Ang Ex Boyfriend Kong Step Brother - Story 19
And there's a moment of silence for a while...
Pinaglipat-lipat ko ang mga tingin ko kina Kissandra at Drix na magkaharap ngayon at seryosong nakatingin sa isat-isa.
Naramdaman ng ibang barkada namin ang awkwardness sa paligid kaya pinutol nila ang katahimikang namagitan and just acted like nothing.
"Uhm...How are you? Happy birthday nga pala. " panimulang bati ni Drix kay Kiss.
Natahimik ulit kami at nanood sa kanila. I don't know bakit napaka usisera ko ngayon. Maybe dahil pati ako na awkward.
I saw Kiss smirked. Pinagsingkitan niya ng mata ang mukha ni Drixon na parang may inaalala.
"Hmmm... Wait you look familiar. Did we meet before? " sabi niya.
Whoa!
The hell. Mark the sarcasm in her tone.
Napanganga nalang yung mga kaibigan namin sa sinabi ni Kiss. Yung mga lalaking kaibigan namin napa ohhh nalang.
"Huh? " naguguluhang reaction ni Drix.
Tumawa ng mahina si Kiss at sinuklay ang nakalugay niyang buhok gamit ang mga kamay niya at lumapit kay Drix.
"Hi there mister. I'm Kissandra Montel. You can call me yours but I prefer Kiss. Who are you? " at mapang-asar na ngumisi.
Itinaas niya ang kanang kilay niya at humalukipkip sa harapan ni Drix. Bitch mode on. I guess, she still hates this man until now.
"Nagpunta ka lang ng america nagka amnesia ka na? " sabi ni Drix sabay iling.
"Ohh!! There I just remember. Sorry na. Nakalimutan ko kasi na magkakilala pala tayo. Wala ka kasing kwenta sakin eh. Yung utak ko kasi parang SD card ko, full na kaya kailangan alisin ang mga patapong bagay. " nakangisi niyang sagot.
Medyo hard yun ah.
And I don't know why our friends even find it funny.
Noon palang asot-pusa na talaga sila kung mag-away. Kahit nung naging sila ganyan parin sila mag-away pero I think ngayon mas lalong lumala.
"Ang sabihin mo para kang SD card puno ng virus " banat naman ni Drix. Nakita kong naningkit ang mga mata ni Kissandra dun.
"Oo at ikaw ang virus kaya inalis kita. "
Are we watching clash of clans here?
"Do you think ang rude mo sa bisita mo? " natatawang sabi ni Drix.
"Hindi ka naman bisita. Bwesita ka. " sabay ngisi ng nakakaloko.
"Let's go guys. Our drinks are waiting for us! Woo! " she added at hinila nako paalis sa nakatulalang si Drix.
.
.
.
.
"Come on Erin!" Pagkampay ni Kissandra sa akin habang nakababad siya sa tubig dagat kasama ang buong barkada. Napatingin naman din sakin si Eros at ang mga kasama niya.
Nakaupo lang kasi ako sa may buhangin at pinapanood sila. Feel ko lang wag muna maligo. Ang kj ko ba?
Sa kakapanood ko sa kanila parang nainggit nako kaya tumayo nako at nagpagpag.
I tie my long straight loose hair into a messy bun at hinubad na ang robe ko exposing my skin.
"Wow! "
"Witwews! Chikababe! "
"Amputi mo naman Erin nag zonrox ka ba? Mas maliwanag ka pa sa araw eh. Hahaha"
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Textmate - Part 4: Care
Medyo masakit pa din ang ulo ko, kasi naman kanina kasabay pagkagulat ko kay grey ay ang pagkahulog ko sa lapag at nauntog pa ulo ko sa pade...
-
Nanatiling palaisipan sakin kung panong nanyari yon at kung sino ang nag mamay ari ng apoy na nakita ko.. kailangan kong balaan si andrew n...
-
ilaw ng ibat ibang gusali ang nakikita ko ngayon... hindi ko alam kung kakausapin ko ba sya o hinde dahil sa nkikita ko, mukhang seryoso sya...
-
"Kyaaahh!!! Eros ano baaaa! hahaha! " di ko mapigil ang mga tawa ko habang nakasakay ako sa likuran niya at siya naman tumatakbo...
No comments:
Post a Comment