Miss Man hater Meets Mister Cassanova - Part 5
papasok na sana ako sa kotse pero nakita ako ng isa kong girlfriend... nasa tapat lang kasi ng waiting shed ang kotse ko kaya nakita nya ako agad at lumapit...
"hey baby... ang aga pa ah? gusto mong paligayahin muna kita..?" sabi nito na sini-seduce pa ako. at dahil dakila akong 'TUKSO' ay nagpadala nalang ako rito... doon kami pumwesto sa waiting shed na kung saan ay walang ilaw... wala rin masyadong dumadaan rito dahil nga madilim...
nasa gitna kami ng pagmi-makeout nang may gumulat sa amin kaya napasigaw ang babae ko sa gulat.. at paglingon ko kung sino ito ay mas lalo akong nagulat..
"hey!? ikaw nanaman? diba ikaw yung malditang babae na naging classmate ni gerald? psh. hindi mo ba alam na may ginagawa kami dito? parang walang utak.." sabi ng babae ko sakanya. pero hindi na ako nagulat ng tinarayan nya ito ng sagot.
"hoy! sino kayang walang utak? tinutukoy mo bang sarili mo?"
"what do you meann??" naiirita ng sabi ng babae ko.
" kung may utak kayong dalawa..*sabay turo sa amin* edi sana sa kwarto nyo yan ginagawa at hindi rito.!!" sigaw nya sa amin..
"you bitch.!!" akma ng sasabunutan ng babae ko si janice pero pinigilan ko at gumawa nalang ako ng paraan para mapunta sa ibang topic ang usapan.
"hey girl..? chillax.. wag mo nalang yan pansinin.. you know..? nagseselos lang din sya kasi gaya mo girlfriend ko sya.."sabi ko na ikinagulat naman nya. psh walang utak talaga. amazona nga lang pero walang utak. ginawa ko ito para hindi sya saktan ng girlfriend ko.
"hoy.!! anong..?" hindi kona sya hinintay na makapagsalita pa dahil alam kong aangal lang din ito kaya mabuti pang unahan kona toh.
"if you excuse us.. ihahatid ko muna sya sa condo ko..*tinignan ko naman sya pero ganun parin ang mukha nya..gulat. pero sige na* lets go?" sabi ko at hahakbang na sana pero pinigilan ako ng babae ko sa braso.
"wait.. papapasukin mo yang babaeng yan sa condo mo? e diba? wala pa namang nakapasok o pinapasok mo sa condo mo?" totoong wala pa akong pinapapasok sa condo ko hindi ang gusto ko ay sa babaeng mahal ko lang ang papapasukin ko.
sasagot na sana ako pero naunahan ako ni janice.
" yes... at AKO LANG ang ipapasok nya sa condo nya.. so if excuse me.. mauna na kami.." sabi nito at hinila na para pumasok ng kotse ko.
pagkatapos kong mag seatbelt ay nagsalita itong katabi ko.
"ihatid mona ako... total may kotse ka naman.." malamig na sabi nito sa akin.. at alam kong ang ibig nyang sabihin ay sa bahay nya pero dahil naalala kong sumang-ayon sya kanina na pumunta sa condo ko ay may naisip ako.
"right away miss...?" sabi ko at ngumiti ng nakakaloko sa kanya.
makalipas ang ilang minuto ay nandito na ako sa condo ko.
"hey!? bakit nandito tayo??" naguguluhan nitong tanong sa akin. bumaba na ako ng kotse saka tuloy-tuloy na pumasok sa condo ko. naramdaman ko namang sumusunod ito.
" diba sabi mo ihahatid kita?" sabi ko rito.
" pero ang tinutukoy ko ay sa bahay namin.."
"pero pumayag kana na dito ka sa condo ko diba?"
"pero gusto ko lang naman pasuyain ang babae kanina... at akala ko pa naman nagbibiro ka lang kanina." sabi nito.
" oh well..? nandito kana.. so wala kanang magagawa..pagtitimplahin nalang kita ng maiinom.. gusto mo ba ng hot chocolate?" tanong ko rito. tumango lang naman ito.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Textmate - Part 4: Care
Medyo masakit pa din ang ulo ko, kasi naman kanina kasabay pagkagulat ko kay grey ay ang pagkahulog ko sa lapag at nauntog pa ulo ko sa pade...
No comments:
Post a Comment