Miss Man hater Meets Mister Cassanova - Part 3

"three points by mandrigal!" sabi ng isang announcer nang makapasok ng isang three points si kuya kristoff.. habang kami naman nila kuya joseph at kuya dexter ay nakaupo lang habang sumisigaw kapag may maipasok na bola si kuya kristoff... "whooo! galing mo bunso.!" sigaw ni kuya dexter... at matapos ang 4rth quarter ay nanalo ang team nila kuya kristoff... sa score na 98-101. pagkatapos nitong maglaro ay lumapit na ito sa amin kung saan kami naka-upo. niyakap naman ito ni kuya dexter. " galing mo talaga.. nagmana ka talaga sa akin nuh?" pagbibiro ni kuya dexter saka ginulo ang buhok ni kuya kristoff.. " ano ba??" angal nito.. pero hindi iyon pinansin ni kuya dexter instead ay tinignan ako nito. " bunso.. bumili ka ng tatlong tubig para sa amin ng mga kuya mo... nakakapagod sumigaw ah?" " bakit ako? kayo kaya bumili ng tubig.. kayo naman ang nauuhaw dyan??" angal ko. "sige na.. sino ba dapat kong utusan ehh ikaw lang naman pinaka bunso dito.. oh eto.." may kinuha ito sa bulsa at iaabot sa akin...ang isang one hundred pesos... " sayo na ang sukli nyan.. para hindi kana umangal.. alam ko kasing dapat ka pang suhulan para umagree ka." sabi nito kaya wala na rin akong nagawa kundi bibili nalang ng mineral water... padabog ko naman itong kinuha sa kamay nya.. " sige na nga!?" sabi ko.. "yan ang bunso namin.." nakangiting sabi nito saka ginulo ang buhok ko kagaya ng paggulo nya ng buhok kay kuya kristoff... tsk! ang hirap talagang maging bunso... lalo pa't nag-iisa ka lang na babae sa inyong magkakapatid.. " ano ba??" angal ko.. " uyy! pag nakabili kana ha? punta ka sa seven eleven at kakain tayo doon.." sabi nito na ang tinutukoy ay ang seven eleven sa kaharap naming kalye. pagkasabi nito ay umalis na ako at nagsimula na akong maglakad sa isang convenience store para bumuili ng tatlong tubig.. pagkatapos kong makabili ng tatlong tubig para sa tatlo kong kuya ay bumili na rin ako ng akin.. isang piattos at chuckie.. at sweet corn... yeah right! mahilig ako sa chuckie.. hehe.. ^___^ nang makabili na ako sa lahat ng gusto kong bilhin ay pumunta na ako sa sinasabi nilang seven eleven para dun kumain... pagpasok ko ay kita ko agad ang mga kuya ko na may kausap na lalaki... parang familiar ang likod nito pero hindi ako sigurado kung sya ba talaga ito... nakuhh sana wag naman.. nang makalapit na ako ay saka lang ay napansin ng mga kuya ko.. "oh? andyan na pala si bunso..? halikana rito jan.." sabi ni kuya joseph... kaya napatingin na rin ang lalaki sa akin... at nagtama ang aming mga mata... nagulat ako kung bakit sya nandito... " heto nga pala si gerald janice... nag-aaral rin sya sa school kung asan ka nag-aaral... siguro naman kilala mo sya...?" "hindi lang basta magkakilala..." tumingin ito sa akin ng nakakaloko.. " close pa kami...at classmate pa" sabi nito at tumingin na rin sa mga kuya ko... ano daw..? close? CLOSE?? hah! in his dream!! it will never gonna happen... " talaga janice close kayo..? nakuhh mabuti kong ganun.. may umaaligid ba sa bunso namin gerald?" sabi nito.. bahagya syang tumingin sa akin pero tumingin na rin kay kuya kristoff... " hindi ko alam e... pero..." tumingin pa ito ng parang may pinaplanong di maganda... "pero..?" sabi ng mga kuya ko... napainom naman ako ng tubig na dala ko.. "pero... may nakahalik na sa kanya.." pagkasabi nyang yun ay agad kong naibuga ang iniinom ko kaya basa ang table namin... " ANO???" gulat na bulalas ng mga kuya ko... bwiset ka talagang cassanova ka! pati ako dinadamay mo sa miserable mong buhay.! =____= agad namang tumunog ang cellphone ko... pagtingin ko may nagtext.. and unkown number.... binasa ko ito. 'babawiin ko ang sinabi ko sa mga kuya mo kung papatawarin mona ako.. and..? magbati na tayo..' alam kong galing ito kay gerald kaya tumingin ako sa kanya ng matalim... at nereplyan din sya sa text.. 'k.fine.' reply ko.. at napatingin naman sya sa cellphone nya at napangiti.. "joke lang yun... masyado naman kayong seryuso..." bawi nito sa sinabi kanina... ang kaninang mukhang makapatay na ang reaction ay naging mahinahon na ang reaction ng mga kuya ko.... "naku ikaw talaga gerald. mahilig ka talagang mag joke.. pero wag mo nang ulitin ang ganung klaseng joke ha? nagulat kasi kami talaga sa sinabi mo kanina.. yun pala joke lang..." nag alangan pang ngumiti si kuya dexter.. matapos ang pag-uusap na yun ay nag-order na kami kaya sa mga oras na yun ay kumakain lang kami... nung umuwi na kami ay gabi na.. mga 6:30 na siguro... akala ko KAMI lang ang uuwi ng mga kuya ko pero sumama pa itong si gerald hanggang sa bahay.. sabi nya ihahatid lang daw nya ako... psh. napaka plastic talaga ng lalaking yun. -___- nung pumasok na kami sa gate ay sinabi ko kina kuya na mag-uusap lang kami saglit ni gerald.. "oh sige.. basta ikaw janice ah? matapos nyong mag-usap ehh pumasok kana rin..." sabi nito sa akin.. binalingan din ito si gerald... " bro.. *beso-beso na pang lalaki* pasok na kami... salamat." sabi nito at ilang saglit lang ay naiwan nalang kami ni gerald.. saka ako nagsalita.. "hoy! ikaw'ng lalaki ka.!? *hampas sa balikat* ano bang problema mo ha? balak mo pa talagang sabihin sa kanila ang nangyari? wala kana talagang delikadesa nuh?" sumbat ko rito. "delikadesa? hah! wow.! sino kayang walang delikadesa ha? sinong nagpahalik?" "hoy! manyakis ka.! ikaw ang humalik sa akin AND you.! you take advantage.. kaya nangyari yun.. cassanova ka? balak mo pa talaga akong idagdag sa mga collection mo?" sigaw ko rito. "woooo chillax.! psh. dapat lang sayo ang halikan ko dahil nasugatan ako dahil sa kagagawan mo.. yun lang naman ang kabayaran sa lahat ng ginawa mo sa akin...." sabi nito "so... alis na ako? gabi na rin kasi.. bye.. see you in school... manhater.!?" nakangising sabi nito saka lumabas ng gate.. "~arrrrrg~" bulalas ko nalang at pumasok na rin ng bahay... pagpasok ko nakita ko sila kuya na nakaupo sa sala na may kakaibang tingin sa akin... "so...? gusto ka pala ni gerald ha? dahil gusto ka pa talaga nyang ihatid?" sabi ni kuya dexter. "oo nga... so bunso!? may pag-asa ba sya?" sabi naman ni kuya kristoff... "BAHALA KAYO.!!" sigaw ko sa mga ito.. saka pumasok ng bahay... at doon sinariwa ang nangyari kanina.. ano bang balak nya? balak ba nyang sirain ang buhay ko? psh. kung ano man ang balak nya hindi sya magtatagumpay.. hmp.! :3

No comments:

Post a Comment

Ang Textmate - Part 4: Care

Medyo masakit pa din ang ulo ko, kasi naman kanina kasabay pagkagulat ko kay grey ay ang pagkahulog ko sa lapag at nauntog pa ulo ko sa pade...