Ang Ex Boyfriend Kong Step Brother - Story 6
"Uhm.. Eros? " kalabit ko kay Eros na abala sa panonood ng tv sa sala.
"What? " tanong niya sakin ng di man lang ako tinitignan.
"Alis muna ako. Dun lang ako sa----"
"Go ahead. As if I care. " pagputol niya sa sinabi ko at saka padabog na pinatay ang tv sabay tapon ng remote sa sofa.
Naistatwa nalang ako sa kinatatayuan ko dahil sa naging asal niya. Bakit nga ba ako nagpaalam? Simple, gusto ko lang malaman niya na aalis ako para di siya mabaliw kakahanap sakin.
Psh as if naman hahanapin ka nun.
Lumabas nalang ako ng bahay at nagtungo sa kotse ko. Nakagat ko ang ibabang labi ko. Gusto ko maiyak. Nasasaktan ako sa treatment niya sakin matapos yung nangyaring pag uusap namin nung isang araw. I rejected him kaya ang cold niya na this past few days?
Oh ano inaarte mo Erin? Diba yan ang gusto mo? Ang layuan ka na ni Eros? Now it's happening why can't you smile? !
Bumalik saking gunita ang pag-uusap namin nung mga oras na yun nung pinaandar ko na ang makina ng kotse ko.
Flashback...
"Please Erin, hanggat mahal kita bawal ka pang makuha ng iba. " patuloy parin siyang nakayakap sakin ng sobrang higpit.
"Eros, bakit di mo maintindihan? Bakit ayaw mo tanggapin? Mahihirapan nga tayo pag pinairal natin to. Please let me go... " pakikiusap ko sa kanya sa gitna ng mga hikbi ko.
Unti-unti niya kong binitawan at hinarap sa kanya. Di ko siya magawang tignan kaya panay yuko ako. Nasasaktan akong makita ang mukha niyang namumula pati mata niya sa pag iyak niya.
"Wala na ba talagang pag-asa Erin? Tumingin ka sakin at sabihin mong ayaw mo na. Titigilan na kita. " nanikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Gusto ko sabihing ayoko na pero takot akong mawala siya. Ano ba dapat kong sabihin?
"Eros... " wala akong masabi kundi banggitin lang ang pangalan niya.
"I said look at me and tell me to stop and I will. " huminga akong malalim at tinignan siya sa mata.
This will be painful Erin. "Ayoko na. Kaya tumigil ka na. " those statement torn my heart apart. Pero alam kong yun ang makakabuti. Wala ng pag asa ang pag-ibig namin sa isat-isa. Baka di lang kami ang masaktan pag nagkataon baka pati parents namin.
I have to do this. Kahit masakit .
Mahina siyang tumawa at bahagyang tumingala.
"Sure? Di ka ba magsisisi? " tanong niya ulit na mas lalong nagpasikip sa dibdib ko. Parang gusto ko ng sumabog. Yumuko ako at tumango kasabay ng pag agos ng luha kong di ko na napigilan.
"O--okay! Haha bakit bako umiiyak? Fine. I'll stop now. BUT take my words Erin, I will never cry in front of you again. Wala na ding Eros na manggugulo sa inyo ni Drix. Goodbye SIS. Salamat at sinayang mo ko. "He said before walking out.
Binangga niya pako ng bahagya nung umalis na siya.
What the hell. Sinaktan ko si Eros for the second time.
Kaya ngayon di ko siya masisi kung bakit ganun siya makitungo sakin ngayon.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa manebela ng kotse ko. Bago mag drive, pinahid ko muna ang mga luhang nagbadya sa mukha ko dahil sa sobrang lungkot.
Tama nga ba ginawa ko? Di nga ba ako magsisisi?
Kasi ngayon pakiramdam ko mali. Mali ang naging desisyon ko. Gusto kong bawiin lahat ng yun at yakapin nalang siya. Bakit ba kasi siya pa! Sa lahat ng lalaki siya pa ang anak ng tito ko na dad ko na ngayon!? Sign ba yun na di talaga kami para sa isat-isa?
Matapos din ng pag uusap naming yun, halos di na siya mapirmi sa bahay. Lagi nalang siyang may lakad at may kausap sa phone.
Eto na naman yung pakiramdam na naramdaman ko dati nung kami pa. SELOS.
Oo nagseselos ako kasi baka may ginugusto na siyang iba pero ano bang karapatan kong magselos? Hays ang hirap ng sitwasyon ko.
Ito ang gusto kong maging set up namin pero bakit nasasaktan ako sa tuwing pinaparamdam niya saking wala na siyang pake pa sakin?
Nagring ang phone ko at nakita ko dun ang pangalan ni Drix na tumatawag.
Makailang beses na siyang tumawag sakin ngayong araw nato pero ni isa sa mga tawag at texts niya wala akong sinagot. Wala lang ako sa mood para makipag usap sa ibang tao. Gusto ko makapag isip at mag-isa. Kung san ako nagpunta. Di-nate ko ang sarili ko.
Kaya 8:00 nako nakauwi ng bahay.
Nakita ko si Eros na nakatayo sa labas ng bahay namin. Nakatingin siya sa phone niya. Di ko na siya pinansin at nilagpasan nalang. Mamaya mapahiya na naman ako.
"Bakit ngayon ka lang? Buti naman naisipan mo pang umuwi? " rinig kong sabi niya nung paakyat nako ng hagdan.
"Nagpahangin lang. Tulog nako. " walang gana kong sabi ng di siya nililingon. Masaya ako sa sinabi niya kasi kahit papano may pake pa pala siya pero baka nag aassume lang ako.
"May pagkain sa mesa kumain ka muna. " sabi niya at naunang umakyat. Nagulat ako ng may biglang sumulpot na babae sa harapan namin ni Eros.
"Uhm Eros I gotta go. It's late na kasi baka hinahanap nako ni dad dun sa party. " sabi neto habang inaayos ang sling bag niya.
Nagdala siya ng babae dito?! At san galing to? Sa kwarto niya?!
"Ah okay. Hatid na kita? " nakangiting sabi ni Eros. Nakangiti? Wow.
"No need. I have my car. Kaya ko naman. Thanks ha. " then kiniss niya sa cheeks si Eros bago umalis. Wtf.
Nanikip ang puso ko but I managed to roll my eyes at him at nagmadaling umakyat sa taas.
Di ko napigilang maiyak sa loob ng kwarto ko.
May narinig akong katok.
"Erin? " si Eros. I cleared my throat and responded. Trying not to sound pathetic.
"What? "
"Mag dinner ka na. "
"Kumain nako ng dinner with Drix. " pagsisinungaling ko. Tapos nun wala nakong narinig na sagot mula sa kanya.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Textmate - Part 4: Care
Medyo masakit pa din ang ulo ko, kasi naman kanina kasabay pagkagulat ko kay grey ay ang pagkahulog ko sa lapag at nauntog pa ulo ko sa pade...
-
Nanatiling palaisipan sakin kung panong nanyari yon at kung sino ang nag mamay ari ng apoy na nakita ko.. kailangan kong balaan si andrew n...
-
ilaw ng ibat ibang gusali ang nakikita ko ngayon... hindi ko alam kung kakausapin ko ba sya o hinde dahil sa nkikita ko, mukhang seryoso sya...
-
"Kyaaahh!!! Eros ano baaaa! hahaha! " di ko mapigil ang mga tawa ko habang nakasakay ako sa likuran niya at siya naman tumatakbo...
No comments:
Post a Comment