Makamundong Salita - Part 14

puno ng mga kilalang tao ang aming mansyon, hindi ko mapigil ang ngumiti pagkat ang aming ipinag diriwang ngayon ay ang ika labing limang anibersaryo ng kasal ng aming mga magulang, punong puno ng mamahaling inumin ganundin ng dekorasyon ang nasabing lugar, nag kalat ang aming mga tauhan na nakikihalubilo sa mga bisita , naron din ang mga respetadong opisyal ng gobyerno at mga kilalang tao na syang tinitingala at iniidolo ng iba, inilibot ko ang aking paningin ng masulyapan na nagkalat din ang aming mga ka alyansang MAFIOSA at MAFIOSO na siguradong ikinalat din ang kanikanilang body guards, assasin at reapers upang maiwasan ang kaguluhan, pero sino nga ba ang maglalakas loob na banggain ang pamilya namin o mas kilala sa mafia pamilya XANZOYOR... nag salita ng ang eemcee upang kuwain ang aming atensyon... marahil ay ipapakilala na nya ang aking mga magulang para maumpisahan na ang kasiyahan.. ilang beses na naulit na tawagin ang aking mga magulang pero tila wala ang mga ito bagay na kataka taka , anong nangyayari? isa na naman bang sorpresa ang kanilang inihanda? napangiti ako.. sadyang mahilig talaga sa sorpresa ang mga magulang ko.. naghintay pa kami ng ilang sandali ngunit hindi na ata normal na magtagal ng ganon ang pag papakita nila, wala sa sariling napatayo ako at pumasok sa loob ng mansyon, masyadong malinis , masyadong tahimik, buhat don ay kinabahan ako.. hindi normal nasaan ang mga gwardya na dapat ay nakatoka rito, binilisan ko pa ang pag lalakad ko ,, lakad na naging takbo kasabay ng pag bukas ko ng pinto sa kwarto ng aking mga magulang ay ang tunog ng nasirang bintana, *pag kabasag.. "mom??? .. dad???" na ngangatog na aking mga kamay at nanghihina na ang aking mga paa, ngunit kailangan ko silang makita ,, ilang hakbang pa ang ginawa ko bago ko makita ang dalawang taong hinahanap ko,, ang isa'y prenteng naka upo habang hawak ang kopita na may lamang alak ? dad?? where's mom? umikot ako paharap sa aking ama para lang makita ang kanyang anyo.. mga matang nakadilat na animo'y nabigla at bibig na bumubula pa tanda na ito'y nilason,,, marahas akong napalingon sa aking kanan ng mahagip ng aking mata ang pag kilos doon,, para lang makita ang nag hihirap na anyo ng aking ina, nakadapa at gumagapang ito "mom??? s-sino ang may gawa n-nito?" imbes na sumagot ay pilit nyang hinawakan ang aking pisngi, gayun pa man kahit nahihirapan ay pinanatili kong matatag ang aking sarili muli inulit ko ang aking tanong... "mom... pls... sino ang may gawa nito.. " at mula sa nahihirapan nyang pag hinga ay pilit nyang ibinigkas ang pangalan ng saralin "a--an--ang" at kasabay ng pagbigkas nya ng pangalan ng pamilyang yon ay ang dahan dahang pag pikit ng may nya .. namatay mismo sa harap ko sa bisig ko ang babaeng nag luwal sa akin.. ang aking inay... impit na iyak ang kumawala sa aking bibig.. mag babayad ang mga taong yon... mag babayad ang pamilya Ang.. sa gitna ng aking pagluluksa ay ang kaluskos na nag mumula sa aking likod, direksyong tatahakin papunta sa bintana, kung ganon nandito pa ang salarin na yon.. humanda ka at mag babayad ka.. dali dali akong nag lakad papunta sa bintana.. hindi nga ako nag kakamali at nandun pa ang salarin ,, naka itim ito pero di tulad ng inaasahan ko mukha lang itong tanga na nakatingin sa akin..kahit pa halos tabunan ng suot nyang panakip sa mukha ay alam kong babae sya... bakit nagawa ng babaeng may magandang mata ang pumatay ng tao ? at mula sa reyalisasyon ay sumugod ako palapit sa kanya ang babaeng to ang pumatay sa magulang ko... lumapit ako para suntukin sya na sinabayan ko ng malakas na sipa ngunit walang kahirap hirap nya lang itong sinalag dahilan para mawalan ako ng balanse, malakas sya.. kaya naman agad ko din syang hinila at sinakal ngunit tulad kanina ay sinikmuraan nya lang ako kasabay nun ay ang pagyakap nya mula sa harap ko.. wala ka sa red list!! matulog ka muna,, at mula sa kamay nyang nakayakap sa akin ay naramdaman ko nalang ang pag tama ng palad nya sa batok ko, dahilan ng pag bagsak ko at pag hila sa tela na nakatabing sa ibabang bahagi ng mukha nya, sa nanlalabo kong mata ay nakita ko ang kabuuang mukha nya,,, isang babaeng may maganda at nakakaakit na mata ngunit sira ang ibabang bahagi ng mukha ... tila napaso yun at nalapnos dahilan para masira ang mukha nya,, bago pa man ako tuluyang bumagsak ay naramdaman ko ang malambot nyang kamay na umalalay sa akin para hindi mapasama ang pag bagsak ko.. at dahil don ay tuluyan na syang umalis sa harap ko at tinalon ang distansya panuntang bintana para tumakas..

No comments:

Post a Comment

Ang Textmate - Part 4: Care

Medyo masakit pa din ang ulo ko, kasi naman kanina kasabay pagkagulat ko kay grey ay ang pagkahulog ko sa lapag at nauntog pa ulo ko sa pade...