Ang Ex Boyfriend Kong Step Brother - Story 4
"Cheers !!!" Sabay lagok ng alak. Argh... Grabe nanunuot talaga sa lalamunan ko yung lasa.
Nasusuka ako. Aish. Tumayo ako para maghanap ng restroom ng bigla nalang ako nawalan ng balanse buti nalang at may sumalo sakin. Geez, lasing na ba ako?
"Erin? Okay ka lang ba ?" Tanong ni Drix sakin na medyo nakainom na rin.
"Ah yeah I'm fine" sagot ko nalang para di na siya mag-alala.
"Punta lang akong rest room ha. " paalam ko sa kanya na di parin mawala ang pag aalala sa mukha. As if ngayon lang ako uminom eh.
"Samahan na kita. " inakbayan niya ko saka naglakad na nung tinawag naman ako nung kaibigan kong si Caramel tas binigyan pako ng isang shot. Ayaw na sana ni Drix saka ayaw ko na din sana kaso nagpumilit tong Caramel nato. Last shot na daw.
Akmang tatanggapin ko na yung baso nung may biglang kumuha nun sa kamay ni Caramel sabay lagok. Straight. Tas pabagsak niyang nilapag yung baso sa mesa. Buti nalang di nabasag.
Tinignan ako ng mapupungay na mata ni Eros. Nakainom na din to alam ko kasi namumula na din pisngi niya. Bat ang gwapo niya ata ngayon?
Nakita kong dumapo ang tingin niya sa braso ni Drix na nakaakbay sakin at ilang sandali lamang, wala na yung braso ni Drix sakin at nakakulong nako sa mga braso ni Eros para maalalayan.
"Let's go home lasing ka na. " he said. His voice just sound so plain. Di ko maramdaman kung galit ba to o nainis kasi lasing ako.
Buti pa nga siguro umuwi na kami kasi inaantok nako at pagod na din ako. Di birong magsayaw sa dance floor kanina ha.
"Hey bro, I'll bring Erin home. Mauna kana lang umuwi kasi may gagawin pa kami. " pagpigil ni Drix samin. Ako nakapikit na kasi inaantok na bahala kayo diyan.
"Who are you to tell me what to do? Baka nakakalimutan mo yung usapan kanina? Can't you even see? She's drunk so skip your childish confession plans Drix. It's not the right time. " teka? Anong confession plans? Napansin ko na may tensyon na naman sa paligid. Minulat ko ang mata ko pero ang blurred na ng paningin ko.
Naramdaman ko nalang na bigla akong binuhat ni Eros. Habang papalayo kami narinig ko pang nagmura si Drix "THE FUCK!!!". at kasabay nun ang malakas na kalampag ng mesa . Galit ba si Drix? Bakit???
"An---anong.... Confession plans??... " inaantok kong sabi. Di na talaga kaya ng mata ko.
"Nothing. Let's just go home. Marami tayong pag uusapan pag uwi Erin. " those are the last words I've heard from him before I fall asleep.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Textmate - Part 4: Care
Medyo masakit pa din ang ulo ko, kasi naman kanina kasabay pagkagulat ko kay grey ay ang pagkahulog ko sa lapag at nauntog pa ulo ko sa pade...
-
Nanatiling palaisipan sakin kung panong nanyari yon at kung sino ang nag mamay ari ng apoy na nakita ko.. kailangan kong balaan si andrew n...
-
ilaw ng ibat ibang gusali ang nakikita ko ngayon... hindi ko alam kung kakausapin ko ba sya o hinde dahil sa nkikita ko, mukhang seryoso sya...
-
"Kyaaahh!!! Eros ano baaaa! hahaha! " di ko mapigil ang mga tawa ko habang nakasakay ako sa likuran niya at siya naman tumatakbo...
No comments:
Post a Comment