Miss Man hater Meets Mister Cassanova - Part 7

anndito ako sa library kasama ang iba ko pang mga classmate na naging friends ko din.. pero hindi naman sila lahat.. syempre yung mga kinaibigan ko lang e yung simple at hindi maarte.. nandito kami sa library dahil doon naisipan ng english teacher namin na kami ay ipa-exam... mas mabuti na daw dito dahil matatahimik talaga kami...kung hindi mapapalabas ka talaga... kanina pa natapos ang exam namin at ngayon nga ay nagbabasa ako ng libro.. actually hindi naman talaga ako mahilig talaga sa pagbabasa.. pero tatambay muna ako rito dahil magpapa aircon muna ako... ang bait kong estudyante nuh? ^___^ hehe... "janice.! hindi ka ba sasabay sa amin? ililibre ka namin." sabi ni chris. isa syang yours.. hehe. kung alam mo ibig sabihin ng sinasabi ko... "nakuhh! mamaya muna ako bababa.. dito muna ako susunod nalang ako mamaya.." sabi ko sa mga ito.. "okay.ikaw bahala.." sabi nito at kumaway nalang sila bago lumabas ng library.. kaya natuon ulit sa libro ang atensyon ko nang may biglang sumulpot sa tabi ko. "woah.! himala. nagbabasa kana pala ngayon ng libro??" pang-aalaska sa akin ni gerald. " ang panget naman kung kinabukasan mo ang binabasa ko.." pang-aalaska ko ring pabalik rito.. "psh. ang taray mo talaga kahit kailan.." mahina nitong sabi sa akin... binaba ko naman ang binabasa kong libro saka hinarap sya.. "bakit ka ba nandito? alam mo namang nagbabasa ako rito diba? hindi ako maka concentrate kung andyan ka at dada ng dada.."naaasar ko nang sabi rito. "tsk. nandito lang ako para sabihin sayo na may laban kami mamaya sa basketball.. baka gusto mong suportahan ako.." tinignan ko sya at may pagmamakaawa sa mukha nya na gusto nya talagang suportahan ko sya... napabuntong hininga nalang ako saka nagsalita. "k.fine.anong oras ba?" sabi ko rito at ibinalik sa libro ang paningin ko. "mamayang 2pm. oh sige na alis na ako mag ppractice pa kasi kami.. aasahan kita ah?" sabi nito sa akin saka lumabas na ng library. ilang minuto pa akong tumambay sa library pero kalaunan nang ma bored na ako ay umalis na ako sa library saka pumunta sa cafeteria.. saka nag-order at kumain na... nang matapos na ay naisipan kong bumalik sa classroom pero napadaan ako sa coverd court.. at nagsimula na pala ang laban sa basketball... kaya pumunta ako sa may puno at aakyat na sana pero may mga babae naman na nakita ako... mukha ngang pamilyar ang mga mukha e... *lightbulb* oo nga pala.. sila yung mga babae ni gerald.. "look who's here.. ugly trashy girl!?" sabi ng isa na sinabayan pa ng tawa sa mga kasama nyang dalawa. "teka? tiunutukoy mo ba ang sarili mo? hah! kasi sa pagkakaalam ko.. hindi ako ugly at mas lalo nang hindi ako TRASHY.." sabi ko sa mga ito.. "aba't--" akma ana akong sasampalin nito pero pinakita ko naman sa kanya ang kamao ko.. "gusto mo makatikim nito?" sabi ko.. hinawakan naman sya sa braso ng kasamahan nya na tila pinipigilan ito sa pagplanong pagsampal sa akin. "girl.. wag mo nang patulan yan.. amazona yan ano ka ba? balita ko nga may nabugbog na yan e.." pabulong daw kuno'ng sabi nito sa kaibigan pero rinig ko naman.. "oo may nabugbog na ako kaya totoong amazona ako.. gusto mong isunod kita?" sabi ko sa nagsalita kaya tuluyan na silang umalis sa harapan ko... kaya umakyat na ako sa puno at nandoon talaga ako sa pinaka tuktok.. mas maganda kasi rito... dahil malakas ang hangin at mula sa malayo ay kitang-kita pa ang buong covered court ay wala akong problema para makita si gerald.. kitang-kita ko syang nakapasok ng bola and naka 3 points pa sya.. wow galing ah? akala ko nga hindi nya ako mapapansin pero napatingin sya sa direksyon ko... at kumindat pa sya.. hindi ko alam pero iba ang dating ko sa kindat nya na yun sa akin... feeling ko lang ba talaga or assuming ako?... baka naman kasi malisyosa lang ako... nakuhh diyos ko.. bakit ko din naman bibigyan yun ng malisya? grabe! baliw na yata ako... =_____=

No comments:

Post a Comment

Ang Textmate - Part 4: Care

Medyo masakit pa din ang ulo ko, kasi naman kanina kasabay pagkagulat ko kay grey ay ang pagkahulog ko sa lapag at nauntog pa ulo ko sa pade...