Miss Man hater Meets Mister Cassanova - Part 8
nandito ako ngayon sa kwarto at nakatingin lang sa ceiling.. wala kasing pasok ngayon at wala din naman akong naiisip na gagawin ko ngayon kaya heto ako ngayon at nasa kwarto at nakahiga...
nasa ganoong ayos ako nang may kumatok sa pintuan ko... kaya lumapit ako sa pinto at pinagbuksan ang kung sino man ang kumatok sa pinto ko.. pagkakita ko.. si kuya dexter pala..
"oh? kuya? anong kailangan mo?" tanong ko rito..
"hoy jan ha? hindi mo pala sinabing may manliligaw kana pala?" nakakalokong nakangiti si kuya sa akin.
sino kayang sinasabi ni kuya na manliligaw ko? eh halos napagkakamalan na nga akong lalaki e. magkakaroon pa kaya? =__=
tss. si kuya talaga nagpapatawa..
tinignan ko lang ito nang may pagtataka.. saka ulit sya nagsalita.
" si gerald.. nasa baba.. hinihintay ka.. may lakad daw kayo ngayon... hmm? kayo ah?" sabi nito na nagkikilos bakla pa talaga..
"tumigil ka nga dyan kuya? baka matuluyan naka jan.hmp.!" sabi ko saka bumaba ng hagdan saka ko naman nakita si gerald na printeng naka-upo sa sofa namin.. nilapitan ko naman ito.
"ano bang ginagawa mo dito ha?" masungit kong tanong rito...
"samahan mo akong pumunta sa mall.. may bibilhin lang ako.." napataas naman ang kilay ko sa sinabi nya.
" ano ako katulong mo..? at tsaka hindi mo ba kayang bumili ng mag-isa?" naasar kong sabi.
" sige na..." sabay hila naman sa akin...
"wag kang mag-alala.. ililibre naman kita eh.." sabi nito...
"oo na.! sandali lang.! pabihisan mo muna ako.. ayokong ganito lang hitsura ko pag pumunta ng mall.. like hello..?" sabi ko rito. naka-panjama lang kasi ako at alam mona..t-shirt.
kaya hayun. hinintay nya akong makatapos akong magbihis.. namili naman ako ng susuotin. at ang suot ko ay t-shirt na pink na may naka print na 'girl power'.. saka ako bumaba...
at nang papaalis na kami ay nagbilin naman sa amin ang mga kuya ko.
"oh? gerald? ingatan mo yang kapatid namin ah? at saka..... wag masyadong mapusok.." biro ni kuya joseph kay gerald.. ramdam ko namang namula ako.
"kuya.!!?" suway ko rito.
"oh sige na.!! alis na kayo.. ingat bunso.. at ikaw rin gerald.." sabi ng mga ito... habang naglalakad kami ay kinausap ko naman sya..
"pasensya kana sa mga kuya ko.. ganun lang talaga yung mga yun.. mga bangag." sabi ko sa kanya..
"psh.. okay nga e.. may sense of humor sila.. at magkaka sundo kami ng mga bayaw ko..haha." napa-taas naman ang kilay ko...saka napatigil sa paglalakad.
"anong sabi mo?" pero instead na sagutin ako ay nauna pa itong lumakad kesa sa akin.. kaya wala na rin akong choice kundi sundan sya.
*sa mall*
ngayon naiintindihan kona kung bakit nya ako isinama. kasi yung mga bibilhin kasi nya e gamit pang-babae. ipang-reregalo daw nya sa pinsan nya.. uuwi daw kasi rito mula sa america.
at nang matapos ngang mamili e gaya nga ng sabi nya ay nilibre nya ako..sa pizza hut.
"hmm...bakit ka nga pala nagpapasama sa akin? ayaw mo dun sa mga babae mo?" tinignan muna nya ako ng mataman saka nagsalita...
"nakuhh.. wag na nuh? puro kalandian din naman ang alam ng mga yun ehh.." sabi nito..
"edi gaya ka pala sa kanila..? ganun ka din diba?" pang-aasar ko rito... pero instead na sagutin ako e kinakagt nya ang pizza nya at tuluyan ng nag-focus sa pagkain...
pagkatapos namin e pinuntahan namin bahay nya..pagpasok namin e nakita ko ang isang matanda na sa tingin ko ay tatay nya.. nag greet naman ako rito.
"hi po.." sabi ko rito saka nag-bow.
"anak.. girlfriend mo?" tingin ulit sa akin.
"nukuhh ganda mo namang bata ka.. talagang bagay kayo ng anak ko."
"pa!?" suway ni gerald sa ama nya.. natawa nalang ako sa nakikitang kulitan ng mag-ama..
"nakuhh hindi po.. magkaibigan lang kami" sabi ko ng totoo rito.
iginiya naman ako nitong umupo sa upuan sa kanilang kusina..
"nakuh talaga? kung ganun pala e.... nakuhh hija.. alam mo bang ikaw palang ang naging kaibigan nyang babae? madalas kasi e finiflirt nyan ang mga babae.. nakuhh himala lang talaga at nagkaroon sya ng kaibigan na babae kagaya mo..haha" "ahh.." sabi ko rito..
"pero alam mo hija? kawawa rin yang anak ko." pahayag nito na dinugtungan ko naman ng tanong.
"bakit po?"
" 8 years old palang sya nun nang nag-abroad ang asawa ko... bago ito umalis nangako ito sa anak namin na babalikan nya si gerald.. na babalikan nya kami.. pero hanggang ngayon hindi na bumalik.. nalaman nalang namin 3 years ago may iba ng pamilya ang nanay nya.." napatahimik naman ako.. talagang nakakaawa nga. bigla namang sumulpot out of nowhere si gerald saka hinila naman ako ni gerald palayo sa ama nya...
"pwede ba pa?" naasar ng sabi ni gerald pero natawa lang ito..
saka naman ako nito hinila palabas sa bahay nila.. at umupo kami sa isang puno and in fairness ang hangin rito...
nabalot muna kami ng katahimikan nang naisipan kong tanungin ito tungkol sa nanay nya..
"gerald. kung hindi mo masasamain.. pwede bang magtanung tungkol sa nanay mo?"
"kung tungkol kanina ang itatanung mo.. oo tama ang mga nalaman mo mula kay papa.." saka naman bumakas sa mukha nito ang sakit sa pag-iwan sa kanila ng ina nya...
"sorry." tanging nasabi ko..
" ibahin na nga lang natin ang usapan..? may plano akong mag outing with friends.. with our classmates.. kasi diba? one week din tayong walang klase? gusto ko sanang andun ka.." nagulat naman ako sa paanyaya nya..
" g-gusto mong andun a-ako?" binatukan naman ako nito ng pabiro.
"kasi klasmate kita.." sabi nito at pasimpleng umalis pero alam kong nahiya lang ito sa sinabi..
pero bakit ang dating sa akin e iba? alam nyo yun? basta iba? nakuhh ano ba tuh? talagang baliw na nga ako... =___=
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Textmate - Part 4: Care
Medyo masakit pa din ang ulo ko, kasi naman kanina kasabay pagkagulat ko kay grey ay ang pagkahulog ko sa lapag at nauntog pa ulo ko sa pade...
No comments:
Post a Comment