Miss Man hater Meets Mister Cassanova - Part 15
"okay class... dismiss..."
"thankyou maam!" sabay naming sabing lahat.. saka lumabas ang teacher namin...
nag impake na ako ng mga gamit ko para ready nang umuwi dahil wala naman na akong gagawin... at isa pa wala din si gerald.. hindi ko alam kung bakit absent ang isang yun...
pero hindi ko sya hinahanap ah?
pero asan na kaya sya? ano kayang ginagawa nya ngayon? hmmm...
palabas na ako ng classroom nang biglang may tumayo nalang sa harapan ko... pagtingin ko si kevin... at hinihingal.. halatang tumakbo pa talaga sya papunta rito...
"janice... pwede ba kitang ayaing lumabas ngayon...? (sabay rub ng kamay) mukha din kasing wala kang gagawin... " sabi nito sa akin..
nag-alangan pa akong sumagot ng oo pero naisip ko ring wala naman akong gagawin.. at isa pa.. bakit naman hindi diba?
"uhh.. o-oo sige.." sabi ko.. na halatang hindi sigurado sa naisagot ko..
hindi ko alam.. pero parang natural nalang sa aking feeling kapag si kevin ang nag-aya sa akin ng gala.. to think na crush ko naman sya.. alam nyo naman yun diba?
pero diba dapat kikiligin ka? ehh bakit ako hindi ako nakakaramdam ng kilig ngayon..?
kikiligin lang ako kapag ang uamaya sa akin ay si.....-- nevermind na nga lang...?
dinala na nya ang bag ko at hinawakan nya ang kamay ko... naging awkward tuloy ang feeling ko nang hinawakan nya kamay ko...
at dahil hindi ako komportable ay pasimple kong kinalas ang kamay ko sa pagkakahawak nya at gumawa ng topic...
"wala pala kayong gagawin ngayon..?" varisty player kasi ito at ang tinutukoy ko ehh kung wala silang practice ngayon...
"meron.. pero mas pipiliin kita... dahil mas mahalaga ka kesa sa practice namin.." sabi nito na nakangiting nakatingin sa akin.. ngumiti nalang ako ng pabalang...
at sumakay na kami sa motor nya..
kumain kami sa isang restaurant... at pagkatapos.. naglakad-lakad muna kami papuntang park... malakad lang kasi mula sa restaurant... nagkkwentuhan lang kami...
pero kahit sya ang kasama ko.. may tao pa ring nasa isip ko... but right now... nalilito pa ako sa feelings ko kaya ayoko munang mag conclude na may mahal na ako sa isa sa kanila....
pagkatapos naming mag gala.. ay naisipan ko nang sabihan si kevin na gusto ko nang umuwi...
"okay sige..." sabi nito.. gabi na rin kasi...
**************
naglalakad kami sa madilim na kalye.. nang nagsalita si kevin...
"dito ka muna janice ah? kukunin ko lang ang motor..." sabi nito... tumango nalang ako...
kaya naghintay ako ng ilang sandali nang bigla nalang may mga grupo ng mga lalaki ang lumibot sa akin... at ang sa sa kanila ay may kutsilyo... alam ko na ang mangyayare kaya nagsimula na akong hilakbutan dahil sa mga posibleng mangyari sa akin.. to think na ako lang mag-isa...
"miss.. baka naman pwedeng ibigay mo sa amin ang pera mo dyan nang hindi kana masaktan.." sabi ng isa na may hawak na kutsilyo at nakangiti ng nakakaloko sa akin...
"p--po? wa--wala po.." mautal-utal kong sabi rito..
"sige na.. tol! tignan ang bag nya.." utos nya sa kasamahan nya... kaya agad naman itong kumilos pero dahil matigas ang ulo ko ay nakipag tug war ako sa bag...
"ayoko nga.!!" sabi ko at sinipa ito sa pagitan ng hita nya kaya namilipit ito sa sakit...
at kinuha ko ang isang kahoy at yung mga lalaking lumapit sa akin ay pinagpapalo ko kaya hindi sila nakalapit talaga sa akin... at nabigla nalang ako nang sinasagasaan ang isa sa kanila... pagtingin ko sa motor ay si kevin pala....
"sakay na.!!" sabi nito kaya sumakay na ako...
makaraan lang ng ilang minuto ay nasa harapan na kami ng bahay... bumaba na ako sa motor...
"salamt kevin ah?" sabi ko rito..
"hah! alam mo ba kung anong posibleng mangyare kanina?" galit na saad nito sa akin... nagulat naman ako sa tono ng pananalita nito...
"a--anong ibig mong sabihin?" takang tanong ko rito...
"ang tigas naman kasi ng ulo mo..!! kung binigay mo nalang bag mo edi sana hindi kana nasaktan.!!!" sabi pa nito....
nagulat naman ako sa mga sinabi nito sa akin ngayon... imbes na kamustahin nya ako sa nangyare ay mas pinili pa nya akong sumbatan sa nangyare... to think na halos wala naman syang naitulong....
"kevin naman... natakot na nga ako pinapagalitan mo pa ako?" sabi ko rito...
"sana maintindihan mo rin ako janice.... sige na aalis na ako... ingat ka nalang.." pagkasabi nito ay saka nya pinaandar ang motor saka umalis.... kaya pumasok na rin ako ng bahay...
pagkapasok ko ay agad na rin akong umakyat sa kwarto ko... habang nanginginig ang tuhod dahil sa nangyare.....
napaiyak ako dahil sa nangyare.... nang biglang tumunog ang cellphone ko... pagtingin ko may nagtext...
|| hon... sorry absent ako.. sumakit kasi ulo ko... ikaw musta kana? i miss you :( ||
sabi ni gerald sa text... mas lalo lang akong naiyak sa sinabi nito...
pinunasan ko naman agad ang luha ko.. buti pa si gerald kinamusta ako...
|| okay lang ako.. || maikling text ko rito... napangiti nalang ako... hindi ko alam kung bakit... pero bigla nalang akong sumaya.. at lahat ng takot na naramdaman ko kanina ay napalitan ng saya...
ganito ako noon kay kevin... pero bakit ngayon kay gerald kona ito nararamdaman...?
confused isn't it? haha... team kevin? o team gerald ? :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Textmate - Part 4: Care
Medyo masakit pa din ang ulo ko, kasi naman kanina kasabay pagkagulat ko kay grey ay ang pagkahulog ko sa lapag at nauntog pa ulo ko sa pade...
-
Nanatiling palaisipan sakin kung panong nanyari yon at kung sino ang nag mamay ari ng apoy na nakita ko.. kailangan kong balaan si andrew n...
-
ilaw ng ibat ibang gusali ang nakikita ko ngayon... hindi ko alam kung kakausapin ko ba sya o hinde dahil sa nkikita ko, mukhang seryoso sya...
-
"Kyaaahh!!! Eros ano baaaa! hahaha! " di ko mapigil ang mga tawa ko habang nakasakay ako sa likuran niya at siya naman tumatakbo...
No comments:
Post a Comment