Showing posts with label Boy Next Door. Show all posts
Showing posts with label Boy Next Door. Show all posts
Ang Textmate - Part 4: Care
Medyo masakit pa din ang ulo ko, kasi naman kanina kasabay pagkagulat ko kay grey ay ang pagkahulog ko sa lapag at nauntog pa ulo ko sa pader, sumakit tuloy ng husto ang ulo ko at biglang nahimatay. Pero ang lubos kong ikinagulat ay ang biglang pagkakita ko ng mga bagay bagay habang walang malay, medyo blur ang mga nakikita ko pero parang may ibig sabihin yung mga yun.
Hinatid ako ni Grey dito sa bahay, hindi ko nga siya napasalamatan dahil nagmamadali na siyang umuwi.
Nandito ako ngayon sa kwarto ko, nakahiga habang nag muni muni ng mga kaganapan.
"TooT...TooT...TooT"may nagtext.Pag tingin ko ng phone binuksan ko kaagad. Unknown number ay si Grey pala ito.
Grey:
hindi kita mamadaliin josh, maaalala mo din ako, mahal kita hindi lang bilang ka fubu, mahal kita kasi mahal kita. I will win you back. goodnight joshiepot ko ;)
napangiti naman ako sa text. Naalala ko bigla, naikwento sa akin ni mama na kasama ako ni papa sa car accident. maswerte na lang daw noong nabuhay pa ako dahil 1 taon akong walang malay. Kailangan pa tuloy nila akong dalhin sa america para doon ipagamot. Nang nagising naman na ako, ay nagka amnesia naman ako, pero hindi naman lahat nawala.
Parang nagkaroon lang daw ako ng lost memories ayon sa doctor. Babalik din naman daw yun in the right time.
Nireplayan ko si Grey para makapagpasalamat na rin.
me:
salamat pala Grey sa paghatid at pagsama sa akin kanina. Huwag kang mag alala, babalik din ang lahat sa dati. may tanong lang ako.Totoo bang naging mag fubu tayo at magtextmate?alam ba ito ni bes ko? sorry at hindi ko kasi talaga maalala pa lahat ehh. hehehe.
Grey:
totoo yun noh!. bakit naman ako gagawa ng kwento joshiepot ko. ikaw pa nga nagbigay ng call sign natin ehh.. gawa mo na ba nyan?, bakit hindi ka pa magpahinga? 9pm na ohh. You should take some rest na dapat.
me:
ahhh, ganun ba? heheh, sorry makulit ako, well. if fubu kita. anong role ko?, girl or boy?? maaga pa, wag kang o.a. dyan greyiepot ko? heheh
Grey:
ikaw ang girl noh!, hehehe miss na ba ako joshiepot ko? gusto mo puntahan kita dyan, labing labing tayo heheheh, ang saya naman!!.
me:
PERVERT!!!, hmfpt, bakit ka naman masaya?
Grey:
kasi tinawag mo ulit akong greyiepot!!. ;) hehehe, sige na josh. matulog ka na po. kita nalang tayo bukas ng umaga.
me:
okay, goodnight. :)
Grey:
same to you joshiepot ko. ;)
Ang Textmate - Part 3: Greyiepot and Joshiepot
Nandito na ako ngayon sa room, ewan ko ba parang ang saya saya ko kanina habang kausap ko siya. Ang cute niyang tignan pag namumula na yung mukha nya sabayan pa ng pautal utal nyang pananalita. Ang mga pilik mata niyang parang pang manika sa haba, yung mga mata niyang kumikinang na parang dyamante, ang makinis niyang mukha na parang pambabae at higit sa lahat ay yung labi niyang mamula mula. Kissable lips siguro sya. Hayyyy!! Ano ba itong iniisip ko!! Umandar na naman ang pagkapervert ko!, pero bakit sa kapwa ko lalaki?!, bakit kay Josh?! Arrrggghh!!!!!Ayaw ko nang mag isip!! Para siyang nakakita ng multo kanina ng makita niya ang napakagwapo kong mukha. Ganun talaga, eh sa ipinanganak akong gwapo eh, pero never pa ako nagka girlfriend. study first ang motto ko!..
" Mr. Devastian, please pay attention sa klase ko, marami ka pang dapat habulin na lectures since na nasa star section ka" sabi ni si Mr. Lim na nagpabalik sa katinuan ko.
" Yes sir, sorry po ulit" mahinang sagot ko.
-------------------------------------
"What the he--.." hindi na natuloy pa ang sasabihin ko ng bigla niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko.
"miss me joshiepot ko?" sabi ng lalaking nasa harapan ko ngayon, dahilan para mahulog ako sa kinauupuan ko sa sobrang taranta at gulat.
"B--L--A--G!!!!!!!"
"Aarrraayyy" pasigaw kong sabi. Agad akong pinagtinginan ng mga kaklase ko at yung iba ay pinagtawanan ako.
"What's that Mr. Aldrinidad" tanong ni Ms. Kim
"Mukhang nahulog ata mam sa sobrang gwapo ng katabi nya." sabi ng isa kong kaklaseng bakla.
" Tumigil nga kayo!. Nakaidlip lang ako sabay nahulog. Y-yun lang yun!" despensa ko kaagad sa kanilang lahat.
Agad akong bumangon at umayos na kinakaupuan ko. Nilungon ko lang yung lalaking nasa likod ko para bigyan siya ng masamang tingin ngunit iba ang ibinalik niya sa akin. Ngumiti lang ito at kinindatan ako sabay ikinaway niya yung phone niya na parang may pinapahiwatig.
Agad kong tinignan ang phone ko, at may text akong nakita...
Unknown number:
wag ka naman masyadong pahalata, ikaw naman ehh. let's do it again some other time if you want? ;)
-Grey
Agad ko siyang nireplayan.
me:
sino ka ba? bakit kilala mo ako? hindi naman kita kilala, saka anong sinasabi mong fubu eh virgin pa ako and straight ako dude.
Grey:
straight?, yung ari mo straight!, pero ikaw,ako, we always make love my joshiepot.
me:
huh? sorry dude baka nagkakamali ka lang. baka kamukha ko lang yun!,
Grey:
so ganun nalang yun? eh bakit ka sumunod sa cr? bakit mo ako tinext? isa lang ibig sabihin nun, you miss me also. ang hirap mo kayang hanapin joshiepot!!
me: sorry dude, hindi talaga kita matandaan. Maybe it's because I had an amnesia due sa car accident na ikinamatay din ng papa ko. sorry, pero kung totoo man ang sinasabi mo, maaalala din kita. sory dude.
Ang Textmate - Part 1: The Bar
Paano mo masasabi sa isang tao na siya na talaga ang mamahalin mo habang buhay kung sa text lang kayo laging nagkakausap ng matino?? Kung sa bawat pagkikita nyo ay puno lagi ng takot na baka hindi naman pala siya ang taong nararapat sa pagmamahal mo. Kaya bang panindigan ng puso ang ayaw sabihin ng utak mo? Kung sa bawat pintig nito ay nagtatalo ang isip at puso mo kung mahal mo rin ba siya at wala nang iba pa??? Kilalanin natin si Josh at Grey. Kahit na maraming pinagdaanan sa nakaraan at may hinaharap sa kasalukuyan ay nananatili pa ring nagmamahalan. Magkaiba man ang kinalakihan at kultura pero naging isa sa paniniwalang mahal ko si Textmate!!
.
.
.
.
.
Sabado na naman, at gaya ng dati maglililinis na naman ako ng buong bahay. Syempre, good boy ako kaya tuwing sabado, general cleaning day!!
" Josh anak, nagawa mo na ba ang mga assignment mo?"- sabi ni mama ng biglang sulpot sa kwarto ko.
" Ah.. opo ma!, tinapos ko na po kagabi pa para wala na akong gagawin ngayon". -magalang na sagot ko naman kay mama.
Dalawa nalang kami ni buhay ni mama mula ng mamatay si papa sa isang car accident na kasama ako, buti nalang daw at nakaligtas ako, ang kaso nagka amnesia naman ako. 2nd year college ako that time. I was in coma for 6 months at pag gising ko, wala na akong maalala. Pero may mga bagay akong hindi ko maexplain eh, parang bumabalik na kasi ang mga alala ko sa nakaraan. Palagi sa panaginip ko. May isang lalake. No!,Dalawa sila. Pero blur, maybe they're just a part of my life before and the thing is, hindi ko sila maalala.
"R---I---N---G"
"Oh, bakit?" sabi ko sa tumawag.
" Ano na? Sasama ka ba o hindi? 5pm na!!Juiced colored ka naman Josh!" bulyaw sa akin ni Lyth, ang bestfriend kong ubod ng ganda pero mala-amazona.
" Ay, oo nga pala, sige wait lang bes,ligo lang ako tapos daanan niyo na ako dito sa bahay. Alam mo na,. hehehe". sabi ko kanya. Para payagan ako ni mama na umalis ng bahay, malakas kasi si Lyth kay mama at gabi na kasi kami gagala, ayaw ni mama na nagpapagabi ako sa daan kahit ng 4th year na ako. Iba na daw kasi ang panahon ngayon.
Habang nag aayos na ako ng buhok ko ay may marinig na akong bumusina mula sa labas.
"Sila na siguro yan"., bulong ko sa sarili ko sabay labas papuntang gate ng makita ko si mama at Lyth na nag uusap.
" Naku Tita Fler, ako na pong bahala dyan kay Josh and dun na siya mag sleep over sa bahay po, baka po kasi magpakala--." hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Lyth at hinatak ko na siya papasok ng kotse.
" Bye ma! Love you!" ang nasabi ko nalang kay mama habang pasakay ng kotse.
" Oh mag ingat kayo mga anak!. Josh Yung wallet mo ah!" sabi ni mama na may kaunting paalala. Madalas kasi akong mawalan ng pera tuwing nag jajamming kami at nalalasing ako.
" So san tayo? same place? "- sabi ni Thyme habang nagmamaneho siya.
" Sure, basta this time sagot mo mr. nonsense" banat ni Lyth from nowhere. hahaha, kung hindi lang talaga kami magkakaibigan, matagal na akong nagsuspetsa sa dalawang ito.
Nang makarating na kami sa bar na lagi naming pinupuntahan ay naghanap kaagad kami ng pwesto at umorder.
"Ako gusto ko nito, ito, tsaka ito, at ito pa., salamat miss, ay wait, ice pa pala. thank you!" sunod sunod na order ni Lyth.
"Ubusin mo lahat ng inorder mo ahh!" pikon na sabi naman ni Thyme. Syempre, siya lahat magbabayad ng inorder ni bes.
"hahah, syempre, masarap kaya pag libre diba Josh?" tanong niya sa akin. Wala naman ako sa sarili ko dahil sa nakita kong isang lalakeng kumindat sa akin sabay pasok sa cr.
"Nanunukso ba yun?" tanong ko sa sarili ko nang biglang hampasin ni Lyth ang braso ko.
"ARAY!" sigaw ko sa kanya.
" Uy ano ba Josh, kanina pa ako nagsasalita dito parang wala kang naririnig, nag general cleaning ka lang nabungol ka na!?" sabi ni Lyth habang tumatawa, natawa din si Thyme sa mga sinabi nito kaya natawa na din ako.
" Loko. , wait lang cr lang ako Lyth",sabi ko sa kanila sabay punta sa cr. Napaisip ako kung bakit ako sumunod sa cr at parang nahypnotise ako ng lalaking kaninang kumindat sa akin.
Pag pasok ko ng cr. ay wala ng tao?,dumiretso ako sa cubicle at umihi.
"Nakapagtataka naman, ambilis naman nun?!" sabi ko sa sarili ko. Iniangat ko ang ulo ko at humarap sa pader. Nagulat nalang ako ng may nakita akong number na nakasulat sa pader at may pangalan sa ibaba na nakalagay na BOY KINDAT!!!!Nanlaki ang mga mata ko, walang ano anu'y kinuha ko ang number at sinave sa cp ko.
Pag balik ko sa table namin ay nagsimula na kaming uminom. Well, every weekend naman namin itong ginagawang tatlo since malapit na kami grumaduate eh sinusulit lang namin ang mga panahon magkakasama pa kami.
" Shetttt!, lashing na akooo"- sabi ni Thyme na halatang pulang pula na sa kalasingan.
" Hahahahaha , ang panget mo bugok!!." pang aasar ni Lyth sabay hampas ng malakas sa akin habang tumatawa siya.
" Naku umuwi na nga tayo, at nakarami na din tayo saka 3am na ,ako na magdadrive"- pag aalok ko sa kanila. Sa aming tatlo, ako lang ang hindi gaanong lasing dahil panay ang text ko sa number na kanina ko pa tinitext pero ni isang hi/ hello man lang ay walang pagkarelpy.
Umalis na kami sa bar, una naming hinatid si Thyme , sa iisang subdivision lang sila nakatira nitong besfriend kong si Lyth. Nang makarating na kami sa bahay nila Lyth, ay tinulungan na ako ni kuya Bong i-park yung kotse ni bes at ako naman ang nagdala sa kanya sa kwarto niya.Nang nakita kong okay na siya ay pumunta na din ako sa kwarto ko. Yes, may sarili akong kwarto dito, pinagawa nila tito at tita, unica ija lang kasi si Lyth at bilang bestfriend nya since elementary days pa namin, tito and tita decided to make another room for me since they treat me like their own son na rin. Napakaswerte ko sa kanila, kami ni mama.
"TooT .... TooT .... TooT"
nagvibrate ang phone ko, hindi ko muna pinansin ito. Nang makarating na ako sa kwarto ko at humiga sa kama, binuksan ko na ang phone ko.
"Unknown number? sino kaya to?" tanong ko sa sarili ko, binuksan ko kaagad ito na nagulat ako sa nabasa ko.
Unknown number:
miss me, my FUBU?;)
Bigla akong nanlamig,para akong binuhusan ng malamig na tubig na kinawala ng lasing ko.. Shetttt!!!! Paano??Arrrggghh!!!!
Subscribe to:
Posts (Atom)
Ang Textmate - Part 4: Care
Medyo masakit pa din ang ulo ko, kasi naman kanina kasabay pagkagulat ko kay grey ay ang pagkahulog ko sa lapag at nauntog pa ulo ko sa pade...
-
"Kyaaahh!!! Eros ano baaaa! hahaha! " di ko mapigil ang mga tawa ko habang nakasakay ako sa likuran niya at siya naman tumatakbo...
-
ilaw ng ibat ibang gusali ang nakikita ko ngayon... hindi ko alam kung kakausapin ko ba sya o hinde dahil sa nkikita ko, mukhang seryoso sya...
-
"Pumasok kana agad sa room mo bunso ah? Baka kung saan saan ka nanaman pupunta.." Paalala ni kuya dexter sa akin... " at saa...