Ang Ex Boyfriend Kong Step Brother - Story 5

Nagising ako sa bango ng amoy sa paligid. Pagkain yun ah. One of my favorite I'm sure of it.. Minulat ko ng dahan-dahan ang mata ko at napapikit ulit ng biglang kumirot yung ulo ko. Ahhh... Ang sakit ng ulo ko. Parang mabibiyak. Hindi ako first timer sa alak pero first timer ako sa hard liquor. Bakit kaya yun nainom ko? Hinilot ko muna ang ulo ko at muling minulat ang mga mata ko. Nasa kwarto nako. Paanong...? "Good morning. " nanlaki ang mata ko sa narinig ko mula sa gilid ng kama ko. Nakita ko si Eros na nakaupo at may hawak na bowl ng ewan ko. Hinahalo niya pa to saka ako tinignan. Bakit di ko siya nakita agad? "Bakit ka nandito? " tanong ko sa kanya at dahan-dahang bumangon. Pilit kong inalala yung nangyari at paano ako napunta dito. "Kasi pumasok ako. " pilosopo niyang sagot kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Seryoso ako. " pero imbis na umayos siya ng sagot, parang wala lang siyang pake. Tinignan ko ang sarili ko. Ganun parin naman ang suot ko. "Kala mo may ginawa ako sayo? Assuming. " sabi niya sakin. Napaubo ako sa sinabi niya. "Whoa grabe ang kapal mo talaga. Tinignan ko lang sarili ko. May sinabi ako? Masyado kang defensive ah. " pambabara ko sa kanya. Hangin neto. "Kumain ka na nga lang. Ginawa kita ng favorite mong soup. " sabi niya sabay abot sakin nung bowl. Natigilan ako sandali. Whoa ambait ata ni Eros ngayon. Ano nakain neto? "Oh? Tulala ka? Tatanggapin mo ba o gusto mo ako pa sumubo neto sayo? " fuvk. Binabawi ko na ang sinabi ko. Ang sungit niya parin! Kinuha ko nalang sa kanya ang soup at hinalo ito. Bango. Natakam ako sa amoy kaya tinikman ko ito. Wow! Ang sarap magluto ni Eros. Napangiti ako sa naisip ko. Lagi niya kong pinagluluto ng mga paborito ko. Lahat ng paborito kong pagkain alam niya. Mas magaling pa siya magluto kaysa sakin kasi pagpiprito lang naman alam ko. At sa itlog lang na scrambled. Whatta life. "Wala ka bang sasabihin? " sabi niya sakin. Sasabihin? Tinaas baba niya ang kilay niya. Parang tanga talaga to. Napatawa nalang ako sa hitsura niya. Si Eros ba talaga tong kaharap ko? "Thank you. " sabi ko. "Not that. " pagmamaktol niya sa tabi ko. Ano ba gusto niya? "Eh ano? " Nilapit niya mukha niya sakin saka nagsalita. "Masarap ba? " nalunok ko lahat ng pagkaing nasa bibig ko ng walang nguya nguya dahil sa ginawa niya. Bwesit, ang mga tingin niya kasi nakakatunaw. Iniwas ko yung mukha ko sa kanya at nagsalita. "Uhm oo nalang masarap. Masarap naman. Okay naman. Galing mo magluto. Swerte ng magiging asawa mo. " ayan? Masaya ka na Eros? -_- "Talaga? Eh bakit mo ko binreak? " nasamid tuloy ako dahil sa sinabi niya. Argh! Bakit kailangan niyang itopic yung nakaraan namin pag kumakain ako? ! Nakatingin lang siya ng seryoso sakin. "Aish! Nakakainis. " sabi ko sabay pagpag ng damit ko na nabasa. "Ang swerte mo na sana sakin eh. " sabi niya sabay finger comb ng buhok niya. "Seryoso Eros? Tigilan mo nga ako diyan! Wag na natin ibalik yun. Matagal na yun. " inis kong sabi sa kanya. Nakaka awkward na kasi pag usapan yung dati lalo na ngayon na magkapatid na kami. MAGKAPATID NA KAMI. "At bakit naman hindi? " pagmamatigas niya. "Di mo ba talaga alam? Magkapatid tayo! " saka inismiran ko siya. "Hindi kita kapatid." Ang cold ng mga tingin niya ngayon. Di gaya kanina. Nakakatakot. "Kapatid mo ko at kapatid na kita sa ayaw at sa gusto mo. Our parents are married now. Bawal tayo. " pagpapaliwanag ko. Inulit ko talaga ng inulit yung salitang kapatid para tumigil siya. Mahihirapan lang kami pareho pag hinayaan namin tong feelings namin para sa isat-isa. And I'm starting to like Drix. "I don't give a damn. Just tell me that you still love me and I'll make everything possible. Please.. Mahal mo pa naman ako diba kasi ako, tangina sobra sobrang mahal parin kita? Hon ko... " lumakas ang kalabog ng puso ko nung binanggit niya ang tawagan namin dati. The hell Eros! You're getting into my weakness! "Are you crazy?! " i shouted. "Yes. Fucking crazy. " he responded and hold my hand. Di ko namalayan na napaluha nako sa narinig ko. I missed him. I missed everything about us. I love him so much i still do. But this love will just make everything complicated . I can't take risk. Magulang namin ang pinag uusapan dito. Di lang kami ang maaapektuhan. Tumayo nako at lumayo sa kanya. This talk is nonsense. I was about to walk out when he pulled me towards him and hug me from my back. Binaon niya ang ulo niya sa balikat ko saka nagsalita. Mas lalo akong naiyak dahil sa ginawa niya. "Please tell me you still love me hon. Sabihin mo na gusto mo parin akong makasama. Mababaliw nako. Araw-araw akong nababaliw, kapag nawawala ka sa paningin ko napapraning ako baka andun ka na naman kay Drix. Nagseselos ako. Gusto ko baliin mga buto niya yung tipong di na siya makakabangon para hawakan ka. Akin ka lang eh. Di ka pwede sa kanya. " ang saya marinig ng mga salitang yun mula sa kanya pero masakit din at the same time dahil sa katotohanang bawal kami. Ramdam ko ang pagmamahal niya. Naramdaman kong may luhang dumaloy sa mga balikat ko. Umiiyak si Eros. I want to wipe his tears and kiss him to make him stop pero... It can't be. Kung di niya magawang magpigil ako gagawa para samin. Wala akong masabi kundi hikbi. "Alam mo ba gano kasakit tanggapin na kapatid nalang kita. Halos mawalan nako ng pag asa kapag naiisip ko yun dagdag mo pa yung cold treatment mo sakin at ang warm treatment mo kay Drix. Goddamn it. It's killing me . I can't imagine you being with any other guy. I want you mine alone. Please wag mo to gawin sakin. Hon.... I don't want you as my sister! I want to marry you. Please. . ." Pagmamakaawa niya. "Eros...bitawan mo ko ." "I can't. That Drix can't take you away from me. Mapapatay ko siya. I am so angry with him lalo na nung malaman kong balak ka niyang ayain for a relationship last night. Kailangan ko pang lumapit sa ibang babae para malaman yun. Wala akong ibang maisip na paraan kundi hayaan kang malasing. Inutusan ko si Caramel na ipashot sayo yung hard na alak para makatulog ka. Yun lang ang paraan para maiwas kita sa pagsagot kay Drix. I know you'll say yes. " fuck! He really did that?! Lumandi siya sa mga babaeng yun para dun? "Please wag kang pumayag. Alam ko naman na mas lamang si Drix sakin ngayon kasi di naman kayo magkapatid but please.... " Mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakayakap niya sakin. "Please Erin... Hanggat mahal pa kita bawal ka pang makuha ng iba. "

No comments:

Post a Comment

Ang Textmate - Part 4: Care

Medyo masakit pa din ang ulo ko, kasi naman kanina kasabay pagkagulat ko kay grey ay ang pagkahulog ko sa lapag at nauntog pa ulo ko sa pade...