Ang Ex Boyfriend Kong Step Brother - Story 3
"Who's that bastard? " biglang tanong ni Eros sakin habang dinadrive niya yung daan papunta sa bar na venue ng birthday ni Drix. Tinapunan ko siya ng matalim na tingin habang nagdadrive siya ,
"Bakit mo natanong? " pabalik kong tanong sa kanya. Sandali niya kong tinignan at binalik din ang tingin sa daan.
"Answer me first. " sabi niya.
"Di mo ba narinig sinabi niya kanina? Manliligaw ko siya. " sagot ko naman. Tumawa siya sa narinig niya mula sakin.
"I'm not convinced. Nagpapaligaw ka dun? Type mo yun? " abat! Makapagsalita to parang wala talagang panlaban sa kanya si Drix. Sinamaan ko siya ng tingin.
"What? I'm just saying na kung hahanap ka ng kapalit ko yung nahihigitan ako. " psh yabang neto.. Lakas ng hangin.
Di ko nalang siya pinansin at tumingin nalang sa labas ng bintana.
Naalala ko na naman yung nangyari kanina. Nakakainis talaga. Kung di ako pumagitna baka nagkagulo lalo.
Flashback....
"Hahaha give her to you? Look Eros, wala kaming ginagawang masama ni Erin. I'm just inviting her sa bday ko. That's all. Tsaka manliligaw niya ko. Alam ni tita yun. Kaya payagan mo na siya na sumama sakin. I know your just being a protective BROTHER TO YOUR SISTER. " halata namang nairita si Eros sa sinabi ni Drix kaya sinenyasan ko si Drix na manahimik nalang.
"She's not going with you. She's not going to your party unless kasama ako. " WHAT?! KASAMA SIYA?! NO WAY!
"Kasama ka? Okay deal. Sumama ka. Let's go Erin. " hinawakan ni Drix ang kamay ko at hinila ako papasok sa kotse niya nang hinatak naman ako ni Eros sa kanya. What the fuck! Mga buto ko!
"I just said na di siya sayo sasama diba? You're just her suitor don't act like you own her. " di nako nakapag react pa ng kinaladkad na niya ko papasok ng kotse niya . The hell.
That's why andito kami ngayon at magkasama sa kotse niya.
Nakita ko si Drix sa may likuran namin. Kinawayan niya ako at gumanti din ako ng kaway sa kanya. Bigla nalang sumarado yung window ng kotse muntikan pakong maipit.
"What are you a child? Kitang nilalamig ako. Keep the windows closed. " pagrereklamo ng tukmol na katabi ko. Wala akong ibang nagawa kundi pakalmahin ang sarili ko. Mahirap na baka magbago ang isip neto di pako makapunta sa bday ni Drix.
Damn you Eros Mavericks.
.
.
Masaya akong sinalubong ng mga barkada ko sa loob ng bar. Nakipagbeso sila sakin at sabay-sabay binati ng happy birthday si Drix. Pansin kong ibang makangiti mga tao dito sakin ngayon ah? Ano kayang meron?
Nalingat lang ako sandali, nakita ko na si Eros na pinagkaguluhan kausapin ng mga barkada naming babae na medyo nakainom na. Alam niyo namang late kami dumating.
Feeling close na yung mga tropa ko kay Eros kasi naman kilala na nila to. Sikat naman kasi si Eros sa campus namin. At oo alam nila ang tungkol samin that he is my ex and is now my step brother. Na awkward sila nung una and then eventually natanggap din nila yun at medyo nasanay na.
Si Drix naman, he knows everything as well because he's one of my tropa. Kung ano alam ng isa. Alam ng lahat.
Ginala ko paningin ko kasi bigla nalang nawala tong si Eros. Nakita ko siya sa dance floor ay may kasamang mga babae.
Pucha bakit ngiting-ngiti ka naman jan sa mga babaeng yan Eros ha? Psh.
Nakakainis. Bahala nga siya mag enjoy diyan. Buti nga eh para naman malaya ako dito.
Tumagay ako ng isang shot, dalawang shot, tatlo boom straight. Sabay kwentuhan ng kung ano-ano di ko na alam bakit ako tawa ng tawa.
"Erin? Ayos ka lang? Wag ka naman masyadong magpakalasing may exciting pang mangyayari mamaya eh. " rinig kong bulong ni Drix sakin.
"Mangyayaring exciting??? Ano naman? " naguguluhan kong tanong.
"Secret... " nginitian niya ko ng mapang asar at saka inakbayan habang nakaupo kami.
"Basta. Malalaman mo rin maya-maya lang. "
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Textmate - Part 4: Care
Medyo masakit pa din ang ulo ko, kasi naman kanina kasabay pagkagulat ko kay grey ay ang pagkahulog ko sa lapag at nauntog pa ulo ko sa pade...
-
Nanatiling palaisipan sakin kung panong nanyari yon at kung sino ang nag mamay ari ng apoy na nakita ko.. kailangan kong balaan si andrew n...
-
ilaw ng ibat ibang gusali ang nakikita ko ngayon... hindi ko alam kung kakausapin ko ba sya o hinde dahil sa nkikita ko, mukhang seryoso sya...
-
"Kyaaahh!!! Eros ano baaaa! hahaha! " di ko mapigil ang mga tawa ko habang nakasakay ako sa likuran niya at siya naman tumatakbo...
No comments:
Post a Comment