Ang Ex Boyfriend Kong Step Brother - Story 10
"Kyaaahh!!! Eros ano baaaa! hahaha! " di ko mapigil ang mga tawa ko habang nakasakay ako sa likuran niya at siya naman tumatakbo. Grabe , feeling ko ang bigat ko pero bakit ang isang to di man lang napapagod? Kung kargahin niya kasi ako parang ang gaan ko.
Ang sarap sa feeling yung gantong sinasalubong niyo ang hangin ng magkasama. Yung buhok mong tumatabon sa mukha mo dahil sa lakas neto.
Andito kami ngayon ni Eros sa pinakapaborito naming tambayan, dating zone, at stress reliever place. Siya ang unang nagdala sakin dito. Unang punta ko palang dito, sobrang namangha ako sa ganda ng lugar, cool and green, malamig at presko yung hangin, saka walang tao.
A perfect place to escape from the city, from problems and stress. Pag nakikita ko ang lugar nato naaalala ko si Eros at nararamdaman ko kung paano niya alisin lahat ng hinanakit ko at pagaanin ang loob ko just like how this place comforted me.
Masarap tumambay sa lugar nato lalo na kung kasama mo yung taong mahal mo. Pakiramdam ko, sa lugar nato malaya kami, walang bawal sa pagitan namin ni Eros. At sa lugar nato malaya kaming iparamdam kung gaano namin kamahal ang isat-isa.
Magkasama kaming nakaupo sa telang nilapag namin sa may damuhan dito sa ilalim ng puno. Nasa likuran ko siya at ako naman nakaupo at nakasandal sa may chest niya. He wrapped me with his arms at pinatong niya ang mukha niya sa ulo ko.
"I love you hon. Mahal na mahal kita. Sobra pa sa sobra at higit pa sa higit. " napangiti nalang ako. His simple words brings warmth inside me. Isang taong nagngangalang Eros lang ang nakakagawa nun.
"I love you more babu. " Natawa ako ng maalala yung tawagan namin dati.
"Babu?! " pagmamaktol niya.
Flashback...
"Babe? " suggest ko.
"No masyadong common at tawagan ng mga lumalandi lang. " pagrereklamo niya.
Hayst bakit di nalang siya ang mag isip noh? Pinapahirapan talaga ako ng isang to eh. Pwede namang Erin at Eros lang.
"Ang arte mo baby, sweetie, darling, hubby. Why don't we just ignore that call sign thingy. " pagrereklamo ko din.
He gave me a quick smack on my lips.
"Stop complaining and keep on suggesting. " hilig niya talaga magnakaw ng halik eh noh?
I pouted at nag isip ulit. Then suddenly... Tadahhh! I thought of a bright idea.
"Bakit di kaya....... Ikaw naman ang mag isip? " then i rolled my eyes at him.
Bahala siya. Andami ko ng sinabi puro siya No Nah hindi ayaw! Sinearch ko pa yun sa google eh.
"How can I? I couldn't think coz you're occupying my mind ." Banat niya sabay wink. Peste. Bakit ako kinikilig?!
Mahina ko siyang binatukan. "Keso mo babu. " actually dapat baby yun ewan ko bakit naging babu ang pagkakabigkas ko.
"Babu? No. Ampanget. " nag inarte siya sa harap ko and I find it cute.
"Babu! Babu! Babu na! " pang-aasar ko lalo sabay tawa.
"I said not that. "
"Babuuuu!!!! " sabay pa cute. Yung parang sa kpop? Aegyo-aegyo? Hahahaha!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Textmate - Part 4: Care
Medyo masakit pa din ang ulo ko, kasi naman kanina kasabay pagkagulat ko kay grey ay ang pagkahulog ko sa lapag at nauntog pa ulo ko sa pade...
-
Nanatiling palaisipan sakin kung panong nanyari yon at kung sino ang nag mamay ari ng apoy na nakita ko.. kailangan kong balaan si andrew n...
-
ilaw ng ibat ibang gusali ang nakikita ko ngayon... hindi ko alam kung kakausapin ko ba sya o hinde dahil sa nkikita ko, mukhang seryoso sya...
-
"Kyaaahh!!! Eros ano baaaa! hahaha! " di ko mapigil ang mga tawa ko habang nakasakay ako sa likuran niya at siya naman tumatakbo...
No comments:
Post a Comment