Miss Man hater Meets Mister Cassanova - Part 11

"god... malapit na ang prom natin ... gusto ko sana yung crush ko mula sa section 1 ang mag-aya sa akin na sayawin ako.." "oo nga ehh... sigurado.. masaya ang prom sa taong ito.." "yiiihh.!" kanina pa ako naririndi sa mga tili ng mga kilay kong classmates.. malapit na kasi ang prom.. next week na.. at kung tatanungin nyo ako kung may nagyaya na ba.. ang sagot ko ay WALA.!! oo. wala pa.. kahit si kevin ay hindi pa ako niyaya sa prom. sya na nga lang ang hinihintay ko ehh... si gerald 'the chickboy' naman ay tinanong ako kaninang umaga kung pede ba ako.. syempre tumanggi ako nuh? if i know marami na rin yung babae na niyaya.. sasali pa ba ako? at tsaka kanina din pala... may ipinakita sa akin si gerald na isang picture kung saan ay may kasamang babae si kevin sa larawan. yung tipong nag-uusap lang naman. pero ang nakatawag sa pansin ko ay pareho silang nakatawa... medyo nasaktan ako kasi alam nyo naman sigurong crush ko si kevin right? at ito pang si gerald parang may pino-prove sya na babae si kevin.. ehh gawain din naman nya yun ehh.. kainis lang. =____= gabi na ngayon at nakahiga lang ako sa kama..STILL hindi makatulog. pero 7:30 pa naman. medyo maaaga pa para matulog. sila mama at papa at mga kapatid ko ehh nanunod pa sa sala ng tv. at dahil wala naman akong magawa ay bumaba na rin ako sa sala para makisali sa pinapanuod nila.. kaso pagbaba ko si mama nalang pala ang naiwang nanunuod ng tv. nagulat pa ito ng makita ako. "oh? janice?" sabi nito.. "uhh.. wala kasi akong magawa ma ehh..kaya manunuod nalang ako." sabi ko rito. "ilang araw nalang at JS PROM na ninyo ah? may balak ka bang sumali?" tanong nito.. "uhh.. kailangan ma ehh.. ang attendance kasi." sabi ko ng mahinahon rito.. "uhh.. ganun? ehh si gerald ba niyaya ka ng isayaw?" "uhmm.. opo." "at ano? ehh pumayag ka ba naman?" "hindi po.. kasi alam kong marami din yung inaayang babae ehh.." "anak naman. dapat pumayag ka.!!" sabi nito na ikinagulat ko... at paano naman kaya nakuha ni gerald ang loob ng nanay ko? ehh halos mahirap nga makuha ang tiwala nyan ehh.. "at bakit naman po?" "ehh paano kung wala ng mag-aya sayo? ehh halos mapagkamalan ka na ngang lalaki. pasalamat ka nalang at may gerald pang handang unawain ka.!!" *pak* joke lang... hindi ko sinapak ang nanay ko. kung hindi ko nga lang nanay ehh matagal ko nang binatukan.. =__=v. "maaa!?" angal ko.. "just kidding!? pero nakikita ko din kasi anak na bagay kayo.. at may nakikita akong something sa inyong dalawa... pero anak.. may gusto ka ba kay gerald?" "huh? nay naman. nagpapatawa po ba kayo? ako? magkakagusto sa isang cassanova?? hahaha it will never gonna happen." sabi ko ng mataray. "char. tinatanong lang ehh may it will never gonna happen kana agad na nalalaman!? pero uyy.. wag magsalita ng tapos.. malay mo? kayo pala ang meant to be.." napaatras nalang ang kilay ko at napatingin kay mama.. "alam nyo? yan na ang sakit nyo sa kakanuod ng Mr.Cassanova meet Ms.Manhater ehh.. tulog na nga lang ako?" sabi ko at umakyat na sa kwarto. *fastforward* and THE DAY come.. JS PROM na namin.. "oh ayan.! tignan mo na sa salamain ang sarili mo hija.." sabi ng isang baklitang nag make-up sa akin.. kumuha pa kasi ng make-up artist si mama para lang mapaganda ako sa araw na toh. ang arte nuh? ayoko naman talaga pero sya lang ang mapilit... at unti-unti akong tumayo mula sa pagkakaupo at hinarap ang salamin... at nagulat ako sa nakita kong reflection sa salamin. kulang ang salitang alien para di ko makilala ang sarili ko.. "ang ganda ko..." wala sa loob na sabi ko.. bigla namang sumingit sila mama at ang bading na si reneta sa salamin. "like us...?" napatawa nalang ako sa inasta nila.. "oh? tama na yan.. baka mas lalong gumanda yan pag tumagal pa kayo dyan.. nasa baba na si dexter para ihatid ka sa garden palace..." sabi ni papa na sumilip lang sa pinto habang nakangiti kaya napatawa nalang din sila mama at si reneta.. kaya bumaba na ako at sumakay na sa.... motor ni kuya.. "oh? kapit bunso ah? baka mahulog ka.. wala pa tayong kotse kaya mag tiis-tiis ka.." sabi nito pero sinimangutan ko lang ito.. at tinahak na namin ang daan patungo sa garden palace.. dun kasi ihe-held ang prom namin. oh diba sosyal..? ^___^ wala lang 15 bminutes ay nakarating na kami. agad naman akong bumaba sa motor.. "oh ingat bunso ah?" yun lang at pumaharurot na si kuya dexter... at napaharap na ako sa garden palace. at pumasok na... rinig na rinig kona ang mga kantang pini-play at mga taong nag-uusap. umupo muna ako at tinitignan ang mga tao ko sa paligid.. hinahanap naman ng mata ko si kevin. baka kasi makita ko sya rito. pero wala sya.. haayy..! at bigla nalang nagsalita ang emcee na magsisimula na daw ang program namin... kaya yung mga lalaki ay nagsimula nang mag-aya ng mga gusto nilang babae... pero wala sa akin. nasan na ba si kevin....? may inaya ba syang iba? bigla naman daw akong nalungkot sa isiping yun.. ibig sabihin walang sasayaw sa akin sa dance floor..? hah! sana pala hindi nalang ako pumunta sa prom na tuh.! alam ko kasing ganito din ang--- napatigil ako sa iniisip ko nang tumili ang mga tao. at bigla nalang silang umalis sa daan.. at doon ko nakita kung bakit sila nagkaganun... i saw him walking like a prince.... nakasuot sya ng tuxedong puti na may rosas sa bulsa nito... at maganda ang pagkakaayos ng buhok nito.. at mas lalong bumagay ang suot nya dahil mestiso syang tao.. hindi kona namalayan na nasa harapan kona pala sya... "pwede bang maisayaw ka?" sabi nito ng malumanay. at para naman akong na hypnotize sa sinabi nito at pumayag naman ako... i place my arms on his neck while his arms is on my waist... at habang sumasayaw kami ay nagsasalita sya... "janice.. you know me as a playboy.. but let me tell you something.... the cassanova has fallen..." sabi nito na ikinagulat mko. hindi ko alam kung bakit malaking impact sa akin ang sinabi nya... the cassanova has fallen..? "with whom?" ang tanging nasabi ko.. "with you..." nabingi ako sa sinagot nya sa akin at mas lalo akong nabingi sa sunod nyang sinabi.. "let me court you..."

No comments:

Post a Comment

Ang Textmate - Part 4: Care

Medyo masakit pa din ang ulo ko, kasi naman kanina kasabay pagkagulat ko kay grey ay ang pagkahulog ko sa lapag at nauntog pa ulo ko sa pade...