Miss Man hater Meets Mister Cassanova - Part 9

"oh anak? nakahanda ka na ba dyan?" tanong ni mama sa akin.. " opo ma.!" sagot ko naman rito mula sa kusina.. alas singko palang kasi ng umaga pero gising na kami kasi ngayon daw kasi ako isusundo ni gerald kasi nga diba inimbita nya akong sumama sa outing ng mga kaibigan nya nung isang araw? nakapagpaalam din naman ito kay mama kaya ngayon nagluluto si mama para sa akin... naligo na ako saka nagbihis at kumain na... pagkatapos ng lahat ng preparation ko nanuod muna ako ng movies... para naman hindi ako mabobored maghintay kay gerald.. makailang sandali lang ay may bumusina na sa labas ng bahay namin... kaya inilabas na ng mga kuya ko ang bag pack ko na may nakalagay na mga damit ko in one week.. doon daw kasi kami magbabakasyon sa pampanga kaya ganitong oras talaga kami bbyahe.. "mag-iingat kayo bunso ah?" sabi ni kuya joseph.. "wag po kayong mag-alala hindi ko po pababayaan si janice.." sabi naman ni gerald... saka na ipinasok ang gamit ko sa van.. pagkapasok ko nandun na ang mga kaibigan 'siguro' ni gerald.. nagpakilala naman ako sa mga ito.. hindi naman ako nahirapan na pakisamahan sila dahil ang babait nila.. puro nga kami kwentuhan sa loob ng van e.. pero kalaunan din e natahimik ang van dahil nakatulog na kami.. kasi nga madaling araw pa naman kami nagbyahe.. talagang makakatulog ka talaga sa byahe.. naalimpungatan nalang ako kasi may nagyugyog sa akin at may bumulong sa tenga ko.. "nandito na tayo jazz.." pagtingin ko si gielo pala... isa syang bakla.. at jazz ang tawag nya sa akin para short daw sa janice... sumunod nalang ako sa pagbaba sa van at pumasok kami sa isang mansion.. dito daw kami magbabakasyon... sa paligid naman ng mansion ay makikita mo ang kabuoan ng dagat... ang ganda ng view at ang sarap pa langhapin ang hangin. tatayo nalang sana ako para pagmasdan ang dagat pero may pumukas sa atensyon ko.. "oyy girl.! kain daw ulit tayo.. halikana at baka mawalan pa tayo ng pagkain.." paanyaya ni nico. mataba ito kaya wag na kayong magtaka kung pagkain ang laman ng utak nito.. at dahil nagutom rin ako ay sumunod nalang ako sa kanila.. at hanggang sa kainan ay kwentuhan parin kami ng kwentuhan pero nang matapos na ay naisipan nilang magpahinga dahil pagod sila mula sa byahe.. pero dahil nakatulog na ako kanina ay hindi na ako inaatok ngayon kaya naisipan kong lumabas ng mansion at umupo sa isang puno.. at nagmumuni-muni... pero may bigla namang dumating mula sa likuran ko at umupo ito sa tabi ko.. walang iba kundi si gerald.. "bakit hindi ka pa nagpapahinga?" paunang tanong nito sa akin.. "hindi na kasi ako inaantok.. nakatulog na kasi ako kanina sa byahe.." paliwanag ko rito. "eh.. ikaw? bakit hindi ka magpahinga?" dugtong ko pa... "pareho lang tayo... nakatulog rin kasi ako kanina sa byahe..." explain nito.. "nakuhh!? ginagaya mo lang siguro ako e..." pang-aalaska ko rito.. akala ko aasarin nya rin ako gaya ng pag-asar ko sa kanya pero tumayo na ito at nagpaalam ng umalis.. "psh. dyan ka na nga!? hihiga nalang ako.." sabi nito saka umuna ng umalis.. psh. problema nun? at dahil ako ulit ang mag-isa rito ay napagpasyahan kong maglakad-lakad sa dalampasigan.. habang naglalakd ako may bigla nalang may nahulog sa akin na sobrang bigat kaya napatumba ako kasabay ng bagay na yun.. pareho pa kaming napa-aray...

No comments:

Post a Comment

Ang Textmate - Part 4: Care

Medyo masakit pa din ang ulo ko, kasi naman kanina kasabay pagkagulat ko kay grey ay ang pagkahulog ko sa lapag at nauntog pa ulo ko sa pade...