Makamundong Salita - Part 12
Nang gabing yun hindi ko lubos maiisip kung bakit hinayaan ko ang sarili kong yumakap sa lalaking hindi ko kilala, kung may tiwala si andrew sa kanya ganun din ba dapat ang gawain ko? ang mag tiwala kahit na hindi ko sya kilala..
haist.. patulugin mo na ako plssss!!
mainit hindi tulad ng init na galing kay andrew pero sapat para maibsan ang lamig na nag mumula sa patak ng ulan, sabayan pa ng mabining hangin na tumatangay sa aking buhok na sya ring nagbibigay ligalig sa ilong ko dahil sa pabango na nasasamyo ko galing sa lalaking yakap ko..
______________________________♥
mainit hindi tulad ng init na galing kay andrew pero sapat para MAGISING AKO
sinag ng araw..
katok.... mga katok ang syang dahilan para imulat ko ang mata ko
ANDREA !! anak hindi kaba papasok.. mag a alasyete na,
mag a alasyete.. teka ma la late na ko..
NO
I MEAN
SUPER LATE NA KO..
MA??? PADALA NG KAPE MA.. MALILIGO NA AKO..
Dali dali kong binuksan ang c.r ng kwarto ko kasabay ng pag karinig ko ng yapak ng mga paa sa labas tanda ng lumakad na pababa si mama para sa kape ko ☺ here we go... let the magic begin.. sabay kong itinas ang kamay ko dahilan para mag sulputan ang tubig sa kung saan, ilang minuto ko rin nilaro ang tubig pagkatapos ay pinatuyo rin ang sarili ko.. lumabas na ko ng c.r para mag bihis ng maalala ko na hindi ko nalabhan ang damit ko .. what the.. ahhh hayaan na , pwede naman tong gamitin ulit .. isa pa nandito yung amoy nya.. at di ko na naman napigil ang ngumiti..
kasabay ng pagsuot ko ng blusa ay ang pag kumpas ng kamay ko dahilan para ang likidong kape ay umangat sa ere para mainum ko, syempre dahan dahan lang.. pero sapat sa oras ng pag bibihis ko, ok I'M ready..
bumaba na ako ng bahay at nag paalam na rin,, wala akong ibang orasyon sa umaga ang pag make up at pag suklay ng buhok ay bumubuno ng oras ko kaya naman mabini ko lang na sinusuklay ito gamit ang mga daliri ko.. malayo layo narin ang nalalakad ko ng mapansing wala ang salamin sa mata ko...
teka... paano kung mag iba ang kulay ng mata ko?
nakaka dalawang hakbang na ako pabalik ng makita ko ang oras... late na nga pala ako haist... dahilan para tumakbo ako at pabayaan ang naiwang salamin..
bahala na nga..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Textmate - Part 4: Care
Medyo masakit pa din ang ulo ko, kasi naman kanina kasabay pagkagulat ko kay grey ay ang pagkahulog ko sa lapag at nauntog pa ulo ko sa pade...
-
Nanatiling palaisipan sakin kung panong nanyari yon at kung sino ang nag mamay ari ng apoy na nakita ko.. kailangan kong balaan si andrew n...
-
ilaw ng ibat ibang gusali ang nakikita ko ngayon... hindi ko alam kung kakausapin ko ba sya o hinde dahil sa nkikita ko, mukhang seryoso sya...
-
"Kyaaahh!!! Eros ano baaaa! hahaha! " di ko mapigil ang mga tawa ko habang nakasakay ako sa likuran niya at siya naman tumatakbo...
No comments:
Post a Comment