Showing posts with label Moving On. Show all posts
Showing posts with label Moving On. Show all posts

Aksidenteng Pagibig - Chapter 5: The Start

Pagpasok ko ng bahay namangha ako dahil mas lalo itong gumanda since bagong renovate ito. Buti na lang at walang nagre-rent ngayon. I have the house all to myself. Sinalubong ako ng caretaker ng bahay na si Aling Sonia. "Hello Manang. Kamusta po?" Bati ko sa kanya. "Okay naman Meg. Inayos ko na ang kwarto mo. Tumawag kasi si Ma'am Linda na darating ka raw." Sabi niya. Matagal na siya ditong caretaker. Sa tingin ko siya pa nga ang nag-alaga sa akin no'ng bata pa ako. "Sus, si Mama talaga. Thank you po." I sincerely said. "May kailangan ka ba?" Tanong niya. "Wala naman na po." "Oh sige. Tawagin mo na lang ako kung may kailangan ka, nasa kabilang bahay lang kami." "Sige po." I've always loved this place. Noong nawala si Papa, nagdesisyon si Mama na ibenta na lang ito pero hindi ako pumayag. This was Papa's favorite place and mine too. Gawa ito mostly sa kahoy at nasa mas mataas na lugar which makes it an ideal place for a vacation. Umakyat ako sa kwarto at doon inilagay ang mga gamit ko. Gosh, I missed this place! And I miss Papa too. I've always been my Daddy's girl. Nahiga ako sa kama ko at nagpahinga. I stared at the ceiling. It's been several months since I've been here. The last time I was here was because Jon and I had a terrible fight about something I can't remember and I don't want to remember. Ito na yata ang takbuhan ko sa tuwing nagkakaproblema kami ni Jon. Muling nangilid ang mga luha ko. Why do I keep crying for that stupid guy? Pinunasan ko ang mata ko nang marinig kong tumunog ang sikmura ko. Hindi pa nga pala ako kumakain. Gutom na yata ang mga alaga ko. Naisipan kong bisitahin si Uncle Joey, kapatid siya ni Papa at mayroon siyang restaurant dito sa Baguio malapit sa Mines View Park. Natatakam tuloy ako. I grabbed my jacket and purse. I hesitated to bring my phone because I am tempted to reply to Rick's text message but I brought it anyway and drove to the restaurant. Pagpasok ko doon ay hinanap ko agad si Uncle. He's usually here manning the business. He's such a hands-on guy. Nakita kong busy siya sa pag-o-orient sa mga staff niya. "Hello Uncle." I greeted him. "O Meg! Nandito ka. Kelan ka pa dumating?" The look of shock is evident on his face. "Kanikanina lang po." Sagot ko. "Sino kasama mo?" "Ako lang po." "'Di ka man lang nagpasabi, hindi ko tuloy nabili 'yong ingredients ng favorite dish mo." "Okay lang po Uncle." I answered shyly. "Hanggang kelan ka ba dito para maipabili ko." "Hanggang Friday pa naman po." "Okay. Good. Good. Oh anong gusto mong kainin?" Sabi niya. Excited din siya na nandito ako. "Spaghetti po." I am a sucker for spaghetti and meatballs at nandito ang pinakamasarap na spaghetti na natikman ko. "Ah, sige, ipahahanda ko. And latte right?" Tanong niya. Alam niya kasing gusto ko itong kapartner ng spaghetti. "Yes please, uncle." Sagot ko kasabay ng malaking ngiti.He knows me well. "Sige. Dito ka na kumain hanggang Friday." "Pero.." "Walang pero pero. Basta dito ka kakain." There's really no point in arguing with this man. Gusto niya na dito ako lagi kumain pag nasa Baguio ako at hindi niya ako pinapabayad kahit anong pilit ko. He's like a father to me and I'm still lucky despite everything.

Aksidenteng Pagibig CHAPTER 4: Moving on

Kinabukasan, maaga akong pumunta sa boutique dahil maraming orders ngayon. Nagpaka-busy ako. Pagkatapos doon ay dumiretso na ako sa opisina. Pero kahit busy ako, pareho kong hinintay ang text o tawag ni Jon at Rick. Pero wala. Ano ba namang buhay to? Focus, Meg. Focus! 'Wag kang needy! Okay. Forget about Jon because he's no longer welcome in my life. We are so through. Si Rick na lang kaya? Umaasa akong mag-text si Rick. Ngunit natapos ang araw na hindi siya nagparamdam. Lumipas ang ilan pang mga araw pero wala pa rin. Siguro ay hanggang doon na lang iyon. Nanghihinayang ako. Deep inside, akala ko siya na ang sagot sa kalungkutan ko. Bakit kasi hindi ako nagpahatid? Baka nasobrahan kasi ako sa pakipot! Nabalot ako ng lungkot. Kahit ang tingin ng iba ay malakas ako, pag-uwi ay umiiyak pa rin ako. I feel so empty. Gusto kong makalimot. Gusto kong magsimula ulit. Paano ba ako makakalimot? Naisip kong magbakasyon. Matagal na rin naman akong hindi nakapagbakasyon. Ito yata ang kailangan ko. Kaso saan naman ako pupunta? Naisipan kong i-text ang mga kaibigan ko. Ngunit para bang nag-usap-usap sila at lahat sila busy. I felt sad pero naintindihan ko sila. We all have our own careers. We are all grown ups. Ganoon talaga. I've been to almost every tourist destination here in the Philippines. Perks ito ng pagiging editor-in-chief ng isang magazine company. Kaya naman compensated talaga ang lahat ng efforts ko. 'Yon nga lang, pagnagkakayayaan magbakasyon ay wala na tuloy akong maisip na puntahan. Matagal na naming pinaplano ng mga kaibigan ko na pumuntang Batanes ngunit hindi magkasabay-sabay ang mga schedule namin. Nakapunta na ako doon pero gusto kong bumalik ulit na kasama sila. Kung sana ay pwede sila ngayon, kaso hindi. Doon ako nalungkot. Saan na nga ba ako pupunta? I really wanted to go to Batanes though pero hintayin ko na lang na magkakasabay kami ng friends ko. Wala akong maisip. But if I stay here baka maloka ako. I really need to leave this place for a while. I need a retreat. Ang arte mo Megan! Pwede ba?! Eh basta, alam kong kailangan ko 'to. Uuwi na lang ako sa Baguio. I'll take the car and drive there. Of course! I miss that place and I do want to escape this summer heat. Nakakainit ng ulo lalo. Okay. Baguio it is. Pagkatapos ng trabaho ko ay tinawagan ko si mama upang tanungin kung may nagre-rent ba ngayon doon. Noong mamatay kasi si Papa pinaparentahan na namin iyon from time to time since ayaw naman tumira doon ni Mama dahil naalala niya daw si Papa palagi. "Hello, Ma?" I tried to sound cheerful but failed. "Meg? Kumusta?" Nabigla yata siya at napatawag ako. Na-guilty tuloy ako at ngayon lang ako tumawag. "Okay lang, Ma." I went straight to the point. "May nagre-rent ba ngayon doon sa bahay natin sa Baguio? Pwede ba akong magbakasyon muna do'n?" "Walang nagre-rent do'n ngayon dahil katatapos lang no'n i-renovate. Bakit Meg? Anong problema?" Tanong niya. Na-sense niya yata. "Wala naman po." I denied. "Meg, kilala kita. Sa tuwing may problema ka pumupunta ka doon. Anong problema?" "Wala po talaga." "Mama mo ako Meg. Pwede mong sabihin sa 'kin." "Hay, okay." Napabuntong hininga na lang ako. Kilalang kilala talaga ako ni Mama. "Wala na kami ni Jon." "Hay salamat naman at natauhan ka na." Natawa na lang ako sa sinabing 'yon ni Mama. She never liked Jon. Noong una ko siyang pinakilala kay Mama sinabi niya na sa akin na ayaw niya kan Jon kaso hindi ako nakinig. Ayan tuloy. "I know, Ma. You told me so, Right?" Sabi ko. "Yes. Mothers know best." "I know, Ma. Gusto mo po sumama?" "'Wag na Meg, malulungkot lang ako doon dahil mami-miss ko na naman ang Papa mo and besides I think you need some time alone." "Yeah. I think so too, Ma." Next week pa ang scheduled vacation ko kaya may time pa para tapusin lahat ng dapat kong gawin. Ito ang kailangan ko para maka-move on. I need to be alone. Soul searching ang peg ko ngayon! Kaya ko 'to at tsaka I've always been a solo traveler. I'm an independent woman. Pero sana pagbalik ko okay na ang lahat. Okay na ako. I promised myself that I will forget about Jon. At si Rick naman ay isa na lamang magandang panaginip. Anyway, okay lang, baka hindi pa talaga siya ang The One. Tinanggap ko na wala na munang lalake sa buhay ko. Who needs a guy anyway? They're such a pain in the ass! The whole week inayos ko lahat ng maiiwan ko. I asked Rem to look over the business habang wala ako. I made sure na walang istorbo sa bakasyon ko. Sa Baguio ako lumaki pero hindi ako nagsasawang magpabalik-balik doon. I always feel excited whenever I am visiting there. "Sure ka ayaw mo kaming isama?" Tanong ni Rem. "Gusto ko kaso busy naman 'yong iba tsaka kailangan ko 'to." Sagot ko. "Loner ka talaga." She teased me. "Kasalanan niyo kasi ayaw niyong sumama." "Gusto ko sana kaso walang magbabantay kay Carly at tsaka dito sa shop mo." She said 'shop' in a shouty way at inirapan niya ako. Natawa ako sa kanya. "Yeah, you're right. Stay here and take care of my shop while I take a vacation!" Pang-aasar ko. "See? Ginawa akong caretaker." She snorted. "Haha. I'll see you all when I get back." Maaga akong bumyahe papuntang Baguio. I decided to take my car instead of riding a bus dahil mas matagal ang byahe pag gano'n. This way, I can pack generously at saka convenient din na magkotse dahil madami na naman akong dalang pasalubong pabalik for my staff and friends. I remember the first time I went there by car, I was so nervous that I might fall off the cliff but now, I know the way like the back of my hand. On the way to Baguio, I have to stop several times dahil naiiyak ako sa tuwing pumapasok sa isip ko ang ginawa ni Jon. I felt pathetic! Dahil dito mas matagal ang travel time ko. Nilakasan ko na lang ang radyo at nagpatugtog ng mga encouraging songs like I Look So Good Without You and F*ck you by Lily Allen. Oh 'di ba? Malapit na ako sa Baguio nang marinig ko na may nag-text. And this time, hindi na ako nag-expect pa kung sino. Hindi ko rin ito tiningnan dahil nagda-drive ako. Nasa Kennon Road na ako at ayokong mahulog sa bangin dahil lang sa isang text no! I kept driving hanggang sa makarating ako sa bahay namin. I have like ten messages when I checked my phone and one of them is from Rick. Himala! Hindi ko alam kung matutuwa ako o malungkot. "Hey, sorry ngayon lang ako nagtext. Nagkasakit si Dad eh, I took over the business muna. Where are you? Can we meet?" Text niya. Hindi na ako nagreply. Huli ka na. Nawalan na ako ng gana sa kahit sino sa kanila. It's never gonna work anyway. Right? I tried to convince myself while I wallow in self-pity and what ifs. I put my phone somewhere hidden as I entered the house.

Aksidenteng Pagibig - CHAPTER 3: Second Sight

Pinilit kong bumangon kinabukasan. Pagdilat ko pa lang ay naisip ko nangg tawagan si Jon upang kumprontahin siya at hingan ng explanation pero nanalo ang pride ko. Anong explanation pa ba ang gusto ko? Nakita mo na nga Meg sa kama, 'di ba? 'Wag kang tanga! Hindi ko siya kailangan sa buhay ko. Kailangan kong patunayan sa kanya na kaya kong wala siya. Na nagkamali sya nang ipinagpalit niya ako sa iba. Peste! Bakit niya ako pinagpalit do'n? What did I do wrong? Wala na yatang matinong lalake sa mundo ngayon. Tulala ako nang ybiglang nag-ring and cellphone ko. Isang numerong walang pangalan ngunit alam na alam ko kung sino ito. Si Jon. Malamang napagtanto niya na na ako ang nakaiwan ng pinto na nakabukas at ng groceries sa labas ng apartment niya. Tatlong beses siyang tumawag. Bawat tawag niya ay kina-cancel ko. Letse! Walang hiya siya. Tatawag-tawag pa. Bistado kana! Ulol! Mas nag-effort akong mag-ayos ngayong umaga. Mas matagal akong naligo, pinatuyo ang buhok at naglagay ng kulot sa dulo. Nagsuot ako ng light yellow dress, high heels at naglagay ng ibang shade ng lipstick. Maganda ka naman, makakahanap ka pa ng iba d'yan. Sabi ko sa malungkot na babaeng nakatitig sa salamin. Bumuntong hininga na lang ako. Dumating ako sa pinagtatrabahohan ko at dumiretso sa office ko. Ako ang Editor-in-Chief ng Elegant & Chic, isang sikat na fashion & lifestyle magazine sa Pilipinas. At the age of 25, maliban sa trabaho ko may sarili na rin akong business and I am a published writer. Despite all these, I try so hard to keep my feet on the ground. Pagdating ko may nakahandang kape sa desk ko pero hindi ko ito pinansin. Nagsimula agad akong itapon ang lahat ng bagay na galing kay Jon at lahat ng bagay na magpapaalala sa akin sa kanya. Sumilip ang assistant ko sa pinto. "Ma'am okay lang po kayo? Kailangan niyo ng tulong?" Tanong niya. "Hindi. Kaya ko na to." Sagot ko nang hindi tumitingin sa kanya. Naglaho siya sa likod ng pinto. Pagkalipas ng ilang minuto, bumalik ang assistant ko na may dala dalang bouquet ng bulaklak habang nakangiti. "Flowers for you ma'am!" Sabi niya. "Kanino galing yan?" Napakunot noo ako. "Malamang kay Sir Jon po." Automatic na sagot niya na medyo ikinainis ko. "That's not possible. We just broke up." Agad kong sagot. Shit! I didn't intend to say that out loud. Bigla siyang napatingin sa akin na para bang may nasabi siyang masama. "Sorry ma'am, hindi ko po alam." "Okay lang. Paki-check ang card." Utos ko sakanya. "Rick daw po Ma'am." Sagot niya. Napataas ako ng kilay. Rick? As in Rick from from the restaurant last night? Pa'no niya nakuha ang address dito? "Akin na." Sabi ko sakanya. Hi! Cheer up and call me. - Rick My nakalagay na cellphone number sa baba nito. Tinawagan ko ang numero at sumagot siya sa ikalawang ring. "Hello? May I please speak to Rick?" "Yes, this is Rick." "Yes. Uhm.. this is Megan." "Hi! Did you get the flowers?" He answered cheerfully. "Yes, which is why I'm calling. Pa'no mo nakuha ang address na 'to? Stalker ka ba?" Tanong ko at hindi ko na itinago ang inis sa tono ng boses ko. "Wait. Hindi. Hiningi ko doon sa may ari ng resto. Nabanggit mo kagabi na kilala mo ang may ari. Remember?" Paliwanag niya. "Hmm.. Well.. Thank you." Sagot ko.

Aksidenteng Pagibig - CHAPTER 2: The First Sight

Marahil ay sa sobrang sakit na naramdaman ko kaya hindi ko alam kung paano ako nakarating sa apartment ko. Nakatulog yata ako dahil pag-gising ko ay alas singko na nang hapon. Pagbangon ko ay tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Damn! I look horrible! Mugtong mugto ang mga mata ko. It's practically Chinese! Narinig kong tumunog ang sikmura ko. Hindi pa nga pala ako kumakain simula kaninang umaga. Usually, nagluluto ako ng sarili kong pagkain sa apartment pero ngayon parang gusto kong kumain sa aking paboritong restaurant. Gusto kong lumamon! I need comfort food! Ang saklap ng pangyayaring ito sa buhay ko. Ni minsan ay hindi ko naisip na mangyayari ito sa akin. Ngayon pa talaga? Sinubukan kong mag-ayos ngunit wala na yata akong magagawa para sa namumugto kong mga mata. Naglagay na lang ako ng sunglasses at pumasok nang nakayuko sa restaurant. Umupo ako sa isang sulok malapit sa bintana na malayo at nakatalikod sa mga tao. Ayaw kong may makakita sa kalagayan ko. Nakatitig lang ako sa bintana at nag-iisip ng next move ko nang biglang umulan nang napakalakas. Bwesit, sino may pakana nito? Nakakasenti pa lalo ang panahon! Tinanong ko ang sarili ko kung bakit nangyari ito sa akin. Hindi ko alam ang sagot. Sa loob ng limang taon inakala ko na si Jon na ang makakatuluyan ko pero hindi pala. Kailan pa ba niya ako niloloko? Hindi ko na napigilan at naluha na ako. Kebs na kung may makakita sa akin ngayon. I just don't get it. Naging mabuti akong girlfriend kay Jon. Pinaglaanan ko siya ng mahabang panahon. Limang taon din 'yon! Hindi man lang niya ito pinanghinayangan. I did not see this coming. I let my guard down. I trusted him too much despite the doubts I have. Kaya pala halos wala siyang time para sa akin dahil may iba siyang kinakalantari! Gago ka Jon! Nagpakatino ako pero niloko niya ako. Parang gusto kong maglupasay dito sa restaurant! Saan ba nanggagaling ang sakit na nararamdaman ko? Hawak-hawak ko ang cellphone ko upang i-delete lahat ng mga nakasave tungkol kay Jon nang naramdaman kong may lalakeng nakatayo sa tabi ko. Ano bang kailangan nito sa akin? Nagsesenti ako dito eh! Tiningala ko siya upang malaman kung sino. Pagtingin ko, isang lalakeng matangkad, medyo kulot at magulo ang buhok, matangos ang ilong, at may maamong mukha. His attractiveness immediately caught my eyes. Pero wala ako sa mood na magpa-cute sa kanya ngayon. "Anong kailangan mo?" May halong inis ang tanong ko sa kanya at nangunot ako ng noo to emphasize that he's invading my personal space. "Sorry miss, napansin kasi kitang umiiyak. Is everything okay?" Seryosong tanong niya. Now he has crossed the line. Pake nito! Nainis ako lalo sa tanong na niya. Okay?! Hindi ako okay! Pero sinagot ko parin ito. "Yeah, okay lang, napuwing lang ako. Don't mind me." Sabi ko, pero what I really mean is, lubayan mo ako. "Talaga? Eh parang umiiyak ka eh." Sabi niya nang walang halong biro. Hindi ako sumagot. Ano bang pakialam ng lalakeng ito? Leave me alone! Gusto ko lang mapagisa. Nahalata yata ng lalake na nainis ako. "I'm sorry. Am I creeping you out? I'm Rick." He held out his hand to me for a hand shake. "Megan." I said hesistantly. "Hi, Megan. May kasama ka dito?" Tanong niya. Ay meron, 'yong multo ng lola ko ang nakaupo dito! Sabay kaming kakain!Umaandar na naman ang pagkapilosopo ko mabuti at sa isip ko lamang ito nasasabi. Sa halip ay "Wala" ang naisagot ko sa kanya. "Great. Mind if I join you for dinner? Parang kailangan mo ng kausap eh." Ngumiti sya. Napansin ko agad ang magandang ngipin niya. I have a thing for men with great teeth kasi "Uhm.." Nagdalawang isip ako dahil gusto ko sanang mapag-isa. "Sige na?" Sabi niya. Gusto kong tumanggi kaso mapilit siya and his smile is so inviting. "Okay." Sagot ko at napabuntong hininga na lang ako. Dali dali siyang umupo sa bakanteng upuan sa harap ko. "Did you order already?" Tumango lang ako sabay sabing, "Yeah." Sumilip ako sa cellphone ko pero ang totoo nagsasalamin ako. Packing tape! I look awful! Bakit ngayon pa. Nakaka-conscious! "Then we'll just wait." Sabi niya. Sabay kaming kumain. He seems nice pero wala talaga ako sa mood na magsasasalita. Nahihiya rin ako sa kanya. Ang dami pa naman niyang tanong. Wala akong ideya kung bakit nakikipagusap sa akin ang lalakeng ito. Naaawa lang ba siya sa akin? Nakakatawa siya at charming. Hindi rin non-sense ang mga pinagsasabi niya. The way he talks is so classy. May pagkakonyo pero in a good way, hindi pilit. Halatang mataas ang pinag-aralan at hindi pipityugin. Masaya siyang kausap pero kailangan ko nang umalis dahil ang sama ng pakiramdam ko. Ikaw ba naman makakita ng live show at 'yong boyfriend mo pa ang bida! Sumasakit ang dibdib ko, literally! Nagpaalam ako sakanya at dali-daling umalis. Nakarating ako sa apartment ko nang hindi ko namamalayan. Lutang pa rin ako. Dumiretso lang ako sa higaan ko. Parang lalagnatin yata ako. Niyakap ko ang blanket ko at ang stuffed-toy sa tabi ko. Naalala ko si Jon, bigay niya nga pala ito sa akin. Dahil dito, pinagbubugbog ko ang walang malay na laruan. Bukas ay susunugin ko ang lahat ng binigay niya saakin. Ano kaya ginagawa niya ngayon? Malamang kasama niya pa rin ang babaeng iyon. Are they still in bed right now? Damn it! I tried thinking about other things but the pain just won't go away. It hurts like hell! Naisip ko ang lalakeng nakilala ko kanina, si Rick. Okay naman siya. Medyo naiilang lang ako dahil pakiramdam ko ang panget ko kanina. Hell, that was my lowest of lows. The guy I just met had the aura of sophistication in him. The way he dressed, the way he talked and the way he acted- just perfect. Kung nasa timing lang sana, I would have stayed there and chat. Maybe exchange numbers and who knows?

Aksidenteng Pagibig CHAPTER 1: The Cheating Bastard

"Busy ako sa work baka hindi na ako makapunta diyan." Malamig ang tono ng panalilita ni Jon. Hmmm.. Bakit kaya? "Linggo ngayon ah? And it's our anniversary. Fifth anniversary! Don't you care?" Mariin ang tanong ko sa kanya. Parang gusto kong maghuramentado ngayon dito sa apartment. "Pinatawag ako ni boss eh." Automatic na sagot niya. "Oh di pa'no anniversary natin?" I don't wanna sound like an irate mother but I can't help it. Sobrang naiinis ako. "Babawi na lang ako pag hindi na busy." He said and then hung up. What? So that's it? I can't believe it! I got stood over. This is not the first time he took me for granted over work. Nakakainis! Excited pa naman ako dahil akala ko magde-date kami ngayon ni Jon. I haven't seen him for almost a month now. Palagi na lang trabaho ang inaatupag niya. I mean, I'm busy too but when it comes to him I always make time. He's been in and out of the country lately kaya mas lalong hindi kami nagkikita. Pero kahit madalas ang pagtatampo ko sa kanya sinusubukan ko pa rin siyang intindihin tutal busy rin naman ako sa trabaho at ayoko naman maging makulit na girlfriend. But this is too much, it's our anniversary today! Minsan naisip ko na baka may iba na si Jon. Na baka may nakilala na siyang iba sa pagta-travel niya. Arghh! Ayan ka na naman Meg! Busy lang 'yong tao! Natatandaan ko na sinabi niya na he's working hard for our future. Somehow, that thought made me feel better. Ngunit nitong mga nakaraang buwan hindi ko maipaliwanag kung bakit kinukutuban ako ng masama. It's like my instinct telling me that something bad is about to happen but I always dismiss that thought. I trust him at sobrang nami-miss ko na siya. I have to see him. Hindi ako mapakali. I have to do something. Naisipan kong puntahan na lang siya sa apartment at doon ay hintayin ang pag-uwi niya. I'll surprise him. Maybe we can still celebrate. Pumunta ako ng grocery store at namili ng ipanghahanda. I know he likes my cooking. Especially my version of Chicken Pesto Pasta. Matulin ang patakbo ko ng kotse papunta sa lugar ng apartment ni Jon. Ibinaba ko ang mga dala ko at inilapag ito sa sahig sa tapat ng pinto. Hindi ako kumatok dahil alam kong wala naman siya at nasa trabaho pa. But I know where he puts his spare key. Sa ilalim ng floormat! Inangat ko ang floormat ngunit wala dito ang susi. Hmmm.. He must have moved it because I warned him before na baka makuha ng magnanakaw. Kinapa ko sa sulok ng pinto kung saan nakita ko siya minsan na kinuha dito. Ngunit wala rin dito. Hmmm.. Sinubukan ko sa kabilang sulok at doon ay nakuha ko ang susi. Yes! Pagbukas ko, napansin ko agad ang isang pares ng pulang stilletos katabi ng sapatos ni Jon. WTF? Kinabahan ako. That is definitely not his Mom's shoes. She can't possibly wear a 5-inch stilletos! And he doesn't have a sister either! There's definitely something wrong here. Nagdahandahan ako papuntang kusina. Unti unti ay may naririnig akong tunog ng TV and what the hell is that other sound? Ungol ng isang babae!? Nanggagaling ito sa kwarto ni Jon. Something told me not to continue and just walk away but I went on anyway. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Pagtapat ko sa kwarto niya ay nakita kong bahagyang nakasara ang pinto nito. Sumilip ako rito at tumambad sa akin ang hubo't hubad na katawan ni Jon at ng isang babae habang nagtatalik ang mga ito. Shit! Uminit ang mukha ko sa galit. Tinakpan ko ang aking bibig upang hindi ako mapasigaw at saka unti-unting napaluha habang nasa likod ng pintong naghihiwalay sa akin mula sa hubad na katotohonan. Napaatras ako at dali-daling tumakbo palabas. Parang umiikot ang paningin ko. He's been cheating on me! He's been cheating on me all this time! Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa kotse ko. Basta pinaharurot ko ito nang hindi alam kung saan tutungo. Gusto ko lang makaalis dito. Hindi ko namalayang napakabilis pala ng patakbo ko sa kotse. Patuloy ang pagbuhos ng aking luha at halos hindi ko na makita ang daan. Bakit nangyayari ito sa akin ngayon? Nasa intersection ako nang biglang may nagbanggaan na ten wheeler truck at isang matulin na sasakyan. Hindi ko na ito pinansin. I have my own battle going on inside my head. Nagpatuloy ako sa pagmamaneho.

Ang Textmate - Part 4: Care

Medyo masakit pa din ang ulo ko, kasi naman kanina kasabay pagkagulat ko kay grey ay ang pagkahulog ko sa lapag at nauntog pa ulo ko sa pade...