talaga sa sinabi mo kanina.. yun pala joke lang..." nag alangan pang ngumiti si kuya dexter.. matapos ang pag-uusap na yun ay nag-order na kami kaya sa mga oras na yun ay kumakain lang kami... nung umuwi na kami ay gabi na.. mga 6:30 na siguro... akala ko KAMI lang ang uuwi ng mga kuya ko pero sumama pa itong si gerald hanggang sa bahay.. sabi nya ihahatid lang daw nya ako... psh. napaka plastic talaga ng lalaking yun. -___- nung pumasok na kami sa gate ay sinabi ko kina kuya na mag-uusap lang kami saglit ni gerald.. "oh sige.. basta ikaw janice ah? matapos nyong mag-usap ehh pumasok kana rin..." sabi nito sa akin.. binalingan din ito si gerald... " bro.. *beso-beso na pang lalaki* pasok na kami... salamat." sabi nito at ilang saglit lang ay naiwan nalang kami ni gerald.. saka ako nagsalita.. "hoy! ikaw'ng lalaki ka.!? *hampas sa balikat* ano bang problema mo ha? balak mo pa talagang sabihin sa kanila ang nangyari? wala kana talagang delikadesa nuh?" sumbat ko rito. "delikadesa? hah! wow.! sino kayang walang delikadesa ha? sinong nagpahalik?" "hoy! manyakis ka.! ikaw ang humalik sa akin AND you.! you take advantage.. kaya nangyari yun.. cassanova ka? balak mo pa talaga akong idagdag sa mga collection mo?" sigaw ko rito. "woooo chillax.! psh. dapat lang sayo ang halikan ko dahil nasugatan ako dahil sa kagagawan mo.. yun lang naman ang kabayaran sa lahat ng ginawa mo sa akin...." sabi nito "so... alis na ako? gabi na rin kasi.. bye.. see you in school... manhater.!?" nakangising sabi nito saka lumabas ng gate.. "~arrrrrg~" bulalas ko nalang at pumasok na rin ng bahay... pagpasok ko nakita ko sila kuya na nakaupo sa sala na may kakaibang tingin sa akin... "so...? gusto ka pala ni gerald ha? dahil gusto ka pa talaga nyang ihatid?" sabi ni kuya dexter. "oo nga... so bunso!? may pag-asa ba sya?" sabi naman ni kuya kristoff... "BAHALA KAYO.!!" sigaw ko sa mga ito.. saka pumasok ng bahay... at doon sinariwa ang nangyari kanina.. ano bang balak nya? balak ba nyang sirain ang buhay ko? psh. kung ano man ang balak nya hindi sya magtatagumpay.. hmp.! :3

Miss Man hater Meets Mister Cassanova - Part 2

pagka-uwi ko sa bahay,nadatnan ko ang mga kuya ko na naglalaro ng tekken. "ayan dexter! talo ka! paano ba yan? yung deal..mang lilibre ka ng kikiam!"sabi ni kuya joseph kay kuya dexter. napahimas naman si kuya dexter sa ulo nya. "oo na.." sabi nito at pagtayo nito ay saka lang ako nakita sa pinto. "oh? nandito na pala si bunso e..bunso..musta?" sabi nito.lumabas naman si mama sa mula sa kanyang kwarto at lumapit sa amin. "anak..bakit magulo buhok mo?" tinignan naman ako ng makahulugan ni kuya. "teka.. may boyfriend ka na ba bunso?" parang gulat na sabi nito. " nakuhh!! bata ka pa bunso.psh.kahit kailan talaga mapusok ka!" sabat naman ni kuya joseph. " ano bang iniisip nyo? magulo buhok ko dahil nakipag-away ako" sabi ko. 'dahil nakipag-away ako' pero natauhan ako sa sinabi ko.. sinabi ko ba talaga yun? "nakipag-away ka nanaman?" sigaw ni papa. kalalabas pa lang nya sa banyo. "uhh..kasi po.." hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. napasapo nanaman sa noo si mama. "nakuhh! ikaw'ng talagang bata ka! hindi kana nagbago." sabi nito sa akin. "naku ma.. hindi na yan magbabago!" sabat naman ni kuya joseph. "eh kayo naman kasi...kung anu-anong iniisip! edi yan! sinabi ko kung bakit magulo buhok ko.dyan na nga kayo!? aakyat lang ako sa kwarto ko." sabi ko at nagtungo na nga sa kwarto ko at doon ko inisip lahat ng nangyari kanina. paano ba yan? klasmet ko pa ang unggoy na yun. paano kung gumanti sya sa akin? o ang mga babae nya ang mambugbog sa akin para sa kanya? kung nagkataon bugbog-sarado siguro ako. sa dami ba naman ng babae nya sigurado kawawa ako. psh. bahala na bukas! kinabukasan paggising ko ay naghanda na ako para pumasok sa paaralan. pagkababa ko naman sa hagdan ay nakita kona ang mga kuya ko na nagkukulitan... "oh bunso!? punta kana sa eskwelahan mo? nakuhh! magdasal ka na di magsusumbong sa pulis ang mga binugbog mo,kundi lagot ka!" pang-aasar na sabi sa akin ni kuya kristof. binato ko naman sya ng unan na nasa sofa. "tumigil ka nga!?" sabi ko at lumabas na ng bahay.. narinig ko pang sabi ng mga kuya ko. "GOODLUCK BUNSO.!!" hindi ko nalang pinansin iyon at pumunta na ako ng eskwelahan. pagkarating ko sa eskwelahan ay nagklase na pala.. tinyempuhan ko nalang ang pagpasok ko sa room nang hindi nakikita ng teacher. pag nakaharap na ito sa blackboard saka lang ako pumasok. ilang oras din ay tapos na ito sa pagtuturo kaya umalis na ito. kaya naisipan ko munang pumunta sa rooftop, pero paglabas ko ng room ay may nakaharang.... pagtingin ko, yung mga babae nanaman. natawa naman ako sa mga hitsura nila... may naka-benda sa ulo, may nakalagay sa leeg, at sa tuhod... may napilay pa..haha "oh ano? gusto nyo pa talaga madagdagan ng sakit ang katawan nyo ah?" akma kona sana silang pagsusuntukin pero pinigilan nila ako. " hoy! ano ba? wag mo ulit kaming saktan! nandito kami hindi para makipag-away sayo... kundi may nagpapabigay lang sayo.. ito oh?" sabi nito at iniabot ang isang papel. binasa ko naman ang laman nito. 'punta ka sa room BR6' yun lang ang nakalagay sa papel. naka kunot noo naman akong napatitig sa kanila. " at ano naman to?" "it's for you to find out! ayaw nyang sabihin namin sayo kung sino sya, bubugbogin daw kami pag nangyari yun." sabi nito at tumalikod na sa akin kaya pumunta nalang ako sa sinasabi nitong room. nagtanung-tanong pa ako kung saan ang room BR6. at sa wakas ay nakarating din ako... at nandito na ako sa tapat ng pinto. pagkapasok ko madilim ang paligid. "yohoo? anybody home?" sabi ko sa kawalan. may nagsalita naman mula sa likuran ko. " buti naman at pumunta ka..." lumingon ako and BOOM! nakita ko ang lalakeng natamaan ko ng tin can sa mukha kahapon.. "ba-b-bakit mo ako p-pinapunta rito?" gosh! bakit ako nag stutter?... "pinapunta kita rito para mabayaran mo ang ginawa mo sa mukha ko.." nakita kong may band-aid sa kilay niya... "a-at ano--este magkano?" tanong ko. kinakabahan na ako.. lumalapit sya sa akin.. kaya umaatras ako.. *atras* *abante* *atras* *abante* hanggang sa na corner na nga nya ako.. hinarangan nya ako sa magkabila nyang braso habang ang mga mukha namin ay malapit na malapit sa isa't-isa. naamoy ko na nga ang hininga nya. "what if i kiss you right now?" sabi nito at tinignan ng malamlam ang labi ko. "subuka--" hindi kona natuloy ang mga sinabi ko dahil hinalikan na nya ako. fierce & wild. yun ang tamang description. ilang minuto din nya akong hinalikan at kalaunan ay huminto rin sya... naghahabol kami ng hininga.. nagkatitigan naman kami sa isa't-isa. "ano? masarap ba?" sinampal ko naman ito. *pak* "bastos.!!" sabi ko at saka lumabas ng room. * nung pag-uwi ko sa bahay ay dumeritso na ako sa kwarto. at doon.. napahawak ako sa labi ko.. swollen parin ito dahil sa paghalik nya sa akin... napatalukbong naman ako sa kama dahil sa sobrang frustration. "-arrrrgg--" napa bulalas nalang ako sa loob ng kwarto. "that son of a bitch..he don't know what he did to me..." CASSANOVA'S POV pagdating ko sa eskwelahan hinanap ko muna ang mga babaeng nambugbog or lets say binugbog nung janice mandrigal.haha! nagtanung-tanung ako tungkol sa kanya... at nalaman kong kick-out sya sa dati nyang school.. at may tatlo syang kuya.. hindi na ako magtataka kung saan nya namana ang pagiging boyish nya. nakita ko naman ang mga babaeng hinahanap ko. "hey girls!" tawag ko sa mga ito... "hey handsome!" at sabay-sabay silang lumapit sa akin at hinalikan ako. "uhh.. may favor sana ako sa inyo girls.." inabot ko sa kanila ang papel. "pwede bang ibigay nyo ito kay janice mandrigal? and oh! wag nyo ring sabihin kung sino ako kung hindi...dadagdagan ko ang pasa sa inyong mga katawan.. don't worry may kiss kayo sa akin kung magagawa nyong iabot ito sa kanya." sabi ko at lumundag naman sila sa tuwa. at agad na tumakbo. siguro dahil sa premyo. haha. mga babae talaga. =___= pagkatapos ng morning class ay pumunta na ako sa room BR6 para abangan si janice. ilang minuto pa akong nag-aabang doon at sa wakas ay may pumasok na. "yohoo? anybody home?" pambihira talaga tong ababaeng toh mukhang may tama ah? "buti naman at bpumunta ka!" paunang salita ko. lumingon naman sya. at nagulat. yeah right! dapat ka talagang magulat. *smirk* "ba-b-bakit mo ako p-pinapunta rito?" aba' at mukhang kinakabahan..? hmm.... mas lalo akong naganahan sa babaeng ito. "pinapunta kita rito para mabayaran mo ang ginawa mo sa mukha ko.." "a-ano--este magkano?" lumapit pa ako sa kanya.umatras naman sya.. lumapit pa ako ng lumapit hanggang sa na trap na sya sa mga braso ko. "what if i kiss you right now?" napatingin ako sa mga mapupula nyang labi. shit! ang sarap halikan. "subuka--" hindi kona sya hinintay pang magsalita at hinalikan kona sya. hindi kona sana sya tinigilang halikan pero kinapos na ako ng hininga. ganun din sya. "ano? masarap ba?" pero nagulat ako sa ginawa nya. sinampal lang naman nya ako sabay sabing: "BASTOS.!!" saka lumabas ng room. hah! i will do everything to make you mine janice mandrigal...

Miss Man hater Meets Mister Cassanova - Part 1

pagdating ko sa room na magiging classroom ko,nakita ko agad ang mga babaeng nagkukumpulan sa harap ng pinto ng room. huminto muna ako at tinignan sila sabay sigaw. "tumabi nga kayo sa daan!? wala namang checkpoint ah? sdabi ko sa mga rito. napatingin naman silang lahat sabay tabi. at doon ko nakita ang dahilan ng kanilang pagkumpol sa harap ng pinto. nakita ko ang isang lalake.tall,dark, and handsome... ...... ..... joke.! tall lang pala.. maputi at.. sige na nga..? pasado na sya sa akin para matawag na gwapo... -___-' matangos din ang ilong nya. napatitig kami sa isa't-isa. "padaanin nyo muna sya mga girls.. mukhang gusto din nya sigurong makasama ako." nakangiting asong sabi nya.. "teka lang ah? wala akong sinabing gusto kitang makasama, gusto ko lang pumasok sa room, OKAY?"sabi ko at binangga sya bago ako makapasok sa room. uupo na sana ako sa pinaka-favorite kong upuan 'ang first chair' nang may bag na naka lagay na rito. itinapon ko ito sa sahig para ako na ang umupo doon. may babae namang pumulot sa itinapon kong bag kanina. " hoy! ikaw ba ang nagtapon nitong bag ko?" "oo. nakalagay kasi sa chair ko." inosenteng sabi ko. "bwesit ka!" susugurin na ako ng babae pero pinigilan naman sya ng barkada siguro nya. " you bitch! bakit mo itinapon ang bag ng sistah namin?" ang arte ng pagkakasabi nya na sistah ha? =_= "defined the word bitch?" panghahamon ko sa kanila.. pero sila mukhang natakot. napaatras kasi. buti nalang may pumasok na teacher kaya umayos na sila. yung babae e naghanap nalang ng ibang upuan. " okay class! our lesson for today is blah..blah..blah.." nag discuss na ang teacher namin at ako..? nakatingin lang sa blackboard habang tinitignan ang teacher.. pero wala ang utak sa klase. alam mo yun kung estudyante ka.(lol) at pagkatapos ng prayer meeting..(oo kasi mukhang ganun ang nangyari)ay nagpaalam na itong umalis. at ako naman ay lumayas na rin sa klase.. cutting..? tama ka! talagang estudyante ka talaga..haha :) pumunta ako sa rooftop at nagpahangin...at tinitignan ang kalangitan... hanggang sa unti-unti na akong nakatulog.. ....... ....... naggising nalang ako nang may narinig akong yabag...papalapit sa kinaroroonan ko. paglingon ko. "sabi ko na nga ba e, dito ka lang namin matatagpuan." yung mga babae pala kanina. "ano nanaman ang kailangan ninyo sa akin?" tanong ko sa mga ito. "pagbabayarin ka lang naman namin sa ginawa mo kanina." sabi nung babaeng pumulot sa bag kanina. at nagsimula na silang palibutan ako. "pagbabayarin lang pala..magkano pala.?" tanong ko sa mga ito. "hindi pera ang kailangan namin.. kundi ito.." sabay batok sa akin ng pagka lakas-lakas dahilan para mauntog ako sa sahig.. "bago ka pa maka-alis dito sa rooftop..patay kana!" hiyyya!!" at tinadyakan pa ako sa tiyan...

Ang Textmate - Part 4: Care

Medyo masakit pa din ang ulo ko, kasi naman kanina kasabay pagkagulat ko kay grey ay ang pagkahulog ko sa lapag at nauntog pa ulo ko sa pade...