Ang Ex Boyfriend Kong Step Brother - Story 11
"Erin anak! I missed you so much. " Lumapit agad si mama sakin pagkapasok ko ng pinto.
Agad ko naman siyang sinalubong ng yakap. I super missed my mom kahit sandali lang sila nawala ni dad. Bineso namin ang isat-isa at muli niya kong niyakap. Nginitian ko naman si dad na nakaupo sa salas at nakangiting nakatingin samin ni mommy.
"Oh okay ka lang ba dito nung wala kami? " tanong ni mommy habang papaupo kami sa tapat ni dad.
"Maayos naman po ma. At tulad ng sabi niyo naging good girl ako. " pagbibiro ko pa na kinatawa nila.
"By the way, where's Eros? " mabilis pa sa the flash na napatingin ako kay dad pagka banggit niya nun.
Ewan ko bakit bigla ako kinabahan sa tanong nila at di ako nakasagot agad. Nangapa ako ng isasagot kahit naman napagplanuhan na namin to. Napagkasunduan namin na wag sabay pumasok sa bahay at kailangan magpahuli siya para di halatang magkasama kami.
"Oo nga anak. I haven't seen him since kanina. Asan siya? " mom added.
"Ah ehh... Si Eros po? " Erin ang slow.
Nakatingin sila sakin at naghihintay ng isasagot.
"Aba malay ko po sa isang yun. Baka may pinuntahan lang. " sabay tingin sa ibang direksyon. Di talaga ako magaling magsinungaling.
"Yo people! " speaking of the bullshit. Bakit di siya pumasok kaagad ng di ako nauutal sa pagsisinungaling? Kainis din to eh.
"Hello po tita. " Nilapitan niya si mommy at kiniss niya ito sa cheeks.
"Hi daddy. Anong oras kayo dumating? " kunwari tanong niya saka naupo sa tabi ko.
"Kanina lang hijo. Wala ngang tao dito pagdating namin? Where have you been? Kayong dalawa? " tanong ng dad niya.
"Nag mall po ako! " nagulat pa sila kasi parang pasigaw yung pagkakasabi ko. Narinig kong mahinang natawa si Eros na sinamaan ko ng tingin.
"Ako. Nakipagdate ako sa girlfriend ko. " sabay tingin niya sakin na ikinaputla ko. Pesteng yan ipapahamak niya ba kami?!
"Ohh girlfriend! Who's the lucky girl? " tingnan mo na!!! Papatayin kitang Eros kaaaa!!!
"Hmm.... Basta dad. Ipapakilala ko din siya sa inyo. " sagot niya naman. Eros humanda ka mamaya.
"Ishare mo na hijo. " kinikilig na tanong ni mama. Shit! Kung alam mo lang ma. I need water!!!!!!
"I'm sure she's very pretty. Ang swerte niya sayo. I'm looking forward sa araw na ipakilala mo siya samin ng dad at kapatid mo. " masayang sabi ni mama kay Eros. Kabadong kabado nako kingama. Pakiramdam ko nasa bangin ako.
"She's very gorgeous ma. Sinabi mo pa. Hahaha" tapos tumingin na naman siya sakin. Argh!!! Nakita kong napatango si daddy sa sinabi niya.
"I want to meet her. " sabi ng daddy niya. The heck.
"Uhm not now dad. Gusto niya muna privacy ngayon eh. She's not yet ready. "
Napahinga ako ng maluwag ng natigil na ang pag uusap nilang yun. Hay buti naman
Namangha ako. Ang galing umakting neto ah. Natural na natural .
Napailing nalang ako. Idol ko na to. Naupo si mommy sa tabi ni dad at sumandal siya dito. Hay nako nakaka bitter kayo Ma. Pede wag kayong sweet dito? Napaiwas ako ng tingin sa kanila.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Textmate - Part 4: Care
Medyo masakit pa din ang ulo ko, kasi naman kanina kasabay pagkagulat ko kay grey ay ang pagkahulog ko sa lapag at nauntog pa ulo ko sa pade...
-
Nanatiling palaisipan sakin kung panong nanyari yon at kung sino ang nag mamay ari ng apoy na nakita ko.. kailangan kong balaan si andrew n...
-
ilaw ng ibat ibang gusali ang nakikita ko ngayon... hindi ko alam kung kakausapin ko ba sya o hinde dahil sa nkikita ko, mukhang seryoso sya...
-
"Kyaaahh!!! Eros ano baaaa! hahaha! " di ko mapigil ang mga tawa ko habang nakasakay ako sa likuran niya at siya naman tumatakbo...
No comments:
Post a Comment