Miss Man hater Meets Mister Cassanova - Part 2
pagka-uwi ko sa bahay,nadatnan ko ang mga kuya ko na naglalaro ng tekken.
"ayan dexter! talo ka! paano ba yan? yung deal..mang lilibre ka ng kikiam!"sabi ni kuya joseph kay kuya dexter. napahimas naman si kuya dexter sa ulo nya.
"oo na.." sabi nito at pagtayo nito ay saka lang ako nakita sa pinto.
"oh? nandito na pala si bunso e..bunso..musta?" sabi nito.lumabas naman si mama sa mula sa kanyang kwarto at lumapit sa amin.
"anak..bakit magulo buhok mo?" tinignan naman ako ng makahulugan ni kuya.
"teka.. may boyfriend ka na ba bunso?" parang gulat na sabi nito.
" nakuhh!! bata ka pa bunso.psh.kahit kailan talaga mapusok ka!" sabat naman ni kuya joseph.
" ano bang iniisip nyo? magulo buhok ko dahil nakipag-away ako" sabi ko.
'dahil nakipag-away ako' pero natauhan ako sa sinabi ko.. sinabi ko ba talaga yun?
"nakipag-away ka nanaman?" sigaw ni papa. kalalabas pa lang nya sa banyo.
"uhh..kasi po.." hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
napasapo nanaman sa noo si mama.
"nakuhh! ikaw'ng talagang bata ka! hindi kana nagbago." sabi nito sa akin.
"naku ma.. hindi na yan magbabago!" sabat naman ni kuya joseph.
"eh kayo naman kasi...kung anu-anong iniisip! edi yan! sinabi ko kung bakit magulo buhok ko.dyan na nga kayo!? aakyat lang ako sa kwarto ko." sabi ko at nagtungo na nga sa kwarto ko at doon ko inisip lahat ng nangyari kanina.
paano ba yan? klasmet ko pa ang unggoy na yun. paano kung gumanti sya sa akin? o ang mga babae nya ang mambugbog sa akin para sa kanya? kung nagkataon bugbog-sarado siguro ako. sa dami ba naman ng babae nya sigurado kawawa ako. psh. bahala na bukas!
kinabukasan paggising ko ay naghanda na ako para pumasok sa paaralan.
pagkababa ko naman sa hagdan ay nakita kona ang mga kuya ko na nagkukulitan...
"oh bunso!? punta kana sa eskwelahan mo? nakuhh! magdasal ka na di magsusumbong sa pulis ang mga binugbog mo,kundi lagot ka!" pang-aasar na sabi sa akin ni kuya kristof. binato ko naman sya ng unan na nasa sofa. "tumigil ka nga!?" sabi ko at lumabas na ng bahay.. narinig ko pang sabi ng mga kuya ko.
"GOODLUCK BUNSO.!!" hindi ko nalang pinansin iyon at pumunta na ako ng eskwelahan.
pagkarating ko sa eskwelahan ay nagklase na pala.. tinyempuhan ko nalang ang pagpasok ko sa room nang hindi nakikita ng teacher.
pag nakaharap na ito sa blackboard saka lang ako pumasok. ilang oras din ay tapos na ito sa pagtuturo kaya umalis na ito. kaya naisipan ko munang pumunta sa rooftop, pero paglabas ko ng room ay may nakaharang.... pagtingin ko, yung mga babae nanaman. natawa naman ako sa mga hitsura nila... may naka-benda sa ulo, may nakalagay sa leeg, at sa tuhod... may napilay pa..haha
"oh ano? gusto nyo pa talaga madagdagan ng sakit ang katawan nyo ah?" akma kona sana silang pagsusuntukin pero pinigilan nila ako. " hoy! ano ba? wag mo ulit kaming saktan! nandito kami hindi para makipag-away sayo... kundi may nagpapabigay lang sayo.. ito oh?" sabi nito at iniabot ang isang papel. binasa ko naman ang laman nito.
'punta ka sa room BR6' yun lang ang nakalagay sa papel. naka kunot noo naman akong napatitig sa kanila. " at ano naman to?"
"it's for you to find out! ayaw nyang sabihin namin sayo kung sino sya, bubugbogin daw kami pag nangyari yun." sabi nito at tumalikod na sa akin kaya pumunta nalang ako sa sinasabi nitong room.
nagtanung-tanong pa ako kung saan ang room BR6. at sa wakas ay nakarating din ako... at nandito na ako sa tapat ng pinto.
pagkapasok ko madilim ang paligid.
"yohoo? anybody home?" sabi ko sa kawalan. may nagsalita naman mula sa likuran ko. " buti naman at pumunta ka..." lumingon ako and BOOM! nakita ko ang lalakeng natamaan ko ng tin can sa mukha kahapon..
"ba-b-bakit mo ako p-pinapunta rito?" gosh! bakit ako nag stutter?...
"pinapunta kita rito para mabayaran mo ang ginawa mo sa mukha ko.." nakita kong may band-aid sa kilay niya...
"a-at ano--este magkano?" tanong ko. kinakabahan na ako.. lumalapit sya sa akin.. kaya umaatras ako..
*atras*
*abante*
*atras*
*abante*
hanggang sa na corner na nga nya ako.. hinarangan nya ako sa magkabila nyang braso habang ang mga mukha namin ay malapit na malapit sa isa't-isa. naamoy ko na nga ang hininga nya.
"what if i kiss you right now?" sabi nito at tinignan ng malamlam ang labi ko.
"subuka--" hindi kona natuloy ang mga sinabi ko dahil hinalikan na nya ako.
fierce & wild. yun ang tamang description.
ilang minuto din nya akong hinalikan at kalaunan ay huminto rin sya... naghahabol kami ng hininga..
nagkatitigan naman kami sa isa't-isa.
"ano? masarap ba?" sinampal ko naman ito.
*pak*
"bastos.!!" sabi ko at saka lumabas ng room.
*
nung pag-uwi ko sa bahay ay dumeritso na ako sa kwarto. at doon.. napahawak ako sa labi ko.. swollen parin ito dahil sa paghalik nya sa akin... napatalukbong naman ako sa kama dahil sa sobrang frustration.
"-arrrrgg--" napa bulalas nalang ako sa loob ng kwarto.
"that son of a bitch..he don't know what he did to me..."
CASSANOVA'S POV
pagdating ko sa eskwelahan hinanap ko muna ang mga babaeng nambugbog or lets say binugbog nung janice mandrigal.haha!
nagtanung-tanung ako tungkol sa kanya... at nalaman kong kick-out sya sa dati nyang school.. at may tatlo syang kuya.. hindi na ako magtataka kung saan nya namana ang pagiging boyish nya.
nakita ko naman ang mga babaeng hinahanap ko.
"hey girls!" tawag ko sa mga ito...
"hey handsome!" at sabay-sabay silang lumapit sa akin at hinalikan ako.
"uhh.. may favor sana ako sa inyo girls.." inabot ko sa kanila ang papel.
"pwede bang ibigay nyo ito kay janice mandrigal? and oh! wag nyo ring sabihin kung sino ako kung hindi...dadagdagan ko ang pasa sa inyong mga katawan.. don't worry may kiss kayo sa akin kung magagawa nyong iabot ito sa kanya." sabi ko at lumundag naman sila sa tuwa. at agad na tumakbo. siguro dahil sa premyo. haha. mga babae talaga. =___=
pagkatapos ng morning class ay pumunta na ako sa room BR6 para abangan si janice.
ilang minuto pa akong nag-aabang doon at sa wakas ay may pumasok na. "yohoo? anybody home?" pambihira talaga tong ababaeng toh mukhang may tama ah?
"buti naman at bpumunta ka!" paunang salita ko. lumingon naman sya. at nagulat. yeah right! dapat ka talagang magulat. *smirk*
"ba-b-bakit mo ako p-pinapunta rito?" aba' at mukhang kinakabahan..? hmm....
mas lalo akong naganahan sa babaeng ito.
"pinapunta kita rito para mabayaran mo ang ginawa mo sa mukha ko.."
"a-ano--este magkano?" lumapit pa ako sa kanya.umatras naman sya.. lumapit pa ako ng lumapit hanggang sa na trap na sya sa mga braso ko. "what if i kiss you right now?" napatingin ako sa mga mapupula nyang labi. shit! ang sarap halikan.
"subuka--" hindi kona sya hinintay pang magsalita at hinalikan kona sya. hindi kona sana sya tinigilang halikan pero kinapos na ako ng hininga. ganun din sya.
"ano? masarap ba?" pero nagulat ako sa ginawa nya. sinampal lang naman nya ako sabay sabing: "BASTOS.!!" saka lumabas ng room.
hah! i will do everything to make you mine janice mandrigal...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Textmate - Part 4: Care
Medyo masakit pa din ang ulo ko, kasi naman kanina kasabay pagkagulat ko kay grey ay ang pagkahulog ko sa lapag at nauntog pa ulo ko sa pade...
-
Nanatiling palaisipan sakin kung panong nanyari yon at kung sino ang nag mamay ari ng apoy na nakita ko.. kailangan kong balaan si andrew n...
-
ilaw ng ibat ibang gusali ang nakikita ko ngayon... hindi ko alam kung kakausapin ko ba sya o hinde dahil sa nkikita ko, mukhang seryoso sya...
-
"Kyaaahh!!! Eros ano baaaa! hahaha! " di ko mapigil ang mga tawa ko habang nakasakay ako sa likuran niya at siya naman tumatakbo...
No comments:
Post a Comment