Ang Ex Boyfriend Kong Step Brother - Story 25
I immediately jumped into my car and drive. Wala akong pake kung grounded ako. I want to see Erin and we'll breath fresh air together. Naaawa ako sa pinsan ko. Nagmahal lang siya hindi sa maling tao kundi sa maling pagkakataon. She doesn't deserve this. I'm sure she's so down right now.
Bago ako pumunta sa bahay nila dumaan muna ako sa starbucks. I want to buy something for her. I went to the counter and ordered her favorite cake.
"HOY MONTEL! " dahan-dahan akong napalingon when a mushroom from a table shouted.
I want to make sure na ako nga ang tinatawag ng eskandalosang to sa apelyido ko. At di nga ako nagkamali.
I just ignored her at inayos nalang ang shades ko. No time for pests at baka madagdagan na naman ang issue ko right now.
She suddenly grabs my arm kaya napaharap ulit ako sa kanya. Bastos to ah.
Wait she's familiar...
"Grabe ka! Ang sama talaga ng ugali mo. " ahhh... Siya yung nagthreat sakin na papatayin ako.
I just gave her my bored look. She's with her sister I guess? Panay awat ito sa kanya. Medyo matino pala kapatid neto. Unlike her older sister na may saltik.
"Oh hi Maiko's die hard fan. " Mabait kasi ako kaya pinansin ko na siya with matching fake smile pa. Diba yan ang gusto niya? Ang magpapansin?
"Who gave you the damn permission to touch me? " I added at inalis ang magaspang niyang kamay sa makinis kong balat.
Tumawa siya na parang baliw sa harapan ko at dinuro ako.
"Ako lang naman ang number one hater mo. I threatened you sa twitter mo kasi sobrang sama ng ugali mo. Hindi ka dapat iniidolo! Tadhana nga naman oh pinagtagpo tayo! " I looked at her face na namumula na.
Ang pangit niya. Dagdag mo pa yung ilong niyang bumubuka buka at yung mata niyang parang lalabas na.
Pahabol yung tenga niyang umuusok na.
At proud pa siyang ipakilala sakin ang sarili niya.
"Oh? Then so what? Do you expect me to be afraid? Nalabas mo na ba lahat ng hinanakit mo sakin? May pupuntahan pa kasi ako eh kaya ibuhos mo na habang andito pako. "
"Napakayabang mo!!! "
Mas lalong umusok ang ilong niya at agad lumipad ang palad niya para sampalin ako pero naunahan kong hilain ang buhok niya sabay pilipit ng mga kamay niya sa likod.
Nagsilabasan na naman ang mga camera. Part 2 scandal ba kamo? I like it. Ayusin sana ng mga hampas lupa na to ang pag video at ng mairepost ko. May naiisip na kasi akong caption eh.
Saktong inilapag ng cashier ang cake ko sa counter kaya sinubsob ko ang mukha niya doon. Nagmamagaling kasi.
"Ayan like Idol like fan. Sana masaya ka na ngayon na instant fame ka na. To tell you, I don't care who you are. No. One. Dares. To. Mess. Up. With. Me. You deserve it. " may diin kong bigkas sa kanya para isampal sa kanya ang katotohanang tanga siya.
Binitawan ko siya at sumalampak siya sa sahig. Agad naman siyang tinulungan ng kapatid niyang nanginginig sa takot.
Panira siya ng mood.
Pupungas-pungas siya habang pinupunasan niya yung mukha niyang puro icing. Nadapa pa siya nung sinubukan ulit akong sugurin. Ang tanga talaga.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Textmate - Part 4: Care
Medyo masakit pa din ang ulo ko, kasi naman kanina kasabay pagkagulat ko kay grey ay ang pagkahulog ko sa lapag at nauntog pa ulo ko sa pade...
-
Nanatiling palaisipan sakin kung panong nanyari yon at kung sino ang nag mamay ari ng apoy na nakita ko.. kailangan kong balaan si andrew n...
-
ilaw ng ibat ibang gusali ang nakikita ko ngayon... hindi ko alam kung kakausapin ko ba sya o hinde dahil sa nkikita ko, mukhang seryoso sya...
-
"Kyaaahh!!! Eros ano baaaa! hahaha! " di ko mapigil ang mga tawa ko habang nakasakay ako sa likuran niya at siya naman tumatakbo...
No comments:
Post a Comment