Miss Man hater Meets Mister Cassanova - Part 6
kaya simula ng araw na yun... e naging magkaibigan na rin kami. hindi ko expect na dadating ang araw na magiging magkaibigan kami... dalawang linggo na rin ang nakaraan nung araw na tinulungan nya ako sa mga lalaki...at sa dalawang lingggo ring iyon ay doon ko talaga sya nakilala ng lubusan... mabait naman pala sya.. pero hindi lang halata dahil makulit sya.. pero ang pinaka nagustuhan ko sa kanya ay mahilig manlibre..
sa katunayan nga nyan ay nandito kami sa mercedes caFee..
at kasalukuyan kaming kumakain ng halu-halo na pinaresan ng chess pie.
"so kamusta naman yung mga babae mo? hindi ba naman nagsasawa sayo?" paunang tanong ko sa kanya nang sa ganun may mapag-uusapan kami.
"bakit naman sila magsasawa sa akin e nakakaadik ang halik ko e.." sabi nya ng pilyo.
"psh. yabang mo ah? e kung ganun sino ang nakakatagal sayo..?"
"bini-break ko agad sila nuh? nakakasawa na rin kung same girl parin ang magiging girlfriend ko kinabukasan." pagmamayabang nya..
"hmm... ganun ah? oh well.. hindi na ako magtataka.. e cassanova ka e.." sabi ko rito... at kinain ang huling chess pie ko.. saka tumayo..
"salamat sa libre ah? babalik na ako sa eskwelahan... ayokong mag cutting classes e.." sabi ko rito saka lumabas na ng store.. at pumara na nga ng taxi.
CASSANOVA'S POV
nang makaalis sya ay lumabas na rin ako at bumalik na rin ng eskwelahan... pero hindi para bumalik sa klase,kundi para hanapin ang mga barkada ko.. at nang makita ko ang mga ito na tumatambay lang e nilapitan kona agad ang mga ito. at nakipag kwentuhan na rin.. ang unang kinuwento ko sa kanila ay si janice.. kilala na rin nila ito dahil sya lagi ang bukambibig ko sa mga barkada ko.
"hayy.buhay nga naman. hindi mo alam kung ano ang susunod na mangyayare.." kumento naman ni donald..
"oo nga.. akalain mo? naging mag aso't-pusa sa umpisa pero naging magkaibigan din naman?" sabi naman ni mike.
"baka sa huli nyan ay kayo na ang magkatuluyan.." pang-aasar naman ni piter. ang pinaka mataba sa grupo namin.
" nakuhh imposible.. alam nyo naman ang mga tipo ko diba? yung mga sexy... maganda at makinis ang legs... opposite naman sa kanya.." sabi ko na hinuhugis pa sa hangin ang built ng katawan ng babae...hehe parang tanga lang e...
"nakuh.. hindi mo rin masasabi tol! naging magkaibigan nga kayo ng hindi mo inaasahan diba? so may possibility na mainlove ka rin sa kanya ng hindi inaasahan..."panunukso nya sakin.
"ano ba naman kayo.. siguro nga hindi ko inasahan na magiging magkaibigan kami pero ibang usapan naman pagdating sa lovelife..." sabi ko sa mga ito na napapailing nalang...
"bahala ka.. basta ba mag-ingat ka nalang.. este ingtan mo pala puso mo baka ma-fall sa hindi mo pa katalo.." sabi ni donald...
napapailing nalang ako sa mga ito,sign na hindi ako kumbinsido..
psh. hindi nga kami talo ni janice.. sana lang hindi rin dumating ang panahon na ma-fall ako sa kanya... kasi sabi nga ni donald..
hindi kami talo..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Textmate - Part 4: Care
Medyo masakit pa din ang ulo ko, kasi naman kanina kasabay pagkagulat ko kay grey ay ang pagkahulog ko sa lapag at nauntog pa ulo ko sa pade...
-
Nanatiling palaisipan sakin kung panong nanyari yon at kung sino ang nag mamay ari ng apoy na nakita ko.. kailangan kong balaan si andrew n...
-
ilaw ng ibat ibang gusali ang nakikita ko ngayon... hindi ko alam kung kakausapin ko ba sya o hinde dahil sa nkikita ko, mukhang seryoso sya...
-
"Kyaaahh!!! Eros ano baaaa! hahaha! " di ko mapigil ang mga tawa ko habang nakasakay ako sa likuran niya at siya naman tumatakbo...
No comments:
Post a Comment