Miss Man hater Meets Mister Cassanova - Part 10
bwesit.. bwesit..BWESIT.!!
alam nyo ba kung bakit ako nabbwesit ngayon? ganito kasi yun..
after naming umuwi galing sa outing ehh syempre pasukan nanaman...
akala ko doon ko lang sila makikita na magkasama, pero ang hindi ko alam.. classmate din pala namin ang ugok na yun.. and guest what? close na close sila...
kaya nga ako nabbwesit ngayon kasi....
kasi nagseselos ako..
oo tama ang nabasa mo.!! sinabi ko nga ang salitang selos..
at ngayong araw na toh.! inamin kona sa sarili ko na nainlove ako sa manhater na yun.. hindi ko nga rin alam kung anong nagustuhan ko sa babaeng yun ehh...
hindi naman sya ang typical na ideal girl ko... kasi ang gusto ko...
yung sexy.. maganda... mayaman...
ehh sya? amazona.. medyo chubby... boyish... pero kung magpapaganda sya.. lilitaw din naman ang ganda nun? at simple lang din sya...
naalala ko nanaman ang prom namin.. malapit na pala.. september na kasi..
*flashback*
pag announce ng teacher namin patungkol sa prom ay lumabas na ito.. kasabay ng pagdaldal ng mga kaklase ko patungkol sa prom.. ang iba sa kanila.. tumitili kasi daw baka ma partner nila ang mga crush nila.. napairap nalang ako ng pasimple.. pero agad akong napatingin sa direksyon kung asan si janice..
nakikipag tawanan ito kasama si kevin.. medyo nainis na nga ako ehh.. pero pinipigilan kong sumabog.. naisipan ko nalang na abangan ito sa corridor kaya nung nakita kong papasok na ng room si janice ay nilapitan ko agad ito..
"uhh.. hoy panget.!!" sabi ko nrito..
"ohh? ano nanaman?" mataray nitong sagot sa akin...
"wala ka pa bang partner para sa prom?" diretsahan kong tanong rito...
napataas naman ang kilay nya.
"bakit ako ang tinatanong mo ng ganyan? marami ka namang babae dyan ah?" sabi nito sa akin.
"psh. marami nga.!! alam ko yun." sabi ko dito..
" ohh.. yun naman pala ehh!??" sabi nito..
"ehh.. pwede namang ikaw diba?" halos pabulong ko nang sabi dahil sa hiya.. sabay himas ng buhok ko..
"uhh.. sorry.. kasi naganyaya na sa akin si kevin.. kaya sorry ka nalang.." sabi nito at akmang lalakad na ito palayo sa akin pero hinatak ko ulit sya sa braso paharap ulit sa akin.
"ano ba??" atungal nito pero binigyan ko lang ito ng isang matalim na titig na kanina ko pa gustong ipakita sa kanya...
puro nalang kasi kevin..kevin..KEVIN.!! wala ng ibang bukambibig nya kundi yung panget na lalaking yun...
"sagutin mo nga ako? gusto mo ba sya??" sabi ko dito. nagulat naman sya sa tanong ko pero agad naman syang nakabawi.. lumilingon lingon muna sya sa paligid saka ako hinila sa walang tao at bumulong...
"bakit ba ganyan ang tanong mo?"
"sagutin mo nalang ako.." sabi ko dito..
"ehh.. hindi ko alam.. basta masaya ako pag kasama ko sya.. pero hindi ko alam kung ganun din ba sya sa akin.. ni hindi pa nga niya ako inaaya na ipartner sa prom ehh.." sabi nito. napa tutop nalang sya sa kanyang bibig dahil nadulas sya.
napangiti naman ako.. pero patago.. saka ko kinuha ang cellphone ko at ipinakita sa kanya ang picture na kung saan may kasamang babae si kevin... marami akong galamay kaya madali lang akong makakakuha ng ganitong picture... gagawin ko ito hindi para siraan sya kundi para maging akin sya..
"oh? kita mo ito? may kasamang ibang babae si kevin..." sabi ko dito..
"hmm? oh e ano naman kung may kasama syang babae?" tanong pabalik nito..
" sa tingin mo bakit palaging magkakasama ang lalaki at babae?" tanong ko rito pero tumayo lang ito saka lumayo sa akin.. tila hindi makapaniwala sa nalaman....
haha i won. ^__^
*end of flasbacks*
nandito ako ngayon sa kwarto at nakatingin sa ceiling..
naisipan kong bumaba at uminom ng tubig sa pitsel... nang walang anu-ano'y nagulat nalang ako sa pagdating ni daddy sa likuran ko at umakbay pa ito. tuloy ay muntik ko nang mabasag ito.
"oh? relax lang son..? mukhang balisa ka yata? what's the matter?"
"dad naman. can't you see? umiinom ako ng tubig. tapos bigla bigla kang sumusulpot. gusto mo bang mabilaukan ako??" naiinis kong sabi.
"chillax.. ano ba kasing problema?" hinarap ko ito saka sya sinagot.
" ano kasi.. parang nauunahan na ako sa babaeng mahal ko. mukhang may iba pa yatang gustong magpapansin sa kanya..."
"oh edi bago ka maunahan dapat gumawa kana ng paraan na mapalapit sa kanya...." sabi nito saka ti-nap ang balikat ko at umalis sa harapan ko.
"gumawa ng paraan para mapalapit sa kanya...?" and the idea struck me..
tama.!! yan ang gagawin ko. *evil grin*
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Textmate - Part 4: Care
Medyo masakit pa din ang ulo ko, kasi naman kanina kasabay pagkagulat ko kay grey ay ang pagkahulog ko sa lapag at nauntog pa ulo ko sa pade...
-
Nanatiling palaisipan sakin kung panong nanyari yon at kung sino ang nag mamay ari ng apoy na nakita ko.. kailangan kong balaan si andrew n...
-
ilaw ng ibat ibang gusali ang nakikita ko ngayon... hindi ko alam kung kakausapin ko ba sya o hinde dahil sa nkikita ko, mukhang seryoso sya...
-
"Kyaaahh!!! Eros ano baaaa! hahaha! " di ko mapigil ang mga tawa ko habang nakasakay ako sa likuran niya at siya naman tumatakbo...
No comments:
Post a Comment